Lingkod Loren brings relief to quake‑stricken families in General Santos and Sarangani
June 14, 2026Senate President Pro Tempore Loren Legarda extended relief operations in General Santos City on June 13, 2026, reaching families hardest hit by the recent earthquake. The relief assistance was personally funded by Legarda, using her own resources and not government funds, as part of her continuing commitment to support communities in times of crisis.
Since June 10, the Lingkod Loren team had been on the ground to monitor the situation, assess urgent needs, and coordinate with local officials. The team worked closely with communities to ensure that aid reached those most in need.
In Barangay Calumpang, the residents were given food packs and blankets. In Barangay Dadiangas North, the families received drinking water, packs of rice, and blankets, while in Barangay Lagao, food packs, drinking water, and packs of rice were delivered to affected residents.
The relief operations continued on June 14 in Glan, Sarangani, where food packs, drinking water, and blankets were distributed to families still reeling from the disaster.
“Ang mahalaga ay makarating ang tulong sa mga pinakaapektado. Sa bawat barangay na aming narating, nais naming iparamdam na may gobyernong handang umalalay. In every pack we deliver, we want families to feel support and assurance that they are not alone in recovery,” Legarda said.
The earthquake struck offshore Sarangani at 7:37 a.m. on June 8, 2026 with a magnitude of 7.8. General Santos City and Sarangani were among the areas most severely affected. (30)
Lingkod Loren naghatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng lindol sa General Santos at Sarangani
Nagsagawa ng relief operation si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa General Santos City noong Hunyo 13, 2026 upang tulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kamakailang lindol. Ang tulong na ito ay personal na pinondohan ni Legarda at hindi mula sa pondo ng pamahalaan bilang bahagi ng kanyang patuloy na pangakong umalalay sa mga komunidad sa panahon ng sakuna.
Mula pa noong Hunyo 10, nasa lugar na ang mga kawani ng tanggapan ni Legarda upang i-monitor ang sitwasyon, tukuyin ang mga agarang pangangailangan, at makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal. Sila ay nakipagtulungan sa mga komunidad upang matiyak na makarating ang tulong sa mga higit na nangangailangan.
Sa Barangay Calumpang, namahagi ng mga food pack at kumot ang Lingkod Loren team sa mga residente. Sa Barangay Dadiangas North, tumanggap ang mga pamilya ng inuming tubig, bigas, at mga kumot. Samantala, sa Barangay Lagao, ipinamahagi sa mga apektadong residente ang mga food pack, inuming tubig, at bigas.
Nagpatuloy ang relief operation noong Hunyo 14 sa Glan, Sarangani, kung saan namahagi ng mga food pack, inuming tubig, at mga kumot sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa pinsalang dulot ng sakuna.
“Ang mahalaga ay makarating ang tulong sa mga pinakaapektado. Sa bawat barangay na aming narating, nais naming iparamdam na may gobyernong handang umalalay. Sa bawat paketeng aming naipamamahagi, nais naming maramdaman ng mga pamilya ang suporta at katiyakang hindi sila nag-iisa sa kanilang pagbangon,” ani Legarda.
Ang lindol ay yumanig sa karagatang bahagi ng Sarangani alas-7:37 ng umaga noong Hunyo 8, 2026, na may lakas na magnitude 7.8. Kabilang ang General Santos City at Sarangani sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng lindol. (30)
