Suicide rate tumaas sa pandemya

October 12, 2021

MANILA, Philippines — Naalarma si House Deputy Speaker Loren Legarda sa pagtaas ng suicide rate sa bansa, kaya naman nanawagan ito para sa mas malakas na pagtugon ng gobyerno sa problema hinggil sa mental health ng mga Pilipino ngayong pandemya.

Gusto ng three-time senator ang mas agresibong implementasyon ng RA 11036 o Mental Health Care Act (MHCA), na kanyang co-authored sa nakaraan niyang termino sa Senado noong 2018.

Ayon kay Legarda, kailangang palakasin ang MHCA, na naglalayong magbigay ng mura at abot-kamay na mental health service para sa mga Pilipino na mayroong mental disability, upang maiwasan ang mga kaso ng self-induced harm. Ito’y matapos na ilabas sa pinakahuling data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may 57 porsyentong pag-taas ng suicide rate sa bansa noong 2020 kumpara sa nakalipas na taon.

“The pandemic has highlighted the need to also take care of our mental health to help us survive and thrive despite the current challenges. This is one of the many laws that I passed when I was Senator and these are relevant and helpful in coping with changes caused by the current health crisis,” ayon sa congresswoman ng Antique.

Ayon sa PSA data, may 4,420 na nasawi sa bansa noong nakaraang taon, dahil sa self-inflicted harm, habang noong 2019 ay may 2,810 na nasawi. Umakyat din ang suicide sa listahan ng mga nangungunang dahilan ng pagkasawi sa Pilipinas, mula sa 31st place patungo sa 25th place.

 

 

Source: Pilipino Star Ngayon

by Joy Cantos

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/10/12/2133499/suicide-rate-tumaas-sa-pandemya