Happy New Year! (January 01, 2025)

Happy New Year! 2025 Countdown sa town plaza ng Nasugbu, kung saan nag sponsor ang bunsong anak ko na si Leandro Legarda Leviste ng fireworks display at libreng pa concert ng local bands. First time daw ito sa bayan ng Nasugbu! Bagamat umuulan, kaya nga ako naka polka dots na rain coat (cute ba?) masaya pa rin ang mga kababayan natin! Nagsimba kami sa simbahan ng Tuy, st. Vincent Ferrer, magaling ang choir, at maganda ang mensahe ng parish priest. Buong araw, todo todo ang pamimigay ng noche Buena boxes sa Taal at Calaca city. Makabuluhan ang ating New Year’s Eve dulot ng lubos na pagmamahal at malasakit ni Leandro sa mga pamilya. Bilang Ina, siyempre, masaya ako at very proud. Todo todo ang pagtulong. Sabi nga ng lahat, ngayon lang nangyari ito sa Batangas. Isang masaya at maunlad na bagong taon sa ating lahat!

Btw, ang polka dots raincoat ay galing sa Germany long ago, at ang vest ay gawa sa Antique from retaso @designsbymarie.ph