Kruhay!
Maligayang pagdating sa Antique, “Supremo” Sen. Lito Lapid. Salamat sa iyong pagdalaw sa aming probinsya at sa pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa aming mga kasimanwa.
Tuwang-tuwa ang ating mga kababayan mula sa mga bayan ng Tobias Fornier, Hamtic, San Jose at Sibalom na masilayan ka. Masaya rin akong nasamahan ka sa bayan ng Sibalom. Sana’y naibigan mo ang aming munting handog – mga ipinagmamalaki naming sariling produkto na patadyong, tablea cacao, kape, virgin coconut oil, banana chips at banig products.
Nawa’y magkaroon pa tayo ng mas maraming pagkakataon na makatulong sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.