Loren project: Restoration ng 1907 school sa Pangasinan
December 4, 2014Ikinatuwa ng Parents -Teachers Association ng isang eskuwelahan sa Pangasinan ang agad na tulong ni Sen. Loren Legarda sa hiling nitong i-restore ang Gabaldon building sa Bayambang Central School sa Bayambang, Pangasinan na taong 1907 pa naitayo.
Una nang lumapit ang PTA kay Legarda sa pamamagitan ni Sinag at Abono Party-list President Rosendo So para sa pagsasaayos ng Gabaldon School building na agad namang inaprubahan ng senadora dahil na rin sa isa sa mga adbokasiya nito ay ang heritage conservation.
“One of Sen. Legarda’s advocacy is the restoration of Gabaldon School buildings in the country not only as part of heritage conservation but also to reuse them for their original purpose as places of learning,” pahayag ni So.
Iginiit naman ng senadora na mahalagang ma-restore ang Gabaldon building para pangalagaan din ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng bansa. “These structures symbolize the first foundation of the Philippine public school system during the American colonial regime,” pahayag naman ni Legarda.
Source: Abante