Lingkod Loren Distribution ng DOH Hygene kits at DSWD Food Packs sa Ilan mga Barangay sa Pandan, Antique (Setyembre 14, 2024)

Patuloy ang ating paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa aming probinsya ng Antique.

Noong Sabado, nakapamahagi ang Team Lingkod Loren ng hygiene kits mula sa Department of Health (DOH) at food packs sa mga barangay ng Zaldivar, Bagumbayan, Centro Norte, Pandan Bay Institute, Baybay, at Dionela. Kasama rin dito ang food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang mga food packs ay bahagi ng personal na tulong mula sa inyong Inday Loren at kay Cong. AA Legarda.

Sa aming mga kasimanwa, mag-iingat po tayo at makinig sa mga anunsyo para sa kaligtasan ng lahat.

Rugya kami para sa magbulig sa kada pamilya nga naapektuhan kang kalamidad. Sa kada tikang para magbangon, siguraduhon namun nga wara ti Antiqueño nga mabilin.