Mahahalagang isyu ang ating tinalakay kasama ang Senate media noong nakaraang linggo kabilang ang aking pag-file ng Senate Resolution No. 1050. Ating pinaiimbistigahan ang pagtaas ng kaso ng panggagahasa sa mga bata. Dapat paigtingin ang implementasyon ng ating mga batas gaya ng aking isinulong na Anti-violence Against Women and Their Children Act, at Anti-Violence Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Mayroon din tayong Anti-Trafficking in Persons Act, An Act Promoting for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, at ipa ba.
Kaugnay ng recent attacks ng Chinese vessels sa mga sundalong Pilipino sa Ayungin Shoal, binigyang-diin natin ang pagrespeto sa ating soberenya lalo’t sa katubigan na nasa ating exclusive economic zone (EZZ). At sa isyu ng POGO, dapat bantayan ng ating mga awtoridad ang infiltrations na nakapasok na sa ating bayan ngayong lumalalim ang imbestigasyon sa isyung kinasasangkutan ni Mayor Alice Guo.
Bilang inyong senador, patuloy po akong magmamatyag at makikipag-dayalogo para makabuo ng solusyon sa mga isyung kinahaharap ng ating bansa.