Message of Support of Deputy Speaker Loren Legarda on Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity

February 5, 2021

 Sa gitna ng pandemyang kinakaharap natin ngayon, tumataas pa rin ang kaso ng measles at rubella, at polio.

Kung hindi ito maiiwasan, ito ay magdudulot ng pagkaparalisa at pagkamatay dala ng mga komplikasyon at natatanging bakuna lamang ang solusyon para masigurong maiwasan ang pagtaas ng mga kaso ng mga sakit na ito sa ating mga kabataan.

Ako si Deputy Speaker Loren Legarda, ang inyong kinatawan, ay nananawagan sa ating mga nanay at tatay, sa mga magulang, dito sa ating Probinsya, na ating suportahan ang gaganapin na Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa buong buwan ng Pebrero, para sa mga bata na wala pang limang taong gulang.

Sa tulong ng Kagawaran ng Kalusugan, katuwang ang ating Antique Provincial Health Office at ang ating mga Rural Health Units, sama-sama nating alagaan ang kalusugan ng ating mga anak.

Pabakunahan natin sila kontra rubella, polio at tigdas, para naman lahat ay Chikiting Ligtas.