Tayo po ay sumusuporta sa mga batas na nagtataguyod na makamit ang ‘A’ credit rating ng Pilipinas dahil naniniwala tayo na ang pagpapatatag ng ating economic resilience at credibility ay mahalaga para sa kinabukasan ng bansa. Sa DBCC briefing na isinagawa ngayong araw, inalam natin mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang mga inisyatibo upang maisakatuparan ang “Road to A Credit Rating Agenda.”
Ngayong panahon ng budget deliberations, mahalaga sa amin bilang mga mambabatas na lubos na maunawaan ang mga hakbang na ginagawa ng ating mga ahensya. Kailangan nating matiyak na ang pambansang budget ay mailalaan nang tama at ang bawat sentimo ng bayan ay magagamit para sa tunay na kapakanan at pag-unlad ng bawat Pilipino.