Legarda: Tech-voc key to jobs, enterprise, economic development

August 25, 2026

As the country celebrates National Tech-Voc Day and the 32nd Founding Anniversary of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Senator Loren Legarda called for stronger support for technical-vocational education and training as a pathway to decent work, entrepreneurship, and inclusive economic development.

“Ang tech-voc ay hindi second choice. Ito ay isa sa mga pangunahing daan tungo sa trabaho, kabuhayan, negosyo, at pag-unlad ng komunidad. Kapag inilapit natin ang skills training sa mga tao at iniugnay natin ito sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong kumita, umangat, at makibahagi sa pag-unlad ng kanilang komunidad,” Legarda said.

Legarda said this belief has long guided her legislative work, including her principal authorship and principal sponsorship of Republic Act No. 9509, or the Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008, which established livelihood and skills training centers in fourth, fifth, and sixth class municipalities.

The law seeks to bring livelihood and skills training closer to communities that need the most support, particularly in rural areas, by ensuring that training programs are coordinated at the municipal and barangay levels and based on local development plans and training needs.

In 2021, Legarda received the National TESDA Kabalikat Award under the Legislative Category for her contributions to training programs that improved the employability of Filipino skilled workers and promoted entrepreneurship. Since 2016, she has supported more than 100,000 TESDA grantees nationwide who benefited from TESDA programs such as the Barangay Kabuhayan Skills Training Program, Training for Work Scholarship Program, and Special Training for Employment Program.

“Kung gusto nating maging tunay na inclusive ang economic development, kailangan nating bigyan ang mga tao ng kakayahang makilahok dito. Ang puhunan ng maraming Pilipino ay sipag, talento, at kakayahang matuto. Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking may sistema silang maaabot para malinang ang mga ito,” she said.

Legarda also emphasized the need to modernize TESDA so it can better respond to the changing demands of education, industry, and the labor market. She has filed SBN-1413 or the proposed TESDA Modernization Act, which seeks to update the agency’s mandate and strengthen its role in lifelong learning, higher-level skills development, and building a quality-assured Filipino workforce.

“TESDA has been central to giving millions of Filipinos access to skills and livelihood opportunities. But the world of work is changing quickly. We need a TESDA that can respond faster to industry needs, recognize different ways of learning, and help workers move from training to employment, enterprise, and career growth,” Legarda said.

She stressed that technical-vocational education must be treated as part of a broader education and workforce development system, where learners and workers can upskill, reskill, and move across different pathways throughout their lives.

“Ang hamon sa atin ay gawing mas abot-kamay, mas dekalidad, at mas responsive ang tech-voc sa tunay na pangangailangan ng mga komunidad at industriya. Sa bawat kasanayang natutunan, may pamilyang nagkakaroon ng kabuhayan, may manggagawang nagkakaroon ng bagong oportunidad, at may lokal na ekonomiyang mas nagiging handa para sa kinabukasan,” Legarda concluded. (30)

—————————————————————————

Legarda: Tech-voc, susi sa trabaho, negosyo, at pag-unlad ng ekonomiya

Sa pagdiriwang ng bansa ng National Tech-Voc Day at ika-32 Anibersaryo ng pagkakatatag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), nanawagan si Senador Loren Legarda ng mas malakas na suporta para sa technical-vocational education and training bilang daan tungo sa disenteng trabaho, pagnenegosyo, at inklusibong pag-unlad ng ekonomiya.

“Ang tech-voc ay hindi second choice. Ito ay isa sa mga pangunahing daan tungo sa trabaho, kabuhayan, negosyo, at pag-unlad ng komunidad. Kapag inilapit natin ang skills training sa mga tao at iniugnay natin ito sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya, mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong kumita, umangat, at makibahagi sa pag-unlad ng kanilang komunidad,” ani Legarda.

Ipinahayag ni Legarda na matagal nang nagsisilbing gabay ang paniniwalang ito sa kanyang gawaing lehislatibo, kabilang ang kanyang pagiging principal author at principal sponsor ng Republic Act No. 9509, o Barangay Livelihood and Skills Training Act of 2008, na nagtatag ng mga livelihood and skills training center sa mga fourth, fifth, at sixth class municipalities.

Layunin ng batas na ilapit ang livelihood at skills training sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng suporta, lalo na sa mga kanayunan, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga training program ay maayos na naiuugnay sa antas ng munisipyo at barangay at nakabatay sa mga lokal na development plan at pangangailangan sa pagsasanay.

Noong 2021, tinanggap ni Legarda ang National TESDA Kabalikat Award sa ilalim ng Legislative Category bilang pagkilala sa kanyang ambag sa mga training program na nagpahusay sa employability ng mga Pilipinong skilled worker at nagsulong ng entrepreneurship. Mula 2016, sinuportahan niya ang mahigit 100,000 TESDA grantees sa buong bansa na nakinabang sa mga programa ng TESDA gaya ng Barangay Kabuhayan Skills Training Program, Training for Work Scholarship Program, at Special Training for Employment Program.

“Kung gusto nating maging tunay na inclusive ang economic development, kailangan nating bigyan ang mga tao ng kakayahang makilahok dito. Ang puhunan ng maraming Pilipino ay sipag, talento, at kakayahang matuto. Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking may sistema silang maaabot para malinang ang mga ito,” paliwanag ng senadora.

Binigyang-diin din ni Legarda ang pangangailangang gawing mas makabago ang TESDA upang mas mahusay itong makatugon sa nagbabagong pangangailangan ng edukasyon, industriya, at labor market. Inihain niya ang SBN-1413 o ang panukalang TESDA Modernization Act, na naglalayong i-update ang mandato ng ahensya at palakasin ang papel nito sa lifelong learning, higher-level skills development, at pagbuo ng quality-assured Filipino workforce.

“TESDA has been central to giving millions of Filipinos access to skills and livelihood opportunities. But the world of work is changing quickly. We need a TESDA that can respond faster to industry needs, recognize different ways of learning, and help workers move from training to employment, enterprise, and career growth,” diin ni Legarda.

Binigyang-diin niya na ang technical-vocational education ay dapat ituring na bahagi ng mas malawak na sistema ng edukasyon at workforce development, kung saan maaaring mag-upskill, mag-reskill, at lumipat sa iba’t ibang landas ng pagkatuto at trabaho ang mga mag-aaral at manggagawa sa iba’t ibang yugto ng kanilang buhay.

“Ang hamon sa atin ay gawing mas abot-kamay, mas dekalidad, at mas responsive ang tech-voc sa tunay na pangangailangan ng mga komunidad at industriya. Sa bawat kasanayang natutunan, may pamilyang nagkakaroon ng kabuhayan, may manggagawang nagkakaroon ng bagong oportunidad, at may lokal na ekonomiyang mas nagiging handa para sa kinabukasan,” pagtatapos ng senadora. (30)