Senate Visit of Tuy, Lemery, and Taal LGUs (November 11-13, 2024)

Malugod nating tinanggap sina Mayor Jey Cerrado at Vice Mayor Armando Afable ng Municipality of Tuy, Vice Mayor Geraldine Ornales ng Municipality of Lemery, at Mayor Pong Mercado ng Municipality of Taal, Batangas sa Senado!

Kasama ni Mayor Cerrado ang 22 barangay captains mula sa kanilang magandang bayan ng Tuy. Mag tatayo tayo ng convention center sa Tuy, and magbibigay ng msme support lalo na sa bamboo industry. Gayundin ay nakasama natin si Vice Mayor Ornales at ang mga punong barangay mula sa bayan ng Lemery. Tinalakay namin ang mga hakbang na aming gagawin upang masuportahan ang mga komunidad, lalo na ang mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Layunin namin na alagaan ang bawat barangay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sustainable livelihood at agarang solusyon sa mga kinahaharap na suliranin.

Nakasama din natin sina Mayor Pong Mercado at 40 barangay captains ng Taal. Naibahagi nina Mayor Pong na ang anak kong si Leandro ang kauna-unahang pumunta sa Taal sa kalagitanaan ng bagyo upang maghatid ng tulong at alamin ang sitwasyon ng ating mga kababayan. Talagang on the ground, ika nga.

Napag-usapan din namin ang layunin upang mapayabong at mapalakas pa ang burdang Taal at balisong. Kabilang ito sa ating adbokasiya na mapalakas ang pamana at kultura ng bayan ng Taal. Kasama dito ang ating itatayo na National Museum.

Lubos akong nagpapasalamat sa kanilang mainit na pagtanggap at sa kanilang buong pusong pagsuporta sa aking anak na si Leandro Legarda Leviste at sa kanyang mga plano para sa Unang Distrito ng Batangas. Sa ating pagtutulungan, sabay-sabay nating tatahakin ang landas tungo sa mas matatag at maunlad na Unang Distrito ng Batangas.