Wake of San Jose Mayor Elmer Untaran (Hulyo 10, 2024)

Taos-puso akong nakikiramay sa pagpanaw ng ating mahal na kaibigan at tapat na lingkod-bayan, San Jose Mayor Elmer Untaran. Hindi lamang siya isang mabuting kaibigan, isa rin siyang tunay at simpleng tao na laging inuuna ang kapakanan ng ating mga kasimanwa. Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno, siya ay kinilala bilang 2023 Dangal ng Bayan awardee ng Civil Service Commission. Sa kanyang panunungkulan, kinilala rin ang San Jose de Buenavista Municipal Police Station bilang Best Municipal Police Station sa Pilipinas noong 2022 at 2023.
Ang kanyang dedikasyon, integridad, at kabutihan ay nag-iwan ng tatak sa ating komunidad at patuloy na magbibigay-gabay sa atin habang nagsusumikap tayong bumuo ng mas magandang kinabukasan para sa ating mahal na lalawigan.
Hanggang sa muli, Mayor Elmer.