Back to Home | Back to Breaking News

Pahayag ni Senator Loren Legarda Tungkol sa PDAF Scam

May 13, 2014

Wala akong anumang kaugnayan kay Ms. Janet Napoles. Hindi ko siya kilala at kailanman ay wala kaming usapang personal o kahit sa ibang paraan at pagkakataon. Wala akong inindorsong NGO para makinabang sa aking PDAF. Anumang pahayag na taliwas dito na diumano ay nilalaman ng sinasabing affidavit niya ay pawang kasinungalingan at pananagutan niya at ng kanyang mga kasama sa paninirang puri na ito.