Umulan man o umaraw, patuloy tayong maghahatid ng tulong sa ating mga kababayan!
Noong Biyernes, ang Team Lingkod Loren ay nagtungo sa Brgy. Malanday, Marikina upang mamahagi ng 200 school supplies para sa mga mag-aaral. Isang hakbang ito upang matulungan sila sa kanilang pag-aaral at maibsan ang kanilang mga pangangailangan, lalo pa’t sila ay mga anak ng mga single parent.
Patuloy ang ating mga inisyatiba upang maghatid ng suporta at malasakit sa bawat pamilyang nangangailangan. Sa bawat hakbang, kasama ninyo kami tungo sa mas maliwanag at maunlad na kinabukasan!