Back to Home | Back to headline

Sen. Legarda, tiniyak na mapapaaga ang pagpasa ng 2018 budget

September 20, 2017

Tiniyak ni Sen. Loren Legarda ang chairman ng Senate Committee on Finance na mapapaaga ang pagpasa ng 2018 General Appropriations Bill (GAB) sa Senado.

Ayon kay Legarda, ito’y dahil sa pagkakaroon ng martahon hearing ng mga budget ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

Kapag naipasa na umano ng House of Representative ang GAB sa Senado bukas ay sisikapin nilang bago mag session break sa oktubre 11 ay mai­psa na nila sa third and final reading ang GAB.

Matapos maipasa sa Senado ang 2018 budget, ihahanda na ng Bicameral Conference Committee ang report para naman sa approval ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik naman ng session.

Kapaga naipsa ng maaga ang budget ay agad na mai-implementa ng mga proyekto ng mga ahensya ng pamahalaan.

Source: SMNI News Channel