Sen. Loren Legarda may panukala para iwas gutom, pagkasayang ng pagkain

August 18, 2022

May panukala si Senator Loren Legarda kaugnay sa problema sa seguridad ng pagkain at pagkasayang ng mga pagkain sa bansa.

Inihain ni Legarda ang Senate Bill 240 o ang Zero Food Waste Act of 2022.

Paliwanag niya layon ng kanyang panukala na magkaroon ng sistema para mabawasan ang pagkasayang ng mga pagkain sa pamamagitan ng ‘redistribution and recycling.’

Binanggit niya na base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, 12.2% o 3.1 milyong Filipino ang nagutom sa unang bahagi ng taon.

Gusto rin ng senadora na magkaroon ng food-related Business Waste Reduction Strategy at Household and Local Government Unit Waste Reduction Strategy.

“Our country is rich in food resources, yet millions of Filipinos cannot afford three meals a day. The excess edible supply of food must be highlighted and utilized in order to feed the millions of hungry Filipinos,” sabi pa ni Legarda.

Source: Radyo Inquirer
https://radyo.inquirer.net/319728/sen-loren-legarda-may-panukala-para-iwas-gutom-pagkasayang-ng-pagkain#ixzz7cIAaRH24