Pagdinig ng Komite sa Kalusugan at Demograpiya (Disyembre 18, 2024)

Sa pagdinig ng Komite sa Kalusugan at Demograpiya, binigyang-diin ko ang mga mahahalagang isyu kaugnay sa PhilHealth, partikular ang epekto ng kawalan ng alokasyon ng pondo sa 2025 National Budget. Napakahalaga ng ginagampanan ng PhilHealth sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, kaya’t kailangang matiyak na magpapatuloy ang kanilang kakayahang tumulong sa milyon-milyong Pilipino. Ang usaping ito ay hindi lamang tungkol sa pondo ng isang institusyon, kundi para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan.

Ang pondo ng PhilHealth ay pag-aari ng sambayanang Pilipino—ito ay kanilang dugo’t pawis. Kaya’t mahalaga na tayo’y maging mapagmatyag at responsable sa pagtutok sa mga isyung ito upang matiyak na bawat piso ay nagagamit nang tama at nararapat para sa pangangalaga ng kalusugan ng ating bayan.

Habang tayo’y sumusulong, nananatili ang aking layunin na isulong ang transparency, pananagutan, at mahusay na paggamit ng pondo upang higit pang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.