What makes us human in the age of AI? Legarda urges progress that protects workers, values human creativity as Solidaridad IV tackles AI
October 19, 2026Senator Loren Legarda underscored the need to protect workers and preserve human judgment amid technological change, as Solidaridad Literary Series IV brought Philippine and Czech literature into a conversation on artificial intelligence, creativity and the dignity of work.
Held on October 16, 2026, at Solidaridad Bookshop, From Robot to AI: Translation, Literature, and the Human Imagination was organized by the bookshop in partnership with the Office of Senator Loren Legarda and the Embassy of the Czech Republic. Writer and scholar Dr. Luna Sicat-Cleto delivered the featured lecture, followed by a conversation moderated by Kristian Cordero.
The gathering continued the exchange between two successive Guests of Honour at the Frankfurter Buchmesse: the Philippines in 2025 and Czechia in 2026. Legarda, visionary and project principal of the Philippine participation, seeks through these partnerships to sustain the literary connections built beyond the fair.
“The work continues after Frankfurt. We want more Philippine books to reach readers abroad and more works from other countries to become available in our languages. These relationships should create lasting opportunities for our writers, translators and readers,” Legarda said.
That exchange found a starting point in Czech writer Karel Čapek’s R.U.R. (Rossum’s Universal Robots), the 1920 play that introduced the word robot to the world. Its Filipino translation by Rogelio Sicat, Dr. Luna Sicat-Cleto’s father, was originally produced in 1987 and published in book form in 2021.
In his opening remarks, Czech Ambassador Karel Hejc described the play as a story about “people and the choices people make,” emphasizing that technological progress should be accompanied by “critical thinking, reflection, imagination” and “humanity.”
Sicat-Cleto’s lecture brought these questions into the Philippine context. A professor of literature and creative writing at the University of the Philippines Diliman, she examined how the play’s artificial workers invite reflection on conditions that “normalize exploitation,” drawing parallels with agricultural, contractual, domestic and migrant work, as well as women’s “invisible labor.”
She distinguished among “those who own the technology,” “those who use the technology” and “those whose labor is transformed by the technology,” drawing attention to the unequal ways people experience technological change.
This question of who benefits also informs Legarda’s position on the proposed Pax Silica-linked project in New Clark City, envisioned to support advanced manufacturing and industries connected to the global AI and technology value chain. Legarda has called for measurable gains for Filipinos and safeguards for Aeta communities and other affected residents before further long-term commitments are made.
“New industries must leave Filipinos with lasting skills, better jobs and greater capacity to develop technology ourselves. Those gains must come with clear protections for communities whose land, water and livelihoods may be affected,” Legarda said.
Alongside questions of labor and inequality, Sicat-Cleto explored how R.U.R. examines humanity through care and an appreciation of the living world. She pointed to a robot character who “sees the sunrise,” “hears birds” and “discovers beauty,” showing how the play’s concerns extend beyond the capabilities of machines to the experiences that give life meaning.
The lecture also returned to the work that made this encounter possible: translation. Describing translators as human bridges, Sicat-Cleto recalled her father’s desire to enrich Philippine literature by introducing readers to works from abroad. She emphasized that the exchange should move in both directions, with the Philippines’ rich oral traditions also contributing to the imagination of readers elsewhere.
An accompanying exhibition of Czech works translated into Filipino and Philippine writing available in Czech demonstrated that reciprocal exchange. Together, the books and discussion connected the series’ cultural purpose with its central question about humanity in a changing technological world.
Legarda continues to support these literary encounters as opportunities for Philippine languages, knowledge and experiences to inform wider conversations about the future.
“Our stories carry the lives and knowledge of our communities. Supporting writers and translators allows those voices to reach others. As technology changes how we live and create, we must keep listening to the people whose experiences give these conversations meaning,” Legarda concluded.
– – – – – – – – – – – – – – – – – – –
Ano ang tunay na kahulugan ng pagiging tao sa panahon ng AI? Legarda, nanawagang pangalagaan ang mga manggagawa at pagkamalikhain sa Solidaridad IV
Binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga manggagawa at pagpapahalaga sa kakayahan ng tao na mag-isip, lumikha, at magpasya sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Ito ang ilan sa mga pangunahing usaping tinalakay sa ikaapat na bahagi ng Solidaridad Literary Series, na pinagtagpo ang panitikan ng Pilipinas at Czechia upang suriin ang epekto ng artificial intelligence (AI) sa trabaho, pagkamalikhain, at dignidad ng tao.
Ginanap noong Oktubre 16, 2026 sa Solidaridad Bookshop ang From Robot to AI: Translation, Literature, and the Human Imagination, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Legarda at ng Embahada ng Czech Republic. Pangunahing tagapagsalita ang manunulat at iskolar na si Dr. Luna Sicat-Cleto, habang pinangunahan naman ng manunulat na si Kristian Cordero ang talakayan.
Bahagi rin ng pagtitipon ang pagpapatuloy ng ugnayang pampanitikan ng Pilipinas at Czechia, na magkasunod na naging Guest of Honour sa Frankfurter Buchmesse noong 2025 at 2026. Bilang visionary at project principal ng paglahok ng Pilipinas sa nasabing pandaigdigang book fair, patuloy na isinusulong ni Legarda ang mga pagkakataong maipakilala ang panitikang Pilipino sa ibang bansa at mailapit naman sa mga Pilipino ang mga akda mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
“Hindi natatapos sa Frankfurt ang ating trabaho. Gusto nating mas maraming akdang Pilipino ang mabasa sa ibang bansa, at mas maraming akda mula sa iba’t ibang bansa ang maisalin sa sarili nating mga wika. Mahalaga na magpatuloy ang mga ugnayang nabuo natin at magbukas ito ng mas maraming pagkakataon para sa ating mga manunulat, tagapagsalin, at mambabasa,” ani Legarda.
Naging sentro ng talakayan ang R.U.R. (Rossum’s Universal Robots), isang dulang isinulat noong 1920 ng Czech na manunulat na si Karel Čapek, kung saan unang ipinakilala sa mundo ang salitang “robot.” Isinalin ito sa Filipino ng yumaong manunulat na si Rogelio Sicat, ama ni Dr. Sicat-Cleto. Unang itinanghal ang salin noong 1987 at inilathala bilang aklat noong 2021.
Sa kanyang pambungad na mensahe, ipinaliwanag ni Czech Ambassador Karel Hejc na ang dula ay tungkol sa mga tao at sa mga pasyang kanilang ginagawa. Binigyang-diin niya na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, kailangang manatili ang mapanuring pag-iisip, kakayahang magnilay, imahinasyon, at pagpapahalaga sa pagkatao.
Iniugnay naman ni Sicat-Cleto ang mga tanong na ibinabato ng dula sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Bilang propesor ng panitikan at malikhaing pagsulat sa University of the Philippines Diliman, tinalakay niya kung paanong ang kuwento ng mga robot na nilikha upang magtrabaho ay sumasalamin sa mga sistemang nagiging pangkaraniwan na ang pagsasamantala sa paggawa.
Kabilang sa kanyang mga halimbawa ang kalagayan ng mga manggagawa sa agrikultura, mga kontraktuwal, kasambahay, migranteng manggagawa, at mga gawaing ginagampanan ng kababaihan na madalas hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala.
Ipinaliwanag din niya ang pagkakaiba ng mga nagmamay-ari ng teknolohiya, mga gumagamit nito, at mga manggagawang direktang naaapektuhan ng mga pagbabagong dulot nito. Sa ganitong pananaw, mahalagang suriin kung sino ang higit na nakikinabang sa pag-unlad ng teknolohiya at kung sino ang maaaring maiwan.
Kaugnay nito, muling binigyang-diin ang paninindigan ni Legarda sa panukalang proyektong kaugnay ng Pax Silica sa New Clark City, na naglalayong paunlarin ang mga industriyang may kinalaman sa makabagong pagmamanupaktura, AI, at pandaigdigang sektor ng teknolohiya.
Para sa senadora, kailangang may malinaw at nasusukat na pakinabang ang mga Pilipino mula sa mga ganitong pamumuhunan. Dapat ding tiyakin ang proteksyon ng mga katutubong Aeta at iba pang komunidad na maaaring maapektuhan bago pumasok sa mga pangmatagalang kasunduan.
“Kung magtatayo tayo ng mga bagong industriya, dapat may pangmatagalang pakinabang ang mga Pilipino. Dapat may mas maayos na trabaho, mga kasanayang magagamit nila sa mga susunod na taon, at pagkakataong tayo mismo ang makalikha at makapagpaunlad ng teknolohiya. Kasabay nito, kailangang malinaw ang proteksyon sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ang lupa, tubig, at kabuhayan,” pahayag ni Legarda.
Bukod sa usapin ng trabaho at hindi pagkakapantay-pantay, tinalakay rin ni Sicat-Cleto kung paano ipinapakita ng R.U.R. ang kahalagahan ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kalikasan bilang bahagi ng pagiging tao.
Binigyang-pansin niya ang isang tauhang robot na natutong humanga sa pagsikat ng araw, makinig sa huni ng mga ibon, at makakita ng kagandahan sa paligid. Sa bahaging ito ng dula, lumilitaw na ang tanong tungkol sa teknolohiya ay hindi lang nakatuon sa kung ano ang kayang gawin ng mga makina, kundi pati sa mga karanasang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay.
Mahalagang bahagi rin ng panayam ang papel ng pagsasalin sa pagpapalapit ng magkakaibang kultura. Inilarawan ni Sicat-Cleto ang mga tagapagsalin bilang tulay na nag-uugnay sa mga tao sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga wika.
Binalikan niya ang hangarin ng kanyang amang si Rogelio Sicat na pagyamanin ang panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga akdang mula sa ibang bansa. Iginiit din niya na dapat maging dalawahan ang palitan, upang ang mayamang tradisyong pasalita at mga kuwentong nagmumula sa Pilipinas ay mabasa at makilala rin ng mga mambabasa sa ibang panig ng mundo.
Itinampok din sa pagtitipon ang isang eksibisyon ng mga akdang Czech na isinalin sa Filipino at mga akdang Pilipino na mababasa sa wikang Czech. Sa pamamagitan ng mga aklat at talakayan, naipakita kung paano nakatutulong ang panitikan at pagsasalin sa pagpapalawak ng pag-unawa sa iba’t ibang karanasan, kultura, at pananaw.
Para kay Legarda, mahalagang ipagpatuloy ang mga ganitong pagtitipon upang magkaroon ng mas malaking puwang ang mga wika, kaalaman, at karanasan ng mga Pilipino sa pandaigdigang pag-uusap tungkol sa kinabukasan ng teknolohiya at ng tao.
“Sa ating mga kuwento, dala natin ang buhay, karanasan, at kaalaman ng ating mga komunidad. Kaya mahalagang patuloy nating suportahan ang mga manunulat at tagapagsalin upang mas marami ang makarinig at makaunawa sa mga kuwentong ito. Habang binabago ng teknolohiya ang paraan ng ating pamumuhay at paglikha, huwag nating kalimutang pakinggan ang mga taong direktang nakararanas ng mga pagbabagong ito. Sila ang dapat manatiling sentro ng ating mga usapan at pagpapasya,” pagtatapos ni Legarda.
