Legarda to Run as NPC; Invited as UNA Guest Candidate
September 24, 2012SENATOR LOREN LEGARDA TODAY CONFIRMED THAT SHE WILL BE RUNNING UNDER THE NATIONALIST PEOPLE’S COALITION (NPC), THE PARTY SHE HAS BEEN WITH SINCE 2007, AND THAT SHE IS ACCEPTING THE DRAFT TO BE A GUEST CANDIDATE OF THE UNITED NATIONALIST ALLIANCE (UNA) FOR THE 2013 ELECTIONS.
“I am NPC, I have been with NPC since 2007, and I am grateful to the NPC leadership for always being supportive of me. As I run under the NPC as my party, I am thankful to Vice President Binay, Former President Estrada, and Senate President Enrile for having me as guest candidate in UNA. They have always been my allies—in 2004 I ran with the Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) as FPJ’s (Fernando Poe Jr.) Vice Presidential candidate and in 2007 with the United Opposition (UNO),” she explained.
The Senator also declared that she respects the partnership agreement between the NPC and the Liberal Party (LP) and said that she will continue to support the reform programs and good governance policies of the Aquino administration.
“I respect and observe the partnership agreement between the NPC and LP. I will support President Aquino until the end of his term. I share the reform agenda and politics of good, honest and transparent governance of the administration. I will continue to support President Aquino and Vice President Binay, the two highest elected officials of the land,” she stressed.
“I am seeking re-election with the same goal of serving the Filipino nation unrelentingly and with passion, as always, because the people’s interest always comes first as gleaned from the work I have done for the past 15 years,” said Legarda.
Legarda has earned her mark in championing environmental protection, an advocacy she has been actively espousing even before she became a public servant. Furthermore, she is a known advocate of climate change adaptation (CCA) and disaster risk reduction (DRR), authoring and sponsoring laws such as the Clean Air Act, the Solid Waste Management Act, the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act,and most recently, the amended Climate Change Act, which provides for the creation of the People’s Survival Fund. Her consistent efforts even earned her an international appointment as the United Nations Regional Champion for DRR and CCA for Asia-Pacific.
The Senator is also a known worker for the protection of the rights of women and children, making laws such as the Anti-Violence Against Women and Children Act, the Anti-Child Labor Law, and the Anti-Trafficking in Persons Act. The Expanded Anti-Trafficking in Persons bill, also being sponsored by Senator Legarda, was recently approved on Second Reading in the Senate.
In the realm of foreign relations, Legarda has sponsored the approval of twelve (12) international agreements, deepening the Philippines’ bilateral relations with various countries and promoting the welfare of Filipinos here and abroad. Most recently, she ushered the Senate’s concurrence in the ratification of the International Labor Organization Convention 189 (Convention Concerning Decent Work for Domestic Workers) and the Maritime Labor Convention, 2006, which will both afford better protection to Filipino workers.
Moreover, she has spearheaded projects and worked for the enactment of laws that will promote the resilience of culture and rural livelihoods, provide support to small businesses, and empower indigenous peoples. She authored laws such as the Barangay Kabuhayan Act, the Agri-Agra Reform Credit Act, and the Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises Act.
Legarda Tatakbo Bilang NPC; Inimbitahang Maging Guest Candidate ng UNA
September 24, 2012
KINUMPIRMA NGAYON NI SENADOR LOREN LEGARDA NA SIYA AY TATAKBO SA ILALIM NG NATIONALIST PEOPLE’S COALITION (NPC), ANG KANIYANG PARTIDO SIMULA PA NOONG 2007, AT TINANGGAP NA RIN NIYA ANG IMBITASYON NA MAGING GUEST CANDIDATE NG UNITED NATIONALIST ALLIANCE (UNA) PARA SA 2013 ELECTIONS.
“Ang partido ko po ay NPC, ang aking partido simula pa noong 2007, at ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pamunuan ng NPC sa patuloy nilang pagsuporta sa akin. Nagpapasalamat din ako kina Vice President Binay, Dating Pangulong Estrada, at Senate President Enrile sa kanilang pag-imbita sa akin na maging guest candidate ng UNA. Noon pa man ay kasama ko na sila—kasama ko sila noong 2004 sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) bilang Vice Presidential candidate ni FPJ at noong 2007 sa United Opposition (UNO),” paliwanag ni Legarda.
Sinabi rin ng Senador na iginagalang niya ang partnership agreement sa pagitan ng NPC at ng Liberal Party (LP) at idineklara ang kaniyang patuloy na pagsuporta sa mga reform programs at good governance policies ng Aquino administration.
“Iginagalang ko ang partnership agreement sa pagitan ng NPC at ng LP. Patuloy po ang aking pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Aquino hanggang sa matapos ang kaniyang termino. Kaisa ako ng administrasyon sa kanilang mga programa para sa reporma at ang pagsulong sa mabuti, tapat at transparent na pamamahala. Patuloy kong susuportahan si Pangulong Aquino at si Vice President Binay, ang dalawang pinakamataas na halal na opisyal ng bansa,” she stressed.
“Ako po ay muling tatakbo sa pagka-Senador na may layuning patuloy na mapagsilbihan ang ating bansa, na may tunay na malasakit sa Pilipino. Katulad ng aking pinagsikapan sa nakalipas na labinlimang taong, patuloy kong isasaalang-alang ang kapakanan at interes ng mamamayan,” ani Legarda.
Si Legarda ay kinikilala bilang tagapagtauyod ng pangangalaga sa kalikasan, isang adbokasiya na kaniyang isinusulong bago pa siya nahalala sa Senado. At bilang kampyon ng climate change adaptation (CCA) at disaster risk reduction (DRR), ginawa niya ang mga batas katulad ng Clean Air Act, ang Solid Waste Management Act, ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, at ang inamyendahang Climate Change Act, na nagtatakda ng pagbuo ng People’s Survival Fund. Ang kaniyang pagsisikap ay kinilala sa ibang bansa nang siya ay maatasan bilang United Nations Regional Champion for DRR and CCA for Asia-Pacific.
Kilala rin ang Senador sa kaniyang pagsisikap na maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Ginawa niya ang mga batas katulad ng Anti-Violence Against Women and Children Act, ang Anti-Child Labor Law, at ang Anti-Trafficking in Persons Act. Ang panukalang Expanded Anti-Trafficking in Persons bill, na inisponsor ni Legarda, ay inaprubahan sa Second Reading sa Senado kamakailan.
Sa aspeto ng foreign relations, isinulong ni Legarda ang pag-apruba sa labindalawang (12) international agreements na magpapatibay sa relasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa at magtataguyod sa kapakanan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Kamakailan ay inisponsor niya ang pagratipika ng Senado sa International Labor Organization Convention 189 (Convention Concerning Decent Work for Domestic Workers) at sa Maritime Labor Convention, 2006, na parehong maghahatid ng higit na proteksyon sa mga Pilipinong manggagawa.
Pinangunahan din ni Legarda ang mga proyekto para sa pagpapayabong ng kultura, pagsuporta sa mga maliliit na negosyo at kabuhayan sa kanayunan, at pagbibigay tinig sa mga katutubo. Iniakda niya ang mga batas katulad ng Barangay Kabuhayan Act, ang Agri-Agra Reform Credit Act, at ang Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises Act.