Legarda: Recurring habagat floods demand stronger prevention, safe evacuation centers, nature-based solutions
August 12, 2026The enhanced southwest monsoon, intensified by tropical cyclones Luis and Maymay, has once again submerged communities, displaced families, and disrupted livelihoods. As the Government and disaster response agencies are mobilizing relief operations with the number of individuals affected by recent severe weather reaching over 1.3 million nationwide, Senator Loren Legarda, reiterated her call for an urgent shift from repeatedly responding to floods toward preventing communities from being placed at risk in the first place.
“Hindi pwedeng taun-taon pareho ang eksena, baha, paglikas, relief operations, paglilinis, tapos aantayin nanaman natin ang susunod na bagyo. Kailangan natin seryosohin ang pagpigil sa panganib bago pa ito maging sakuna. Mas mura, mas makatao, at mas epektibo ang pag-iwas kaysa paulit-ulit na pagbangon mula sa pinsala,” Legarda said.
Legarda said recurring floods cannot be just treated as a drainage or flood-control issue. According to the Metro Manila Development Authority (MMDA), accumulated garbage remains the primary cause of severe street flooding across Metro Manila. Every year massive garbage build-up still confronts us, pointing to the root of the problem, such in the case of the coastal dike of Navotas following recent heavy rains.
Legarda stressed that poor waste management, obstruction of waterways, development in hazard-prone areas and natural drainage paths, degradation of watersheds and wetlands, and weak enforcement of environmental and land-use regulations all increase the vulnerability of communities.
The four‑term senator further reiterated the need for strict implementation of the Ecological Solid Waste Management Act, which she principally authored and sponsored, particularly the requirements on waste segregation, collection, recycling, and proper disposal. Legarda has long urged local governments and national agencies to address the causes of flooding instead of relying mainly on evacuation, relief, and rehabilitation after every disaster.
Legarda also raised concern over the adequacy and location of evacuation facilities, stressing that families fleeing floodwaters must not be evacuated to places exposed to the same hazards.
“Hindi katanggap-tanggap na ang evacuation center na paglilikasan ng isang pamilyang binaha ay binabaha rin. Ang evacuation center ang dapat pinakaligtas na lugar sa panahon ng sakuna, hindi isa pang lugar na maghahatid lamang sa ating mga kababayan sa dagdag panganib,” Legarda said.
She renewed her longstanding call for evacuation centers to be built in safe locations based on hazard and flood maps and to be structurally resilient and adequately equipped. As co-author of the Ligtas Pinoy Centers Act, Legarda called for the full implementation of the law.
“Hindi sapat na may evacuation centers lang. Dapat ligtas ito, hindi binabaha, may malinis na tubig at maayos palikuran, may sapat na espasyo, at kayang tugunan ang pangangailangan ng mga bata, matanda, kababaihan, persons with disabilities, at iba pang higit na nangangailangan ng proteksyon, Legarda said.
Legarda further emphasized that flood resilience cannot depend on concrete infrastructure alone rather a sustainable and anticipatory disaster framework. She pointed to landmark measures she has long championed, including the Climate Change Act, Philippine Disaster Risk Reduction Management Act, People’s Survival Fund Act, Clean Water Act, and the Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System Act, saying these laws should continue to be part of the policy framework that should guide national and local governments toward risk-informed, climate-resilient development.
“Hindi sapat na puro pagpapalalim ng kanal, pumping station, dike, at flood control projects lang ang sagot natin sa pagbaha. Kailangan din nating bigyan ng kakayahan ang kalikasan na sumalo, mag-imbak, at magpabagal ng rumaragasang tubig,” Legarda said.
She called for the wider adoption of nature-based solutions, including the restoration and protection of watersheds and forests, rehabilitation of wetlands and riverbanks, reconnection of rivers to floodplains where feasible, expansion of urban green spaces, rain gardens and permeable surfaces, and restoration of mangrove forests and seagrass beds in vulnerable coastal communities.
These interventions should complement well-designed drainage, pumping stations, floodways, and other necessary engineered infrastructure.
“Kapag nawala ang kagubatan, tinakpan ang mga kanal at estero ng semento, at sinikipan ang daluyan ng ilog, saan pupunta ang tubig? Hindi natin maaaring labanan ang baha sa pamamagitan ng mas maraming konkretong istruktura. Ang higit na kailangan ay maibalik ang natural na depensa ng ating mga komunidad. Ang tunay na solusyon ay nakaugat sa lupa, sa puno, at sa likas na yaman na nagbibigay buhay,” Legarda said.
“Hindi na natin mapipigilan ang ulan, pero kaya nating gawin na ito’y hindi na paulit-ulit na maging trahedya. Ang kailangan ay mahusay na pamamahala, maagap na paghahanda, mahigpit na pagpapatupad ng batas, at paggalang sa kalikasan,,” Legarda concluded. (30)
—————————————————————————-
Legarda: Paulit‑ulit na pagbaha dulot ng habagat, kailangan ng mas matibay na pamamaraan ng pag‑iwas sa panganib, ligtas na evacuation centers, at nature‑based solutions
Muling lumubog ang mga komunidad, napilitang lumikas ang mga pamilya, at nabulabog ang kabuhayan dahil sa pinalakas na southwest monsoon na pinatindi ng mga bagyong Luis at Maymay. Habang puspusan ang pamahalaan at mga ahensya sa pagtugon sa mahigit 1.3 milyong Pilipinong naapektuhan ng matinding panahon, muling iginiit ni Senadora Loren Legarda ang agarang pangangailangan na lumipat mula sa paulit‑ulit na pagtugon sa baha tungo sa mas matibay na pamamaraan ng pag‑iwas sa panganib para sa mga komunidad.
“Hindi pwedeng taun-taon pareho ang eksena, baha, paglikas, relief operations, paglilinis, tapos aantayin nanaman natin ang susunod na bagyo. Kailangan natin seryosohin ang pagpigil sa panganib bago pa ito maging sakuna. Mas mura, mas makatao, at mas epektibo ang pag-iwas kaysa paulit-ulit na pagbangon mula sa pinsala,” ani Legarda.
Binigyang‑diin niya na hindi dapat ituring na simpleng drainage o flood‑control issue ang paulit‑ulit na pagbaha. Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), ang naipong basura ang pangunahing sanhi ng malalang pagbaha sa mga lansangan sa Metro Manila. Taun‑taon, nananatiling suliranin ang tambak ng basura, gaya ng nangyari sa coastal dike ng Navotas matapos ang malakas na ulan.
Dagdag ni Legarda, ang mahinang pamamahala sa basura, pagbabara ng daluyan ng tubig, pagtatayo sa hazard‑prone areas at natural drainage paths, pagkasira ng watershed at wetlands, at mahinang pagpapatupad ng environmental at land‑use regulations ay lalo pang nagpapataas ng panganib sa mga komunidad.
Muling iginiit ng apat na terminong senadora ang mahigpit na pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act na siya ang pangunahing may‑akda at sponsor, lalo na ang mga probisyon sa segregation, koleksyon, recycling, at tamang pagtatapon ng basura. Matagal na niyang hinikayat ang mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya na tugunan ang ugat ng pagbaha sa halip na umasa lamang sa evacuation, relief, at rehabilitasyon pagkatapos ng bawat sakuna.
Nagpahayag din siya ng pangamba sa kaligtasan at lokasyon ng mga evacuation center, kasabay ng pagbibigay‑diin na hindi dapat ilikas ang mga pamilya sa lugar na may parehong panganib.
“Hindi katanggap‑tanggap na ang evacuation center na paglilikasan ng isang pamilyang binaha ay binabaha rin. Ang evacuation center ang dapat pinakaligtas na lugar sa panahon ng sakuna, hindi isa pang lugar na magdadala ng dagdag na panganib,” ani Legarda.
Muli niyang hinikayat ang pagtatayo ng evacuation centers sa ligtas na lokasyon batay sa hazard at flood maps, na matibay ang estruktura at sapat ang kagamitan. Bilang co‑author ng Ligtas Pinoy Centers Act, nanawagan si Legarda sa ganap na pagpapatupad ng batas.
“Hindi sapat na may evacuation centers lang. Dapat ligtas ito, hindi binabaha, may malinis na tubig at maayos na palikuran, may sapat na espasyo, at kayang tugunan ang pangangailangan ng mga bata, matatanda, kababaihan, persons with disabilities, at iba pang higit na nangangailangan ng proteksyon,” ani Legarda.
Binigyang‑diin din niya na hindi dapat umasa lamang sa konkretong imprastruktura ang flood resilience kundi sa mas pangmatagalang disaster framework. Tinukoy niya ang mga landmark laws na matagal na niyang itinaguyod gaya ng Climate Change Act, Philippine Disaster Risk Reduction Management Act, People’s Survival Fund Act, Clean Water Act, at Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System Act, na dapat manatiling gabay sa risk‑informed at climate‑resilient development.
“Hindi sapat na puro pagpapalalim ng kanal, pumping station, dike, at flood control projects lang ang sagot natin sa pagbaha. Kailangan din nating bigyan ng kakayahan ang kalikasan na sumalo, mag‑imbak, at magpabagal ng rumaragasang tubig,” ani Legarda.
Nanawagan siya sa mas malawak na paggamit ng nature‑based solutions gaya ng pagpapanumbalik at pangangalaga ng watershed at kagubatan, rehabilitasyon ng wetlands at pampang ng ilog, pagkokonekta ng ilog sa floodplains kung maaari, pagpapalawak ng urban green spaces, rain gardens at permeable surfaces, at pagpapanumbalik ng mangrove forests at seagrass beds sa mga coastal communities.
Ang mga interbensyong ito ay dapat maging katuwang ng maayos na drainage, pumping stations, floodways, at iba pang kinakailangang engineered infrastructure.
“Kapag nawala ang kagubatan, tinakpan ng semento ang mga kanal at estero, at sinikipan ang daluyan ng ilog, saan pupunta ang tubig? Hindi natin maaaring labanan ang baha sa pamamagitan ng mas maraming konkretong istruktura. Ang higit na kailangan ay maibalik ang natural na depensa ng ating mga komunidad. Ang tunay na solusyon ay nakaugat sa lupa, sa puno, at sa likas na yaman na nagbibigay buhay,” ani Legarda.
“Hindi na natin mapipigilan ang ulan, pero kaya nating gawin na ito’y hindi na paulit-ulit na maging trahedya. Ang kailangan ay mahusay na pamamahala, maagap na paghahanda, mahigpit na pagpapatupad ng batas, at paggalang sa kalikasan,” pagtatapos ni Legarda. (30)
