Napuno ng kasiyahan, pag-asa at pagkakaisa ang Madja-as Confederation Freedom Park sa Culasi, Antique ng mahigit limang libong dumalo sa Puso ng Pasko!
Maraming salamat, mga kasimanwa, para sa inyong mainit na pagtanggap at suporta sa natatanging regalong ito mula sa aming puso—ang puso ng inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda. Sa liwanag ng ating Paskong Antiqueño, muli nating napatunayan na ang diwa ng Pasko ay hindi lamang nasa mga ilaw o regalo, kundi sa sama-samang pagbibigay saya at paggunita sa ating kultura at tradisyon. Patuloy nating ipamalas ang pusong may malasakit at pagmamalaki sa ating pagka-Antiqueño.
Makaasa kayo na marami pang mga programa at proyekto ang aming ipaparating sa inyo kasama ang aking kapatid na si Congressman AA Legarda. Sa patuloy nating pagkakaisa, mas maganda at mas maliwanag ang Pasko at kinabukasan ng bawat Antiqueño.