Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), isang matagumpay na distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang isinagawa para sa aking mga kasimanwa sa aking bayan ng Pandan, Antique.
Hangad natin lagi na ipadama sa bawat Antiqueño at maging sa lahat ng ating kababayan saan man sa bansa ang kalinga at malasakit na tutulong sa kanilang pag-angat sa pamamagitan ng pagpapalapit ng programa ng pamahalaan sa bawat pamilyang Pilipino.
Kasama ang aking kapatid na si Cong. AA Legarda, patuloy ang ating pagtulong at pagseserbisyo sa ating mga kasimanwa. Mahal namin kayo!