“Sila ang mas nakakaalam”: Legarda Champions Indigenous Knowledge for Water Security Amid El Niño
November 11, 2026Fourth Point of 10-Point El Niño Action Plan Calls for Direct Support to Indigenous Communities Protecting Forests and Watersheds
Senator Loren Legarda is calling for sustained government support and compensation for Indigenous communities that protect the country’s forests and watersheds, stressing that their work helps secure water supplies for Filipino families, farmers, and communities facing prolonged dry conditions brought by El Niño.
The proposal forms the fourth point of Legarda’s 10-Point Policy Action Plan against El Niño, launched on October 19. It seeks to provide direct financial incentives for Indigenous forest guardians through a Payment for Ecosystem Services (PES) system, recognizing the role of communities that protect upstream forests and water sources relied upon by populations downstream.
“Matagal nang nangangalaga ang ating mga katutubo sa kagubatan at sa mga pinagkukunan natin ng tubig. Kung may una tayong bibigyan ng kabayaran sa pangangalaga ng ating tubig, ang mga katutubo ‘yon,” Legarda said.
The proposal comes as the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) reported that a strong to very strong El Niño is present in the tropical Pacific. In its October 21 update, the agency projected that the phenomenon would persist until the first quarter of 2027, with associated impacts potentially continuing through the first half of the year.
Forests and healthy watersheds help regulate water flows, reduce soil erosion, and support water availability. Their protection is particularly important during prolonged dry periods, when households and agricultural communities face greater pressure on available water resources.
According to UNESCO, integrating Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP) into modern water governance shifts the paradigm from treating water as a mere economic commodity to managing it as a holistic life-support system. Because Indigenous territories protect critical headwaters and water resources globally, their generational wisdom provides a blueprint for environmental resilience.
“Simula pa ng kanilang kabihasnan, nangangalaga na ang ating mga katutubo sa kagubatan at sa katubigan. Ito ay parte na ng kanilang kultura at buhay. Dahil sila ang mas nakakaalam kung paano pamahalaan ang mga ito, tama lamang na ipagkatiwala natin sa kanila ang pagpapatuloy ng daloy ng ating tubig. Ngunit kailangan natin silang suportahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kakailanganin nila upang lalo pang mapangalagaan ang ating mga pinagkukunan.”
To strengthen these natural safeguards, Legarda proposed that the Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), and local government units work directly with Indigenous communities to develop conservation agreements. These could provide financial support for forest monitoring, watershed rehabilitation, and protection of critical water sources, with arrangements developed in consultation with the communities concerned.
“Kapag napabayaan ang ating mga kagubatan, apektado rin ang mga magsasaka at pamilyang umaasa sa tubig mula rito. Kaya mahalagang suportahan natin ang mga katutubong nangangalaga sa mga watershed. Lahat tayo ay nakikinabang sa kanilang ginagawa,” Legarda explained.
Similar approaches are already being implemented in parts of the country. The Department of Science and Technology’s Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) documented a community-based payment scheme in Rizal, Palawan that supports Indigenous Peoples through seedling production and incentives for community forest patrols. In Bago City, Negros Occidental, an environmental protection fee generates an average of ₱2 million annually to support watershed rehabilitation initiatives.
Legarda’s proposal also builds on DENR Administrative Order No. 2026-33, issued in June 2026, which establishes a framework for operationalizing Payment for Ecosystem Services in the Philippines. She urged concerned agencies to build on these mechanisms to provide sustained support for forest conservation while respecting Indigenous Peoples’ ancestral domain rights and traditional knowledge.
The Senator is the principal author of Republic Act No. 11038, or the Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act, which strengthens the protection of ecologically important areas while recognizing Indigenous Peoples’ rights. She is also an author and the sponsor of the Senate measure that became Republic Act No. 11995, or the Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, which institutionalizes the accounting of ecosystems and natural capital in government policymaking.
Further supporting community-led conservation, Legarda filed Senate Bill No. 311, or the proposed Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, which seeks to recognize Indigenous communities’ conservation practices and establish a national registry of territories and areas they protect and the Senate Bill No. 2258, also known as the Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Act to establish market-driven initiatives, enterprise development, and direct market linkages to make IP agriculture and fisheries sustainable.
“May magagawa tayo bago pa lumala ang tagtuyot. Simulan natin sa pagprotekta sa ating mga pinagkukunan ng tubig at pagsuporta sa mga katutubong nangangalaga sa mga ito. Mas mabuting maglaan ng pondo para sa pangangalaga ngayon kaysa gumastos nang mas malaki kapag malala na ang pinsala,” Legarda concluded.
– – – – – – –
“Sila ang mas nakakaalam”: Legarda, isinusulong ang suporta sa mga katutubo para mapangalagaan ang pinagkukunan ng tubig laban sa El Niño
Ikaapat na panukala sa 10-Point El Niño Action Plan, naglalayong magbigay ng direktang suporta at kabayaran sa mga katutubong nangangalaga sa kagubatan at watershed
Nanawagan si Senator Loren Legarda ng sapat at tuloy-tuloy na suporta at makatarungang kabayaran para sa mga katutubong nangangalaga sa kagubatan at mga pinagkukunan ng tubig, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa banta ng matinding tagtuyot dulot ng El Niño.
Bahagi ito ng ikaapat na panukala sa 10-Point Policy Action Plan laban sa El Niño na inilunsad ni Legarda noong Oktubre 19. Layunin nitong mabigyan ng direktang insentibong pinansyal ang mga katutubong nangangalaga sa kagubatan sa ilalim ng Payment for Ecosystem Services (PES), bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagprotekta sa mga watershed at iba pang pinagkukunan ng tubig na umaabot sa mga sakahan at pamayanan.
“Matagal nang nangangalaga ang ating mga katutubo sa kagubatan at sa mga pinagkukunan natin ng tubig. Kung may una tayong bibigyan ng kabayaran sa pangangalaga ng ating tubig, ang mga katutubo ‘yon,” ani Legarda.
Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakararanas ng malakas hanggang napakalakas na El Niño sa tropikal na bahagi ng Pacific Ocean. Ayon sa inilabas nitong ulat noong Oktubre 21, inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang sa unang tatlong buwan ng 2027, habang maaari pang maramdaman ang mga epekto nito hanggang sa unang kalahati ng taon.
Binigyang-diin ni Legarda na malaking tulong ang pangangalaga sa kagubatan at watershed upang mapanatili ang maayos na daloy at suplay ng tubig, maiwasan ang pagguho ng lupa, at maprotektahan ang mga komunidad laban sa epekto ng matagal na tagtuyot.
Kinikilala rin ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang kahalagahan ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP) sa pamamahala ng mga pinagkukunan ng tubig. Sa pamamagitan ng pagsasama ng katutubong kaalaman sa mga makabagong sistema, higit na nabibigyang-halaga ang tubig bilang pangunahing pangangailangan ng tao at kalikasan, sa halip na ituring lamang itong isang produktong may halagang pang-ekonomiya.
“Simula pa ng kanilang kabihasnan, nangangalaga na ang ating mga katutubo sa kagubatan at sa katubigan. Ito ay parte na ng kanilang kultura at buhay. Dahil sila ang mas nakakaalam kung paano pamahalaan ang mga ito, tama lamang na ipagkatiwala natin sa kanila ang pagpapatuloy ng daloy ng ating tubig. Ngunit kailangan natin silang suportahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kakailanganin nila upang lalo pang mapangalagaan ang ating mga pinagkukunan,” paliwanag ng Senadora.
Iminungkahi ni Legarda na direktang makipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at mga lokal na pamahalaan sa mga katutubong komunidad upang bumuo ng mga kasunduan para sa pangangalaga ng kagubatan at watershed.
Sa ilalim ng mga kasunduang ito, maaaring maglaan ng pondong susuporta sa regular na pagbabantay sa kagubatan, rehabilitasyon ng mga watershed, at pangangalaga sa mahahalagang pinagkukunan ng tubig. Dapat ding tiyaking may aktibong pakikilahok at pahintulot ng mga katutubong komunidad sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programa.
“Kapag napabayaan ang ating mga kagubatan, apektado rin ang mga magsasaka at pamilyang umaasa sa tubig mula rito. Kaya mahalagang suportahan natin ang mga katutubong nangangalaga sa mga watershed. Lahat tayo ay nakikinabang sa kanilang ginagawa,” diin ni Legarda.
May mga umiiral nang programa sa bansa na maaaring gawing batayan ng mas malawak na pagpapatupad ng PES.
Sa Rizal, Palawan, naitala ng Department of Science and Technology–Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) ang isang programang nagbibigay ng suporta sa mga katutubo sa pamamagitan ng produksyon ng mga punla at insentibo para sa pagbabantay sa kagubatan.
Samantala, sa Bago City, Negros Occidental, may environmental protection fee na nakalilikom ng humigit-kumulang ₱2 milyon kada taon para sa rehabilitasyon ng mga watershed.
Maaari ring palawakin ang mga ganitong programa sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2026-33 na inilabas noong Hunyo 2026. Nagtatakda ito ng balangkas para sa pagpapatupad ng Payment for Ecosystem Services sa bansa.
Hinimok ni Legarda ang mga kinauukulang ahensya na gamitin ang mga umiiral na mekanismong ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na suporta sa pangangalaga ng kagubatan, habang iginagalang ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno at tradisyunal na kaalaman.
Si Legarda ang principal author ng Republic Act No. 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act, na nagpapalakas sa proteksyon ng mga lugar na may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kalikasan at kumikilala sa mga karapatan ng mga katutubo.
Siya rin ay author at sponsor ng panukala sa Senado na naging Republic Act No. 11995 o Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, na nagtatakda ng sistemang kumikilala at sumusukat sa halaga ng mga likas na yaman at ecosystem upang maisama ang mga ito sa pagpaplano at pagbuo ng mga polisiya ng pamahalaan.
Isinulong din ng Senadora ang Senate Bill No. 311 o panukalang Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, na naglalayong kilalanin ang mga nakaugaliang paraan ng mga katutubo sa pangangalaga ng kalikasan at magtatag ng pambansang talaan ng mga teritoryo at lugar na kanilang pinoprotektahan.
Kabilang din dito ang Senate Bill No. 2258 o Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Act, na naglalayong palakasin ang kabuhayan ng mga katutubo sa agrikultura at pangisdaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga negosyo, mga programang nakabatay sa pangangailangan ng merkado, at direktang ugnayan sa mga mamimili.
“May magagawa tayo bago pa lumala ang tagtuyot. Simulan natin sa pagprotekta sa ating mga pinagkukunan ng tubig at pagsuporta sa mga katutubong nangangalaga sa mga ito. Mas mabuting maglaan ng pondo para sa pangangalaga ngayon kaysa gumastos nang mas malaki kapag malala na ang pinsala,” pagtatapos ni Legarda.
