Food packs ang handog ng Team Lingkod Loren para sa mga kababayan natin sa Balayan at Calatagan, Batangas na naapektuhan ng bagyong Carina.
Noong Biyernes, pinuntahan natin ang mga residente ng mga Barangay Santol, Dalig, at Palikpikan sa Balayan, at Barangay Hukay sa Calatagan para mamahagi ng food packs na may lamang bigas, tinapay, noodles, kape, at iba pa bilang ating tulong para sa mga nasalanta ng bagyo. Masaya po ako na napasaya namin kayo sa panahon ng pagsubok.
Maraming salamat kay Lian, Batangas Vice Mayor Ronin Leviste sa pagsama sa distribusyon, at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Asahan ninyo na ang Team Lingkod Loren ay handang umagapay sa anumang panahon.