Sa patuloy nating pagsusumikap na maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan, nagsagawa tayo ng medical at dental mission sa Malasiqui, Pangasinan noong September 30.
Nakapaglingkod tayo sa 2,713 pasyente kabilang ang senior citizens, persons with disabilities, at mga bata na nakatanggap ng mga serbisyong medikal tulad ng consultations, laboratory tests, mobile x-rays, ECGs, minor surgeries at dental care. Bukod dito, namahagi tayo ng mga bakuna, bitamina, at iba pang serbisyong pangkalusugan upang mas mapabuti ang bawat pasyente.
Sa kabuuan, umabot sa 2,100 ang matatandang nakatanggap ng medical consultations, habang 613 bata naman ang nabigyan ng pediatric services. Para sa dental services, umabot sa 346 ang dami ng pasyente at nagbigay rin tayo ng pneumococcal vaccination, ECG tests, chest x-rays, at laboratory tests.
Ang mga serbisyong ito ay patunay ng ating walang sawang pagsusumikap upang mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating layunin patungo sa mas masigla at mas malusog na komunidad.