Protecting lives at sea: Legarda seeks heat-safety measures for fisherfolk amid El Niño
November 19, 2026Fifth Point of 10-Point El Niño Action Plan calls for subsidized emergency first-aid kits for municipal fisherfolk
Senator Loren Legarda is pushing for specialized, government-subsidized first-aid kits for municipal fisherfolk exposed to extreme heat at sea, warning that small-scale fishers face serious health risks while trying to sustain their daily livelihoods amid El Niño.
The proposal forms the fifth point of Legarda’s 10-Point Policy Action Plan against El Niño, launched on October 19, and responds to concerns raised by fisherfolk groups such as PAMALAKAYA over the dangers faced by those who spend long hours under the sun, sometimes traveling farther offshore in search of fish.
“Kasama sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda ang mabilad sa araw habang sila ay pumapalaot. Ngayon pa lamang, may mga ulat na mula sa ating mga grupo ng mangingisda tungkol sa mga kaso ng altapresyon, heatstroke, at iba pang sakit na dulot ng labis na init. Malayo sila sa ospital at hindi agad makakahingi ng tulong. Kaya gusto nating tiyaking may dala silang tamang kagamitan para sa emergency. Hindi lang ang kanilang huli ang labis na naaapektuhan ng El Niño. Ang buhay nila mismo ang nakataya kung walang angkop na tulong medikal para sa kanila,” Legarda said.
Under the proposal, municipal fisherfolk would receive subsidized specialized marine heat-trauma first-aid kits, with the equipment eventually incorporated into boat licensing requirements. The measure seeks to improve emergency preparedness for heat-related illnesses, particularly among small-scale fishers who may have limited access to immediate medical assistance while offshore.
The initiative comes as the country faces a Very Strong El Niño. In its November 4 advisory, the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) warned that the climate phenomenon is expected to persist through the first half of 2027, with warmer-than-average air temperatures anticipated across most parts of the country in November.
According to the World Health Organization (WHO), prolonged exposure to excessive heat can cause dehydration, heat exhaustion, and heatstroke, a potentially life-threatening condition requiring immediate medical attention. For fisherfolk working offshore, distance from health facilities can make prompt treatment particularly difficult.
Legarda stressed that providing first-aid kits must go hand in hand with practical training on recognizing symptoms, responding to heat-related emergencies, and knowing when urgent medical assistance is needed. She said the government should work with fisherfolk organizations and appropriate health and fisheries authorities to ensure that the equipment is suitable for conditions at sea.
“Kung may requirement tayo para sa kaligtasan ng bangka, dapat may proteksyon din para sa mismong taong pumapalaot. Pero huwag naman nating ipasa sa maliliit na mangingisda ang dagdag na gastos. Kaya nga subsidized ang ating panukala. Tulungan natin silang magkaroon ng kagamitan at kaalaman para makaiwas sa peligro at makatugon kung may emergency,” Legarda said.
The proposal builds on an existing safeguard under Republic Act No. 8550, or the Philippine Fisheries Code of 1998. Section 37 of the law already requires fishing vessels to carry adequate medical supplies and life-saving devices, although it does not specifically mandate first-aid kits designed for heat-related emergencies.
Legarda’s proposal seeks to address that particular risk by making heat preparedness a more explicit consideration in fishing vessel safety requirements, while recognizing the need for government assistance to prevent additional financial burdens on municipal fisherfolk.
The senator’s broader efforts to protect small-scale fishers include her support for Republic Act No. 10654, which strengthened the Fisheries Code’s provisions against illegal, unreported, and unregulated fishing. In the 20th Congress, she also filed Senate Bill No. 522, or the proposed Municipal Fisherfolk Protection Act, which seeks to reserve the 15-kilometer municipal waters for municipal fisherfolk and safeguard their preferential fishing rights.
While these measures address access to fishing grounds and the protection of fisheries resources, Legarda said the safety of the people whose livelihoods depend on the sea deserves equal attention, particularly as changing climate conditions expose them to additional risks.
The initiative also reflects the climate adaptation approach advanced under Republic Act No. 9729, or the Climate Change Act of 2009, which Legarda principally authored and sponsored. Her 10-Point El Niño Action Plan builds on this framework by identifying practical interventions for vulnerable communities, following her filing of Senate Resolution No. 733 to examine government preparedness and response measures.
“Ang mga mangingisda ang isa sa mga dahilan kung bakit may isda tayong naihahain sa ating mga hapag. Pero habang sinisikap nilang kumita para sa kanilang pamilya, kailangan din nating pangalagaan ang kanilang kalusugan at kaligtasan. Gusto nating makapaghanapbuhay sila nang maayos at makauwi nang ligtas sa kanilang mga mahal sa buhay. Iyan ang dapat nating unahin,” Legarda said.
Legarda called on the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), local government units, and relevant maritime and health authorities to assess how subsidized emergency kits and appropriate heat-safety training can be incorporated into existing programs for municipal fisherfolk, ensuring that preparedness measures are practical, accessible, and responsive to the conditions they face at sea. (30)
– – – – –
Legarda, isinusulong ang dagdag na proteksyon laban sa matinding init para sa mga mangingisda sa gitna ng El Niño
Ikalimang hakbang sa 10-Point El Niño Action Plan, naglalayong magbigay ng subsidized emergency first-aid kits sa maliliit na mangingisda
Isinusulong ni Senador Loren Legarda ang pagbibigay ng mga espesyal na first-aid kit na may subsidiya mula sa pamahalaan upang maprotektahan ang mga maliliit na mangingisda laban sa mga panganib sa kalusugan dulot ng matinding init habang pumapalaot sa gitna ng El Niño.
Bahagi ito ng ikalimang hakbang sa 10-Point Policy Action Plan against El Niño na inilunsad ni Legarda noong Oktubre 19. Tugon ito sa mga pangambang inilatag ng mga grupo ng mangingisda, kabilang ang PAMALAKAYA, tungkol sa panganib na kinakaharap ng mga matagal na nagtatrabaho sa ilalim ng araw at kung minsan ay kailangang pumalaot nang mas malayo upang makahuli ng isda.
“Kasama sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda ang mabilad sa araw habang sila ay pumapalaot. Ngayon pa lamang, may mga ulat na mula sa ating mga grupo ng mangingisda tungkol sa mga kaso ng altapresyon, heatstroke, at iba pang sakit na dulot ng labis na init. Malayo sila sa ospital at hindi agad makakahingi ng tulong. Kaya gusto nating tiyaking may dala silang tamang kagamitan para sa emergency. Hindi lang ang kanilang huli ang labis na naaapektuhan ng El Niño. Ang buhay nila mismo ang nakataya kung walang angkop na tulong medikal para sa kanila,” ani Legarda.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng subsidiya ang mga espesyal na first-aid kit na angkop sa mga emergency na dulot ng matinding init habang nasa dagat. Layunin ding maisama ang mga kagamitang ito sa mga kinakailangan sa paglilisensya ng mga bangka sa hinaharap.
Makakatulong ito upang maging mas handa ang mga maliliit na mangingisda sa mga sakit na dulot ng matinding init, lalo na kung malayo sila sa pampang at walang agarang tulong medikal.
Isinusulong ang hakbang na ito habang nararanasan ng bansa ang isang Very Strong El Niño. Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Nobyembre 4, inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027. Inaasahan din ang mas mataas kaysa karaniwang temperatura ng hangin sa malaking bahagi ng bansa ngayong Nobyembre.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang matagal na pagkakalantad sa sobrang init ay maaaring magdulot ng dehydration, heat exhaustion, at heatstroke. Maaaring makamatay ang heatstroke kung hindi agad mabibigyan ng kaukulang lunas. Mas mahirap itong tugunan para sa mga mangingisdang nasa laot at malayo sa mga ospital o health center.
Binigyang-diin ni Legarda na kailangang samahan ng pagsasanay ang pamamahagi ng mga first-aid kit upang malaman ng mga mangingisda kung paano makikilala ang mga sintomas ng sakit na dulot ng init, ano ang dapat gawin sa oras ng emergency, at kailan kailangang humingi ng agarang tulong medikal.
Aniya, dapat makipagtulungan ang pamahalaan sa mga organisasyon ng mangingisda at mga kinauukulang ahensya sa kalusugan at pangisdaan upang matiyak na ang mga kagamitang ipagkakaloob ay angkop sa aktuwal na kondisyon sa dagat.
“Kung may requirement tayo para sa kaligtasan ng bangka, dapat may proteksyon din para sa mismong taong pumapalaot. Pero huwag naman nating ipasa sa maliliit na mangingisda ang dagdag na gastos. Kaya nga subsidized ang ating panukala. Tulungan natin silang magkaroon ng kagamitan at kaalaman para makaiwas sa peligro at makatugon kung may emergency,” ani Legarda.
May umiiral nang probisyon sa Republic Act No. 8550, o Philippine Fisheries Code of 1998, na nagtatakda ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga mangingisda. Sa ilalim ng Section 37, kinakailangang may sapat na kagamitang medikal at mga kagamitang pansagip-buhay ang mga sasakyang pandagat na ginagamit sa pangingisda. Gayunman, walang partikular na probisyon dito na nag-aatas ng first-aid kits para sa mga emergency na dulot ng matinding init.
Layunin ng panukala ni Legarda na matugunan ang panganib na ito sa pamamagitan ng mas malinaw na mga hakbang laban sa matinding init bilang bahagi ng mga kinakailangan sa kaligtasan ng mga bangkang pangisda. Kasama rito ang pagbibigay ng tulong mula sa pamahalaan upang hindi na madagdagan ang gastusin ng maliliit na mangingisda.
Bahagi rin ng mga isinusulong ni Legarda para sa sektor ng pangisdaan ang kanyang pagsuporta sa Republic Act No. 10654, na nagpalakas sa mga probisyon ng Fisheries Code laban sa ilegal, hindi naiuulat, at hindi kinokontrol na pangingisda.
Sa ika-20 Kongreso, inihain din niya ang Senate Bill No. 522, o ang panukalang Municipal Fisherfolk Protection Act, na naglalayong ilaan ang karagatang munisipal sa loob ng 15 kilometro mula sa baybayin para sa mga maliliit na mangingisda at pangalagaan ang kanilang prayoridad na karapatang mangisda sa mga lugar na ito.
Habang nakatuon ang mga hakbang na ito sa pangangalaga sa mga lugar na pangisdaan at yamang-dagat, iginiit ni Legarda na dapat ding bigyang-pansin ang kaligtasan ng mga taong umaasa rito para sa kanilang kabuhayan, lalo na sa harap ng mga panganib na dulot ng nagbabagong klima.
Kaugnay din ng panukala ang mga hakbang sa pag-angkop sa pagbabago ng klima sa ilalim ng Republic Act No. 9729, o Climate Change Act of 2009, na si Legarda ang principal author at principal sponsor.
Nakabatay sa ganitong layunin ang kanyang 10-Point El Niño Action Plan, na naglalatag ng mga praktikal na hakbang upang matulungan ang mga komunidad na higit na nanganganib sa epekto ng El Niño. Nauna rin niyang inihain ang Senate Resolution No. 733 upang suriin ang kahandaan at mga hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa El Niño.
“Ang mga mangingisda ang isa sa mga dahilan kung bakit may isda tayong naihahain sa ating mga hapag. Pero habang sinisikap nilang kumita para sa kanilang pamilya, kailangan din nating pangalagaan ang kanilang kalusugan at kaligtasan. Gusto nating makapaghanapbuhay sila nang maayos at makauwi nang ligtas sa kanilang mga mahal sa buhay. Iyan ang dapat nating unahin,” ani Legarda.
Nanawagan si Legarda sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mga lokal na pamahalaan, at mga kinauukulang ahensya sa kaligtasang pandagat at kalusugan na pag-aralan kung paano maisasama sa mga umiiral na programa para sa maliliit na mangingisda ang pagbibigay ng subsidized emergency first-aid kits at angkop na pagsasanay laban sa matinding init.
Binigyang-diin niya na dapat madaling makuha at magamit ang mga kagamitang ito, at ang mga hakbang sa kaligtasan ay naaayon sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng mga mangingisda habang nasa laot. (30)
