Sa huling araw ng ating pagbisita sa Antique, ang mga bayan naman ng San Jose, Hamtic, Anini-y, Tobias Forbier, Sibalom, at San Remigio ang nakatanggap ng mga proyekto at tulong na layuning maiangat ang buhay ng ating mga kasimanwa. Kasama sa ating mga inisyatiba ang tulong sa kabuhayan, wheelchairs, at pamamahagi ng kagamitan sa pangingisda.
Muli tayong namigay ng kits sa ating barangay health workers (BHWs) at barangay nutrition scholars (BNS) na magagamit nila sa mas epektibong pagganap sa kanilang mga tungkulin. Isa rin sa mga sorpresa natin ang scholarship grants at free training sa TESDA na bukas para sa lahat ng Antiqueño. Maliban dito ay may natitira pa tayong slots para sa Google Career Certificates scholarship.
Ako ay lubos na nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap at suporta na ipinaabot ng aking mga kasimanwa. Ang inyong pagmamahal ay nagpapatatag sa aking dedikasyon sa paglilingkod. Katuwang ang aking kapatid na si Congressman AA Legarda, titiyakin natin na walang maiiwan sa ating paglalakbay tungo sa isang mas inklusibo at masiglang Antique.