Legarda urges prioritization of foundational learning after 18.9 million graduates found functionally illiterate
May 4, 2025Senator Loren Legarda, Commissioner of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), urged immediate attention to strengthening learners’ foundational competencies following data showing that 18.9 million Filipinos who graduated from the country’s basic education system between 2019 and 2024 are “functionally illiterate.”
This finding was revealed during a public hearing of the Senate Committee on Basic Education, chaired by Senator and EDCOM II Co-Chairperson Sherwin Gatchalian, based on the presentation of the Philippine Statistics Authority (PSA) regarding the preliminary results of the 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS).
“This is a painful indictment of our education system,” Legarda said. “It reveals a systemic failure that tells us school attendance and graduation no longer guarantee genuine learning. When millions of learners complete their basic education without the ability to comprehend what they read, they are being sent into the world unprepared with nothing but a diploma that bears no real weight.”
The PSA’s FLEMMS is a nationwide, household-based survey conducted every five years. It recently adopted an updated methodology for estimating basic and functional literacy in the Philippines. Under its revised definition, “functional literacy” includes not only the ability to read, write, and compute, but also possessing higher-level comprehension skills, such as integrating two or more pieces of information and making inferences based on the given information.
“Foundational learning, as EDCOM II has consistently advanced, must be our top priority. If a child cannot read or lacks foundational competencies by Grade 3, they begin to fall behind in every subject, because all learning builds on the ability to understand and process text,” Legarda said. “Reading with comprehension is the cognitive engine that drives independent thinking, curiosity, and lifelong learning. It empowers children not only to answer questions, but to ask the right ones, and to navigate the world with insight and agency.”
The four-term Senator warned that widespread functional illiteracy undermines inclusive growth, weakens workforce competitiveness in a rapidly evolving labor market, and deepens social inequality. “An education system that produces graduates without comprehension skills cannot be expected to produce a workforce capable of competing, innovating, or engaging meaningfully in democratic life,” Legarda said. “This failure not only robs individuals of opportunities but also dampens economic potential and erodes the foundations of participatory governance.”
Legarda called for urgent and targeted interventions in provinces with the highest levels of functional illiteracy to prevent further learning loss. Beyond these immediate responses, she emphasized the need to strengthen foundational learning, particularly in the early years where reading and comprehension skills begin to develop, and addressing the structural pillars of the education system such as ensuring adequate and safe classrooms, deploying qualified principals, teaching, and non-teaching personnel in schools, and equipping them with the tools, training, and resources necessary to deliver quality education.
Senator Legarda is co-author of Republic Act No. 12028, or the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, which establishes a free national learning intervention to help struggling students, particularly in reading, mathematics, and science, meet the competency standards set by the Department of Education in their respective levels. (30)
Legarda, binigyang-diin ang kahalagahan ng pundasyong kaalaman sa edukasyon bilang aksyon sa functional illiteracy
Nanawagan si Senador Loren Legarda, Komisyoner ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), ng agarang pagtutok sa pagpapalakas ng pundasyong kaalaman ng mga mag-aaral matapos lumabas sa datos na 18.9 na milyong Pilipino na nagtapos mula sa basic education system ng bansa mula 2019 hanggang 2024 ay itinuturing na “functionally illiterate.”
Ibinunyag ang nakababahalang impormasyong ito sa isang pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Senador at EDCOM II Co-Chairperson Sherwin Gatchalian, batay sa presentasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa paunang resulta ng 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS).
“Masakit itong katotohanan tungkol sa kalagayan ng ating edukasyon,” ayon kay Legarda. “Ipinapakita nito na hindi sapat ang pagpasok at pagtatapos sa paaralan kung hindi natututunan ng mga bata ang kakayahang umunawa. Kapag milyon-milyong kabataan ang nagtapos pero hirap pa ring umintindi ng binabasa, hinaharap nila ang tunay na buhay na kulang ang kaalaman—may diploma, pero hindi sapat ang kakayahan.”
Ang FLEMMS ay isang nationwide survey na isinasagawa kada limang taon. Kamakailan, nagpatupad ito ng bagong metodolohiya sa pagsukat ng basic at functional literacy sa Pilipinas. Sa bagong depinisyon ng “functional literacy,” hindi na sapat na marunong lang bumasa, sumulat, at magbilang—kasama na rin dito ang mas malalim na pag-unawa, tulad ng pag-uugnay ng impormasyon at pagbuo ng sariling paliwanag mula sa binasa.
“Ang foundational learning, na matagal nang isinusulong ng EDCOM II, ang dapat maging pangunahing prayoridad. Kapag hindi natutong bumasa o kulang sa pundasyong kasanayan ang isang bata pagsapit ng Grade 3, unti-unti na siyang maiiwan sa lahat ng asignatura—dahil ang lahat ng pagkatuto ay nakasandig sa kakayahang umunawa at magproseso ng impormasyon,” paliwanag ni Legarda. “Ang pagbasa na may pag-unawa ang siyang nagbibigay-daan sa malayang pag-iisip, pag-usisa, at panghabambuhay na pagkatuto. Hindi lang nito tinutulungan ang mga bata na makasagot sa mga tanong, tinuturuan din silang magtanong ng tama at umunawa sa mundo nang may layunin at direksyon.”
Nagbabala ang apat na terminong Senador na ang malawakang functional illiteracy ay hadlang sa pag-unlad para sa lahat, nagpapahina sa kakayahan ng mga Pilipinong makipagsabayan sa mabilis na takbo ng trabaho, at lalo pang nagpapalalim ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. “Kung hindi natututo ng tamang pag-unawa ang mga estudyante, mahirap silang maging handa sa tunay na hamon ng trabaho at buhay,” ani ni Legarda. “Hindi natin maaasahan na sila’y magiging bahagi ng pagbabago, magkaroon ng inisyatiba o makabuo ng mga bagong solusyon, at makilahok nang makabuluhan sa lipunan. Tinatangay nito hindi lamang ang personal na oportunidad kundi maaaring bumagal din ang takbo ng ekonomiya at humina ang partisipasyon ng mamamayan sa demokrasya.”
Nanawagan si Legarda ng agarang mga interbensyong nakatuon sa mga lalawigang may pinakamataas na antas ng functional illiteracy upang pigilan ang tuluyang paglala ng sitwasyon. Higit pa rito, binigyang-diin niya ang pangangailangan na palakasin ang pundasyong kaalaman—lalo na sa mga unang taon ng pag-aaral kung saan nahuhubog ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa—kasabay ng pagtugon sa mga estruktural na aspeto ng sistema ng edukasyon, tulad ng sapat at ligtas na silid-aralan, maayos na pagtatalaga ng mga punong-guro, guro, at support personnel sa mga paaralan, at pagbibigay sa kanila ng tamang kagamitan, pagsasanay, at suporta upang makapagturo nang epektibo at makapaghatid ng dekalidad na edukasyon.
Si Senador Legarda ay isa sa mga may-akda ng Republic Act No. 12028 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, na nagtatatag ng isang libreng pambansang programa para sa mga mag-aaral na nahihirapan, lalo na sa pagbasa, matematika, at agham, upang matamo nila ang itinakdang pamantayan ng Department of Education ayon sa kanilang antas. (30)