Senator Loren Legarda’s Explanation of Vote on the RH Bill
December 17, 2012GINOONG PANGULO,
Bilang isang babae at ina, ang aking mga personal na karanasan at mga karanasan ng mga ina na aking nakilala sa paninilbihan bilang isang Senador ay makaaapekto sa aking desisyon sa mahalagang panukalang batas ukol sa Reproductive Health.
Mahaba at malalim ang naging talakayan tungkol sa RH Bill. Marami ang aking naging mga katanungan. Nakapagpahayag ako ng aking mga susog at saloobin, at ikinagagalak kong natugunan ang lahat ng mga ito.
Sa pagtatapos ng yugtong ito, alalahanin nating ang demokrasya ay para sa mga pinakamahihirap sa buhay na nagnanais na magkaboses, na magkaroon ng karapatan nang makamit ang tunay na kalayaan.
Labing-isang ina ang namamatay araw-araw dahil sa kakulangan sa serbisyong pangkalusugan.
Ang mga bagong panganak na sanggol, lalo na sa pinakamalalayong probinsya at mga liblib na lugar, ay nahaharap rin sa kapahamakan.
Bumaba na ang ating child mortality rate, ngunit ang ating hangarin ay hindi lamang ang pagpapababa nito kundi ang pagpapanatili at pagaangat sa kalidad ng buhay.
Maraming nakapagsabing may mga programa na rin naman ang gobyerno upang maibigay ang mga serbisyong pangkalusugan na ito sa mga Pilipino. Kung gayon, bakit tayo natatakot na maisabatas ito?
Sa pagtatapos, Ginoong Pangulo,
Hindi tulad ng ibang nilalang sa ating mundo, ang tao ay binigyan ng Diyos ng karapatan sa malayang pagpili. Ang kaalaman ay mahalagang yaman na makatutulong upang maisabuhay ng mga tao ang kanilang mga kagustuhan at mithiin, ayon sa kanilang mga pananampalataya at paniniwala.
Mr. President,
Laws do not define our character and moral convictions as a people.
Our sense of right and wrong, good and evil, moral and immoral, is shaped, not by laws, but by the way we are raised, and by the teachings of our faith.
The RH bills offers a small measure of support to make sure that access to information and services is made less difficult for the poor.
The RH debate, Mr. President, is not about a house divided. It is about a country that struggles to see the truth.
Ginoong Pangulo,
Ito po ay boto para sa kababaihang Pilipino. Ako po ay pabor sa RH.