Legarda strengthens Philippine Congress-Bangsamoro Parliament coordination, advances education and governance reforms
March 31, 2026Senator Loren Legarda reaffirmed her commitment to advancing peace, development, and inclusive governance in the Bangsamoro as she co-chaired the 4th Meeting of the Philippine Congress–Bangsamoro Parliament Forum (PCBPF), where key milestones were achieved to deepen institutional cooperation between the national government and the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
A central outcome of the meeting was the formal adoption of the Rules of Procedure of the PCBPF, establishing a clear and stable framework for sustained coordination among the Senate, the House of Representatives, and the Bangsamoro Parliament. Created under Republic Act No. 11054, or the Bangsamoro Organic Law, the PCBPF serves as a venue for coordinating legislative initiatives and strengthening intergovernmental cooperation.
“Peace is not a point we reach and consider a finished task,” Legarda said. “It must be felt in daily life through better services, fair systems, and real opportunities for our people to build their futures in their own communities.”
The four-term Senator underscored the importance of responsive and inclusive governance as the PCBPF discussed the proposed establishment of a province for the BARMM Special Geographic Area (SGA). Updates were also presented on the measure resetting the first regular parliamentary elections in BARMM, supporting a stable and credible transition to full regional governance.
As Co-Chair of the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), Legarda initiated the ceremonial turnover of the Commission’s Final Report to the Bangsamoro Parliament, marking an important step toward addressing long-standing education challenges across the country, including in the BARMM.
“We must ensure that our national education programs, including scholarships and student and teacher support, are effectively reaching learners in BARMM,” Legarda said. “With the findings and data from this report, I see an opportunity for a stronger partnership where we can pursue targeted reforms.”
To advance these efforts, the PCBPF agreed to establish a dedicated technical working group on education to advance the findings of the EDCOM II Report, align policies, streamline program delivery, and ensure that reforms translate into meaningful improvements in learning outcomes.
A long-standing advocate of the Bangsamoro peace process, Legarda co-authored the Bangsamoro Organic Law and has consistently championed laws that uphold the rights, dignity, and development of Muslim Filipinos and the broader Filipino people. (30)
Legarda pinalalakas ang koordinasyon ng Philippine Congress–Bangsamoro Parliament, isinusulong ang reporma sa edukasyon at pamamahala
Pinagtibay ni Senadora Loren Legarda ang kanyang pangako sa pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at inklusibong pamamahala sa Bangsamoro nang pinamunuan niya bilang Co-Chair ang ika-4 na Pagpupulong ng Philippine Congress–Bangsamoro Parliament Forum (PCBPF), kung saan nakamit ang mahahalagang hakbang upang higit pang palalimin ang ugnayang institusyonal sa pagitan ng pambansang pamahalaan at ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Isa sa pangunahing resulta ng pagpupulong ang pormal na pag-adopt ng Rules of Procedure ng PCBPF, na nagtatag ng malinaw at matatag na balangkas para sa tuloy-tuloy na koordinasyon ng Senado, Kamara, at Bangsamoro Parliament. Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law, nagsisilbing daluyan ang PCBPF para sa pagkakahanay ng mga inisyatibang pambatas at pagpapatibay ng intergovernmental cooperation.
“Ang kapayapaan ay hindi isang puntong mararating at ituturing na tapos na,” ani Legarda. “Ito ay dapat maramdaman sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyo, makatarungang sistema, at tunay na mga pagkakataon para sa ating mamamayan na buuin ang kanilang kinabukasan sa sariling pamayanan.”
Binigyang-diin ng apat na termino na Senadora ang kahalagahan ng tumutugon at inklusibong pamamahala habang tinalakay ng PCBPF ang mungkahing pagtatatag ng isang lalawigan para sa BARMM Special Geographic Area (SGA). Ipinrisinta rin ang mga update hinggil sa panukalang nagtatakda ng bagong iskedyul para sa unang regular na halalang parlamentaryo sa BARMM, bilang suporta sa matatag at mapagkakatiwalaang transisyon tungo sa ganap na pamamahalang panrehiyon.
Bilang Co-Chair ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), pinangunahan ni Legarda ang seremonyal na turnover ng Final Report ng Komisyon sa Bangsamoro Parliament, na nagmarka ng mahalagang hakbang sa pagtugon sa matagal nang hamon sa edukasyon sa buong bansa, kabilang ang sa BARMM.
“Kailangang matiyak na ang ating mga pambansang programa sa edukasyon, kabilang ang mga scholarship at suporta sa mga mag-aaral at guro, ay epektibong nakararating sa mga kabataan sa BARMM,” ani Legarda. “Sa mga natuklasan at datos mula sa ulat na ito, nakikita ko ang pagkakataon para sa mas matibay na pakikipagtulungan kung saan maaari nating isulong ang tiyak na mga reporma.”
Upang maisulong ang mga hakbang na ito, napagkasunduan ng PCBPF ang pagtatatag ng isang nakalaang technical working group sa edukasyon upang isulong ang mga natuklasan ng Ulat ng EDCOM II, ihanay ang mga polisiya, pasimplehin ang implementasyon ng mga programa, at matiyak na ang mga reporma ay maisasalin sa makabuluhang pagbuti ng resulta sa pagkatuto.
Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng Bangsamoro peace process, co-author si Legarda ng Bangsamoro Organic Law at patuloy na isinusulong ang mga batas na kumikilala sa karapatan, dignidad, at kaunlaran ng mga Muslim na Pilipino at ng mas malawak na sambayanang Pilipino. (30)
