Natutuwa akong ibalita sa inyo ang pamamahagi natin ng cultural mapping books, “Duna, Kinaiya kag Paranublion: A Cultural Inventory of the Province of Antique” sa lahat ng 18 bayan sa Antique!
Ang kumpletong set ng mga aklat na ito ay nagdodokumento ng kayamanang kultural ng Antique, saklaw mula sa mga likas na kagandahan at mga hindi nahahawakang pamana hanggang sa mga tradisyunal na kasanayan, alamat, at masining na mga pahayag.
Bilang tagapagtaguyod ng pangangalaga sa kultura, ito ay isa sa mga proyekto na taos puso kong sinuportahan sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at naipatupad sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines Visayas at Department of Education (DepEd), Division of Antique.
Handum ko nga halungan kag mapabilin nga buhi ang atun mga duna, kina-adman, kag kultural nga kinaiya kang Antique para sa masunod nga henerasyon.