Malabon tayo! Kahapon ay naghatid tayo ng mga sako ng bigas mula sa aming pamilya sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Carina sa Barangay Potrero, Malabon, ang lugar kung saan ako napanganak at lumaki. Nag pakain tayo ng mainit na arroz caldo na may itlog at manok gawa ng Cabalen, kaya ang saya ng mga tao! Bagamat sila ay nasa evacuation center, masaya nila ako sinalubong at mahilig pa mag pa picture. Dapat talaga bigyan ng kalutasan ang problema ng pag baha para maging makatao ang pamumuhay ng ating mga kababayan. Sa mga darating na araw, Patuloy tayo magbibigay ng hot meals para sa mga tao. Mahal ko po kayo!