Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine, siniguro natin na makapagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo. Sa District 1 ng lalawigan ng Batangas, tayo po ay namahagi ng bigas, food packs at iba pang personal na assistance na higit sa 30,000 food packs para sa mga kababayan natin sa mga bayan ng Nasugbu, Taal, Calaca, Lemery, Lian, Balayan, Calatagan at Tuy.
Bagama’t signal number 2 at malakas ang hangin at ulan, agaran ang ating tulong. Bilang isang ina ay magkahalong kaba at tuwa ang aking nararamdaman sa aking anak na si Leandro Legarda Leviste, na personal na sumuong sa bagyo at baha mula umaga hanggang hating gabi para personal na maghatid ng tulong sa mga kababayan natin sa Batangas.
Bagama’t humina na ang pag-ulan at humupa na ang baha, patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, at ang pagbigay ng pagkain lalo sa mga labis na naapektuhang pamilya. Sa mga lugar na nakararanas pa rin ng pag-ulan at pagbaha, ibayong pag-iingat po ang ating panawagan sa ating mga kababayan.