Kasama ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), matagumpay nating napasinayaan ang eksibit sa mga nanganganib na wika.
Itinatampok sa eksibit na ito ang mga katutubong wika ng mga Remontado na Hatang Kaye at mga Ata na Inata. Ang mga wikang ito ay nabibilang sa mga itinuturing na lubhang nanganganib na wika dahil sa kakaunting bilang ng mga kasalukuyang gumagamit ng mga ito.
Makikita sa eksibit ang mga awit, ritwal, at likhang kamay ng mga Remontado at Ata na ilan sa mga patunay ng kanilang makulay na kultura at wika na nararapat lamang pangalagaan at protektahan.
Inaanyayahan ko ang lahat ng mga empleyado at bisita ng Senado na bisitahin ang eksibit upang mapalawak ang ating kaalaman hinggil sa mga wika ng mga katutubo at ating maintindihan ang maaaring kahinatnan ng mga yamang ito kung ipagsasawalang bahala natin ang kanilang kahalagahan.
Ang eksibit ay bukas hanggang ika-10 ng Mayo 2024.