Legarda urges urgent labor reforms amid Philippines’ continued inclusion in ITUC’s ‘Worst Countries for Workers’ list
June 23, 2025Senator Loren Legarda has called on the Department of Labor and Employment (DOLE) to urgently lead a clear and measurable reform agenda in response to the Philippines’ inclusion—for the ninth straight year—in the International Trade Union Confederation’s (ITUC) list of the “10 worst countries for workers.”
“This should not be taken lightly. Our international standing when it comes to labor rights is a reflection of our domestic realities,” Legarda said.
“Workers are the backbone of our economy, and the consistent red-flagging by global monitors means we still have deep institutional gaps to fill,” she added.
The ITUC Global Rights Index 2025 cited widespread violations of labor rights and the persistence of violence, threats, and union-busting practices in the Philippines. Labor watchdogs have pointed out a lack of enforcement of labor protections, the suppression of union activities, and the failure to resolve longstanding complaints.
Legarda urged the DOLE to undertake a systematic, multi-agency analysis of labor rights gaps, particularly those highlighted in the ITUC report, and to identify which government agencies are best positioned to address specific areas of concern, whether in enforcement, protection, grievance mechanisms, or legal reform. She emphasized the need for a targeted and coordinated approach that avoids duplication and ensures accountability.
Legarda further stressed that the persistent red-tagging and demonization of legitimate labor movements must not be used to suppress dissent or collective action, as doing so erodes democratic safeguards and deepens mistrust. She asked DOLE to submit a clear set of reform priorities to Congress at the soonest possible time, with defined milestones and timelines, to enable responsive legislative and budgetary support.
Legarda also emphasized that it is the government’s duty to lead and structure inclusive dialogues on labor reform.
“DOLE must proactively engage the labor movement and steer conversations toward key policy priorities. It is through genuine, coordinated dialogue that we can craft reforms grounded in the realities faced by our workers,” she said.
In 2017, Legarda championed the Senate’s ratification of ILO Convention 151, affirming her commitment to extend labor protections not just to private sector employees, but also to over 2.3 million public sector workers. By sponsoring the measure, she sought to ensure that government employees would enjoy the same rights to organize, bargain collectively, and access fair employment conditions—rights long available to the private sector.
As a four-term senator, Legarda has long fought for laws that uplift workers and promote inclusive development. Among her landmark legislation are the Magna Carta of the Poor (RA 11291), which affirms the right to employment and livelihood; the Expanded Maternity Leave Law (RA 11210), which grants 105 days of paid leave to working mothers; and the Green Jobs Act (RA 10771), which creates opportunities at the intersection of decent work and environmental sustainability.
“We cannot afford to let another year pass—not because of the label we’ve been given, but because we owe it to every Filipino worker whose rights and dignity demand protection,” Legarda concluded. (30)
Legarda nanawagan ng agarang reporma sa paggawa sa gitna ng patuloy na pagkakasama ng Pilipinas sa ‘Worst Countries for Workers’ list ng ITUC
Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agarang manguna sa pagbuo ng isang malinaw na reporma bilang tugon sa muling pagkakasama ng Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation (ITUC) bilang isa sa ‘Worst Countries for Workers’ sa ikasiyam na sunod na taon,
“Hindi ito dapat balewalain. Ang ating pandaigdigang reputasyon sa usapin ng karapatan ng mga manggagawa ay salamin ng ating domestic realities,” pahayag ni Legarda.
“Ang mga manggagawa ang backbone ng ating ekonomiya, at ang patuloy na babala mula sa mga pandaigdigang tagapagbantay ay nangangahulugang marami pa tayong kailangang punan sa ating mga institusyon,” dagdag niya.
Tinukoy sa ITUC Global Rights Index 2025 ang laganap na paglabag sa karapatan ng mga manggagawa at ang patuloy na karahasan, banta, at panunupil sa mga unyon sa Pilipinas.
Hinimok ni Legarda ang DOLE na magsagawa ng sistematikong pagsusuri, kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, upang matukoy ang mga kakulangan sa karapatan sa paggawa na binigyang-diin sa ulat ng ITUC. Kailangan din aniyang tukuyin kung aling mga ahensya ang may pinakamabisang mandato upang tugunan ang mga partikular na isyu, maging ito man ay sa pagpapatupad, proteksyon, mekanismo ng reklamo, o legal na reporma.
Binigyang-diin din ni Legarda na ang patuloy na red-tagging at paninira sa lehitimong kilusang paggawa ay hindi dapat gamiting dahilan upang supilin ang karapatang magpahayag at sama-samang pagkilos, dahil ito ay sumisira sa mga demokratikong mekanismo at nagpapalalim ng kawalan ng tiwala. Hiniling niya sa DOLE na magsumite agad sa Kongreso ng malinaw na listahan ng mga prayoridad sa reporma, na may tiyak na mga hakbang at iskedyul, upang masuportahan ito sa pamamagitan ng batas at pondo.
Binigyang-diin din ni Legarda na tungkulin ng pamahalaan na pangunahan at bigyang-anyo ang isang inklusibong diyalogo ukol sa reporma sa paggawa.
“Dapat aktibong makipag-ugnayan ang DOLE sa kilusang paggawa at itulak ang mga usapin patungo sa mahahalagang polisiya. Sa pamamagitan ng tunay na diyalogo natin mahuhubog ang mga repormang nakaangkla sa realidad ng mga manggagawa,” aniya.
Noong 2017, pinangunahan ni Legarda ang pag-apruba ng Senado sa ILO Convention 151, bilang patunay ng kanyang suporta sa pagpapalawak ng proteksyon sa paggawa hindi lamang para sa mga manggagawa sa pribadong sektor, kundi pati na rin sa mahigit 2.3 milyong manggagawa sa pampublikong sektor. Sa pag-sponsor ng panukala, layunin niyang matiyak na may pantay na karapatan ang mga kawani ng pamahalaan sa pagbubuo ng unyon, pakikipagkasunduan sa mga employer, at pagkakaroon ng makatarungang kondisyon sa trabaho—mga karapatang matagal nang tinatamasa sa pribadong sektor.
Matagal na ring isinusulong ni Legarda ang mga batas na nagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga manggagawa at nagsusulong ng inklusibong kaunlaran. Ilan sa kanyang mga pangunahing batas ay ang Magna Carta of the Poor (RA 11291), na kinikilala ang karapatan sa trabaho at kabuhayan; Expanded Maternity Leave Law (RA 11210), na nagbibigay ng 105 araw na bayad na maternity leave sa mga ina; at Green Jobs Act (RA 10771), na lumilikha ng mga oportunidad sa pagitan ng disenteng trabaho at pangangalaga sa kalikasan.
“Hindi natin maaaring hayaang lumipas ang panibagong taon dahil may utang tayong proteksyon at dignidad sa bawat manggagawang Pilipino,” pagtatapos ni Legarda. (30)