DOLE-TUPAD sa Sta. Ana, Pampanga at DSWD-AICS sa Parañaque City

Masayang natanggap ng 88 mga benepisyaryo mula sa Sta. Ana, Pampanga ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng DOLE-Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) matapos ang kanilang. paglilinis sa kanilang komunidad.

Nagtungo rin ang #TeamLingkodLoren sa Lungsod ng Parañaque para sa isang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout, kung saan nakatanggap ng pinansyal na tulong ang mga pamilya na naging biktima ng nagdaang sunog.

Hangad namin na ang suportang ito ay nakabawas sa bigat na dinadala ngayon ng ating mga kababayan. Tuloy-tuloy ang #LingkodLoren sa pagtulong sa mga kapos-palad.