Senate-Bayong-All-You-Can for the second time around! ?
Bilang bahagi ng selebrasyon ng aking kaarawan, kami ay nagpamahagi ng 2.5 toneladang gulay sa mga empleyado ng Senado. ???
Ang mga gulay na aming ipinamigay kagaya ng Cauliflowers na mula sa Sta. Catalina, Ilocos Sur at Repolyo na mula sa Kabayan, Benguet ay galing sa mga rescue buys ng Rural Rising Philippines.
Ngayong araw ay napasaya natin hindi lamang ang mga kawani ng Senado ngunit maging ang mga magsasaka mula sa probinsya na matiyagang nagtatanim ng mga gulay at prutas. ???
Gayundin, dahil isa ang sustainable living sa aking mga adbokasiya, mga bayong na gawa sa pandan leaves at mula sa Likhang Kamay Handcrafted products ng Bay, Laguna ang aming ipinamigay sa mga empleyado.
Hanggang sa susunod na Senate-Bayong-All-You-Can! ?