Serbisyo Legarda Relief Operations in Antique

Dahil sa matinding pinsalang dulot ng bagyong Kristine, maraming mga kasimanwa natin ang labis na naapektuhan. Kaya’t mula Batangas, agad din tayong kumilos upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa ating probinsya ng Antique.
Mula sa personal na tulong ng inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda, nakapaghatid tayo ng relief goods sa mga pamilya sa Barangay Baybay at Barangay Sta. Fe, na nagbibigay ng kaunting ginhawa sa kanilang mga sitwasyon. Bukod pa rito, nakapamahagi tayo ng relief goods sa mga mangingisda sa Barangay Durog, San Jose.
Maraming salamat kina San Jose Councilor PJ Untaran at SP Dondon Niquia sa pagsama sa amin sa pamamahagi ng assistance sa ating mga kasimanwa.
Sa padayon nga pag-ulikid kag madasig nga aksyon kang inyong Inday Loren, iririmaw kita sa pagbangon. Ang atun paghugpong kag pagbinuligay mangin yabi sa pagbangon kag pag-asenso kang atun komunidad.