DOLE TUPAD Orientation sa Valenzuela (Hulyo 06, 2024)

Noong nakaraang Sabado ay nagkaroon ng isang matagumpay na DOLE-TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers) orientation sa Lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), ng aking tanggapan, at ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian.
240 solo parents ang magiging benepisyaryo ng DOLE-TUPAD na ito kung saan sila ay gagawa ng mga community work sa kanilang lungsod, at matapos ang sampung araw ng pagtatrabaho, sila ay makatatanggap ng pinansyal na tulong.
Masaya ako na makatulong sa mga nangangailangan na handang magserbisyo para maiangat ang kanilang buhay. Ito ay munting tulong lamang ngunit dalangin namin na maibsan nito ang inyong pang-araw-araw na pangangailangan.
Maraming salamat sa DOLE at kay Sec. Gatchalian!