Legarda seeks stronger protection for workers against extreme heat under third point of 10-Point El Niño Action Plan
November 5, 2026Senator Loren Legarda is calling for stronger protection for workers exposed to extreme heat, urging employers to adopt safer working hours and proposing additional compensation for those who must continue working under hazardous conditions.
The proposal forms the third point of her 10-Point Policy Action Plan against El Niño, launched on October 19, as the country prepares for prolonged dry spells and increased heat-related risks. It gives particular attention to farmers, construction workers, fisherfolk, and others whose livelihoods require long hours outdoors.
“Hindi naman puwedeng sabihan lang natin ang mga manggagawa na umiwas sa init. Paano ang magsasakang kailangang magtrabaho sa bukid? Paano ang construction worker na kailangang kumita para sa kaniyang pamilya? Kung alam nating delikado na ang init, dapat may malinaw na paraan para maprotektahan sila nang hindi nawawala ang kanilang kabuhayan,” Legarda said.
Under the third measure, Legarda is calling for physically demanding outdoor work to be moved to cooler hours, particularly when the heat index reaches 42 degrees Celsius. She is also proposing climate hazard pay for workers whose duties cannot be rescheduled to avoid dangerous heat exposure, while emphasizing that additional compensation must be accompanied by adequate workplace safety measures.
According to the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), a heat index of 42°C to 51°C falls under the danger category, when heat cramps and heat exhaustion become more likely and continued exposure may lead to heatstroke. At 52°C and above, conditions are classified as extreme danger. Unlike ordinary air temperature, the heat index accounts for humidity and reflects how hot the weather feels to the human body.
The Department of Labor and Employment (DOLE), through Labor Advisory No. 20, Series of 2026, issued on October 27, has called on employers to strengthen workplace protections against extreme heat. These include conducting heat-risk assessments, providing adequate drinking water and cooling facilities, allowing sufficient rest periods, and adjusting work arrangements to reduce exposure.
Legarda stressed that these measures must be implemented where workers face the greatest risks, particularly in farms, construction sites, and other outdoor workplaces.
“Kapag 42 degrees na ang heat index, hindi na ordinaryong init ang pinag-uusapan natin. May tunay nang panganib sa kalusugan at buhay. Kailangang may malinis na inuming tubig, may lilim na mapagpapahingahan, at may pagkakataong ilipat ang trabaho sa mas malamig na oras. At kung hindi talaga maiiwasan ang panganib, dapat pag-aralan ang karagdagang kompensasyon para sa mga manggagawa,” she said.
The senator called for closer coordination among DOLE, local government units, employers, and workers’ organizations to ensure that PAGASA heat warnings translate into timely workplace decisions. These may include adjusting work-rest schedules, monitoring local heat conditions, training workers to recognize symptoms of heat-related illnesses, and preparing emergency response procedures.
These efforts are consistent with Republic Act No. 11058, which strengthens compliance with occupational safety and health standards and requires employers to address hazards that may endanger workers. Legarda emphasized that extreme heat must be recognized as a serious occupational risk requiring preventive action.
The proposed climate hazard pay would provide an additional layer of protection without replacing existing workplace safety obligations. Under DOLE Labor Advisory No. 19, Series of 2026, workers covered by the Employees’ Compensation Program may qualify for benefits for work-related heat stress and heat-related illnesses, subject to applicable requirements. These benefits are separate from the additional compensation Legarda is proposing for workers required to perform duties under hazardous heat conditions.
The proposal also relates to Legarda’s Senate Bill No. 520, or the proposed Calamity Work Compensation Act, which seeks additional compensation for private-sector employees required to report for work during declared calamities and emergency alerts. While the measure does not automatically establish climate hazard pay for all periods of extreme heat, it recognizes the need for appropriate compensation when workers are required to perform their duties under extraordinary risks.
The third point is part of Legarda’s broader call for early, science-based preparations against El Niño. As principal author and principal sponsor of Republic Act No. 9729, or the Climate Change Act of 2009, and principal author of Republic Act No. 10692, or the PAGASA Modernization Act of 2015, she has advanced legislation supporting climate adaptation, improved weather forecasting, and early warning systems.
Legarda also filed Senate Resolution No. 733 seeking an inquiry into the government’s preparedness for the anticipated strong to very strong El Niño, particularly its potential effects on water supply, food production, livelihoods, and vulnerable communities.
The resolution comes amid warnings that the ongoing El Niño may persist into the first quarter of 2027, with its effects potentially extending through the first half of the year. These conditions underscore the need to prepare workplaces and communities for prolonged heat and water-related challenges.
“Hindi dapat mamili ang isang manggagawa kung kalusugan ba niya o kita ng kaniyang pamilya ang uunahin. Parehong mahalaga ang dalawa. Alam na natin ang panganib ng matinding init, kaya dapat nauuna ang paghahanda. Ang gusto nating mangyari, makakauwi ang ating mga manggagawa nang ligtas at may sapat na kita para sa kanilang pamilya,” Legarda said.
Legarda urged concerned agencies and employers to strengthen compliance with existing occupational safety requirements while examining additional measures, including climate hazard pay, to address the growing risks faced by workers during periods of extreme heat.
– – – – – – –
Legarda, nanawagan ng dagdag na proteksyon at kompensasyon sa mga manggagawang lantad sa matinding init bilang ikatlong hakbang sa 10-Point El Niño Action Plan
Nanawagan si Senator Loren Legarda ng mas mahigpit na proteksyon para sa mga manggagawang lantad sa matinding init, kabilang ang pag-aayos ng oras ng trabaho at pagbibigay ng karagdagang kompensasyon sa mga kailangang magtrabaho sa kabila ng panganib sa kanilang kalusugan.
Ito ang ikatlong hakbang sa kaniyang 10-Point Policy Action Plan laban sa El Niño na inilunsad noong Oktubre 19. Pangunahing layunin nitong maprotektahan ang mga magsasaka, construction worker, mangingisda, at iba pang manggagawang kailangang manatili sa labas nang matagal upang kumita para sa kanilang pamilya.
“Hindi naman puwedeng sabihan lang natin ang mga manggagawa na umiwas sa init. Paano ang magsasakang kailangang magtrabaho sa bukid? Paano ang construction worker na kailangang kumita para sa kaniyang pamilya? Kung alam nating delikado na ang init, dapat may malinaw na paraan para maprotektahan sila nang hindi nawawala ang kanilang kabuhayan,” pahayag ni Legarda.
Iminungkahi ng senador na ilipat sa mas malamig na oras ang mabibigat na gawaing panlabas, lalo na kapag umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index. Para naman sa mga manggagawang hindi maaaring baguhin ang oras ng trabaho at kailangang humarap sa mapanganib na init, nais niyang pag-aralan ang pagbibigay ng climate hazard pay o karagdagang bayad dahil sa panganib na kaakibat ng kanilang trabaho.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa kategoryang danger ang heat index na 42°C hanggang 51°C, kung saan tumataas ang posibilidad ng heat cramps at heat exhaustion, habang maaaring humantong sa heatstroke ang patuloy na pagkakalantad sa init. Itinuturing namang extreme danger ang heat index na 52°C pataas. Sinusukat ng heat index ang init na nararamdaman ng katawan batay sa temperatura at halumigmig sa hangin.
Kaugnay nito, naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Labor Advisory No. 20, Series of 2026 noong Oktubre 27 upang paigtingin ang proteksyon laban sa matinding init sa mga lugar ng trabaho. Kabilang sa mga hakbang ang pagtatasa sa panganib, pagkakaroon ng sapat na inuming tubig at malamig na lugar na mapagpapahingahan, regular na pahinga, at pagsasaayos ng oras at paraan ng pagtatrabaho.
“Kapag 42 degrees na ang heat index, hindi na ordinaryong init ang pinag-uusapan natin. May tunay nang panganib sa kalusugan at buhay. Kailangang may malinis na inuming tubig, may lilim na mapagpapahingahan, at may pagkakataong ilipat ang trabaho sa mas malamig na oras. At kung hindi talaga maiiwasan ang panganib, dapat pag-aralan ang karagdagang kompensasyon para sa mga manggagawa,” diin ng senador.
Hiniling din ni Legarda ang mas mahigpit na koordinasyon ng DOLE, mga lokal na pamahalaan, employer, at samahan ng mga manggagawa upang agad na maisagawa ang mga kinakailangang pag-iingat batay sa heat advisories ng PAGASA. Kabilang dito ang pagsasaayos ng oras ng trabaho at pahinga, pagsubaybay sa heat index, pagsasanay sa pagkilala sa mga sintomas ng sakit dulot ng init, at paghahanda sa mga emergency.
Binigyang-diin niyang naaayon ang mga hakbang na ito sa Republic Act No. 11058, na nagtatakda ng mas mahigpit na pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho. Aniya, dapat ituring ang matinding init bilang seryosong panganib na kailangang paghandaan at hindi basta tiisin ng mga manggagawa.
Nilinaw din na ang panukalang climate hazard pay ay karagdagang proteksyon at hindi kapalit ng obligasyon ng mga employer na magbigay ng ligtas na lugar ng trabaho. Nakapaloob naman sa DOLE Labor Advisory No. 19, Series of 2026 ang posibilidad na makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Employees’ Compensation Program ang mga kwalipikadong manggagawang nagkaroon ng sakit dahil sa matinding init habang nagtatrabaho, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Kaugnay din ng panukala ang inihain ni Legarda na Senate Bill No. 520, o ang proposed Calamity Work Compensation Act, na naglalayong magbigay ng karagdagang kompensasyon sa mga manggagawa sa pribadong sektor na kinakailangang pumasok sa panahon ng idineklarang kalamidad at emergency alerts. Bagama’t hindi nito awtomatikong saklaw ang lahat ng pagkakataong may matinding init, kinikilala ng panukala ang pangangailangang bigyan ng angkop na kompensasyon ang mga manggagawang humaharap sa pambihirang panganib.
Bahagi ang ikatlong hakbang na ito ng mas malawak na paghahanda laban sa El Niño. Bilang principal author at principal sponsor ng Republic Act No. 9729, o Climate Change Act of 2009, at principal author ng Republic Act No. 10692, o PAGASA Modernization Act of 2015, isinulong ni Legarda ang mga batas na nagpapatibay sa kakayahan ng bansa na umangkop sa pagbabago ng klima at mapahusay ang pagtataya at maagang babala sa panahon.
Inihain din niya ang Senate Resolution No. 733 upang suriin ang kahandaan ng pamahalaan sa inaasahang malakas hanggang napakalakas na El Niño, partikular ang epekto nito sa suplay ng tubig, produksyon ng pagkain, kabuhayan, at mga komunidad na higit na nanganganib.
Batay sa mga babala, maaaring magpatuloy ang El Niño hanggang unang tatlong buwan ng 2027, habang posibleng maramdaman ang mga epekto nito hanggang unang kalahati ng taon. Dahil dito, iginiit ng senador na kailangang maagang maipatupad ang mga hakbang sa kaligtasan ng mga manggagawa.
“Hindi dapat mamili ang isang manggagawa kung kalusugan ba niya o kita ng kaniyang pamilya ang uunahin. Parehong mahalaga ang dalawa. Alam na natin ang panganib ng matinding init, kaya dapat nauuna ang paghahanda. Ang gusto nating mangyari, makakauwi ang ating mga manggagawa nang ligtas at may sapat na kita para sa kanilang pamilya,” ani Legarda.
Hinimok niya ang mga kinauukulang ahensya at employer na tiyaking nasusunod ang mga pamantayan sa kaligtasan sa trabaho, habang pinag-aaralan ang karagdagang proteksyon at kompensasyon para sa mga manggagawang kailangang maghanapbuhay sa gitna ng matinding init.
