Sa ating muling pagbisita sa aming probinsya ng Antique, pinuntahan ko ang ilan sa mga proyektong aking sinimulan. Kabilang dito ang Antique Airport na muling nabuksan matapos ang maraming taon ng pagsasara, ang 11.14km San Jose de Buenavista Esplanade, at ang kasalukuyang ginagawa at kauna-unahang Antique Convention Center na dinisenyo ni Arch. Angelo Mañosa.
Tunay na nakakataba ng puso na makitang mapapakinabangan na ang lahat ng ito na handog namin para sa aming mga kasimanwa at tiyak na makakatulong nang malaki sa pag-unlad ng aming probinsya. Kasama ang aking kapatid na si Cong. AA Legarda, ako’y puno ng pangarap at pag-asa na mas malayo pa ang mararating para sa tuluy-tuloy na pag-uswag ng Antique.