Legarda: Reading Must Lead to Understanding, Highlights Importance of Supporting Book Institute of the Philippines to Improve Literacy

November 3, 2026

Senator Loren Legarda emphasized the need for stronger support for the Book Institute of the Philippines (BIP) to help address the country’s literacy challenges, as the latest national survey showed that only 70.8 percent of Filipinos aged 10 to 64 met the functional literacy standard.

Legarda made the statement following the graduation of 12 emerging publishing professionals during Solidaridad Literary Series V on October 30 at Solidaridad Bookshop in Manila, underscoring the role of Filipino publishers in producing books that encourage reading, strengthen comprehension, and reach underserved communities.

The figure comes from the Philippine Statistics Authority’s (PSA) 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS), whose final results were released on June 30, 2025. While 93.1 percent of Filipinos aged 10 to 64 possessed basic literacy skills, the PSA noted that for every nine individuals who could read, write, and compute, two had difficulty with comprehension.

“Marunong kang bumasa, pero naiintindihan mo ba ang binabasa mo? Iyan ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Isipin natin ang isang manggagawang kailangang umunawa ng kontrata, o isang magulang na nagbabasa ng reseta para sa kaniyang anak. May epekto ito sa kanilang kalusugan, kabuhayan, at mga desisyon sa buhay. Kaya hindi dapat natatapos ang pagkatuto sa pagkilala ng mga salita. Kailangan ding maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito,” Legarda said.

The challenge remains evident in schools. According to findings released by the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) on May 28, 2026, the proportion of learners in Grades 1 to 10 classified as Grade Level Ready or Independent readers increased from 19 percent in June 2025 to 48 percent in March 2026. Despite these gains, approximately half remained below grade-level reading proficiency by the end of School Year 2025–2026.

As an EDCOM II Commissioner, Legarda emphasized that improving these outcomes requires stronger foundational learning, early interventions for struggling readers, and greater access to appropriate learning materials.

The BIP fellowship, organized by the National Book Development Board (NBDB), trained emerging publishers from Ilocos to South Cotabato in editorial and production processes, rights and licensing, marketing, and reader engagement.

The 12 graduates are Andrew Jalbuena Pasaporte, Christopher Cintura Asa, Edgar G. Belda Jr., Angelo A. Acenas, July Farol, Barjunaid T. Cadir, Cheryll C. Launio, Katherine F. Macabuhay, Gilbert S. Gungon, Nadine Hendrikka E. Legaspi, Ethel Reyes-Chua, EdD, and Ariel Sotelo Tabag.

Their graduation formed part of a gathering organized by the NBDB, Solidaridad Bookshop, and the Office of Senator Loren Legarda, with the participation of the Mangyan Heritage Center.

Legarda also proposed additional budgetary support for BIP and NBDB to expand publishing training, strengthen local book development, and help make Filipino books more accessible, particularly in communities with limited reading resources.

“Maraming batang Pilipino ang lumalaki na walang sariling libro. May mga paaralan ding kulang ang mga babasahin. Paano natin mahihikayat ang isang bata na mahalin ang pagbabasa kung wala naman siyang mabasang kuwentong nakaaaliw, nauunawaan niya, at may kaugnayan sa kaniyang buhay? Kailangan nating suportahan ang mga manunulat at publisher para mas maraming librong Pilipino ang mailathala at makarating kahit sa pinakamalayong barangay,” Legarda said.

The proposal aligns with Republic Act No. 11904, or the Philippine Creative Industries Development Act, which Legarda authored and which recognizes publishing and printed media as part of the country’s creative industries.

Her education initiatives also include Republic Act No. 12028, or the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, which she co-authored to support learners struggling in reading, mathematics, and science. She also filed Senate Bill No. 1853, the proposed K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, which seeks to strengthen early language, literacy, and numeracy instruction.

“Hindi natin malulutas ang problema sa literacy sa pamamagitan ng isang programa lang. Kailangang matulungan ang mga batang nahihirapang bumasa, masuportahan ang ating mga guro, at mabigyan ng pagkakataong magbasa ang mga bata kahit nasa bahay. May papel dito ang ating mga manunulat at publisher. Ang mahalaga, walang batang maiiwan dahil lamang kulang siya sa mga libro o sa pagkakataong matuto,” Legarda said.

The graduation of the BIP fellows underscored how stronger support for Philippine publishing can complement education reforms by bringing more books, Filipino stories, and learning opportunities to communities across the country. (30)

– – – – – – – – – –

Legarda, nanawagan ng mas malakas na suporta sa Book Institute of the Philippines upang mapataas ang antas ng literasiya ng mga Pilipino

Nanawagan si Senador Loren Legarda ng mas malaking suporta para sa Book Institute of the Philippines (BIP) upang makatulong sa pagpapataas ng antas ng literasiya sa bansa, kasunod ng resulta ng pinakahuling pambansang sarbey na nagpapakitang 70.8 porsiyento lamang ng mga Pilipinong edad 10 hanggang 64 ang nakaaabot sa pamantayan ng functional literacy, o kakayahang umunawa at gumamit ng impormasyong nababasa sa pang-araw-araw na buhay.

Binigyang-diin ito ng Senadora kasunod ng pagtatapos ng 12 bagong propesyonal sa larangan ng paglalathala sa Solidaridad Literary Series V, na ginanap noong Oktubre 30 sa Solidaridad Bookshop sa Maynila. Aniya, may malaking papel ang mga Pilipinong publisher sa paglikha ng mga aklat na makatutulong sa paglinang ng pag-unawa sa binabasa at sa pagpapalawak ng access sa mga babasahin, lalo na sa mga pamayanang kapos sa mga ito.

Batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), na inilabas ang pinal na resulta noong Hunyo 30, 2025, umabot sa 93.1 porsiyento ang mga Pilipinong may batayang kakayahang bumasa, sumulat, at magbilang. Gayunman, ipinakita rin ng sarbey na sa bawat siyam na may ganitong kakayahan, dalawa ang nahihirapang umunawa sa kanilang binabasa.

“Marunong kang bumasa, pero naiintindihan mo ba ang binabasa mo? Iyan ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Isipin natin ang isang manggagawang kailangang umunawa ng kontrata, o isang magulang na nagbabasa ng reseta para sa kaniyang anak. May epekto ito sa kanilang kalusugan, kabuhayan, at mga desisyon sa buhay. Kaya hindi dapat natatapos ang pagkatuto sa pagkilala ng mga salita. Kailangan ding maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga ito,” ani Legarda.

Makikita rin ang hamong ito sa mga paaralan. Ayon sa datos na inilabas ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) noong Mayo 28, 2026, tumaas mula 19 porsiyento noong Hunyo 2025 tungo sa 48 porsiyento noong Marso 2026 ang bilang ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 10 na itinuturing na Grade Level Ready o Independent readers. Sa kabila ng pag-unlad na ito, humigit-kumulang kalahati pa rin ng mga mag-aaral ang hindi nakaaabot sa inaasahang antas ng pagbasa para sa kanilang baitang sa pagtatapos ng School Year 2025–2026.

Bilang Commissioner ng EDCOM II, binigyang-diin ni Legarda ang pangangailangang palakasin ang pundasyon ng pagkatuto, agad na matulungan ang mga batang nahihirapang bumasa, at matiyak na may sapat at angkop na mga kagamitang pampagkatuto sa mga paaralan.

Kaugnay nito, itinampok ng Senadora ang ambag ng BIP sa pagpapalakas ng industriya ng paglalathala sa bansa. Sa ilalim ng fellowship program na pinangunahan ng National Book Development Board (NBDB), sumailalim sa pagsasanay ang mga bagong publisher mula Ilocos hanggang South Cotabato sa pag-eedit at produksiyon ng mga aklat, mga karapatan at paglilisensiya sa paglalathala, marketing, at pakikipag-ugnayan sa mga mambabasa.

Ang 12 nagtapos ay sina Andrew Jalbuena Pasaporte, Christopher Cintura Asa, Edgar G. Belda Jr., Angelo A. Acenas, July Farol, Barjunaid T. Cadir, Cheryll C. Launio, Katherine F. Macabuhay, Gilbert S. Gungon, Nadine Hendrikka E. Legaspi, Ethel Reyes-Chua, EdD, at Ariel Sotelo Tabag.

Bahagi ang kanilang pagtatapos ng pagtitipong inorganisa ng NBDB, Solidaridad Bookshop, at Tanggapan ni Senador Loren Legarda, sa pakikilahok ng Mangyan Heritage Center.

Upang mas marami pang Pilipino ang makinabang sa ganitong mga programa, iminungkahi ni Legarda ang karagdagang pondo para sa BIP at NBDB. Layunin nitong mapalawak ang pagsasanay sa mga publisher, mapalakas ang paglikha at paglalathala ng mga lokal na aklat, at mas maraming babasahing Pilipino ang maihatid sa mga komunidad na limitado ang access sa mga libro.

“Maraming batang Pilipino ang lumalaki na walang sariling libro. May mga paaralan ding kulang ang mga babasahin. Paano natin mahihikayat ang isang bata na mahalin ang pagbabasa kung wala naman siyang mabasang kuwentong nakaaaliw, nauunawaan niya, at may kaugnayan sa kaniyang buhay? Kailangan nating suportahan ang mga manunulat at publisher para mas maraming librong Pilipino ang mailathala at makarating kahit sa pinakamalayong barangay,” ani Legarda.

Kaugnay ng pagsusulong na ito ang Republic Act No. 11904, o Philippine Creative Industries Development Act, na isinulong ni Legarda bilang author. Kinikilala ng batas ang paglalathala ng mga aklat at iba pang nakalimbag na materyales bilang bahagi ng malikhaing industriya ng bansa.

Isinusulong din ng Senadora ang mga hakbang upang matugunan ang kakulangan sa kakayahang bumasa at umunawa ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang Republic Act No. 12028, o Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act, na kaniyang sinuportahan bilang co-author upang matulungan ang mga batang nahihirapan sa pagbasa, matematika, at agham.

Naghain din siya ng Senate Bill No. 1853, o panukalang K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, na naglalayong palakasin ang maagang pagkatuto sa wika, pagbasa, pagsulat, at pagbibilang.

“Hindi natin malulutas ang problema sa literacy sa pamamagitan ng isang programa lang. Kailangang matulungan ang mga batang nahihirapang bumasa, masuportahan ang ating mga guro, at mabigyan ng pagkakataong magbasa ang mga bata kahit nasa bahay. May papel dito ang ating mga manunulat at publisher. Ang mahalaga, walang batang maiiwan dahil lamang kulang siya sa mga libro o sa pagkakataong matuto,” ani Legarda.

Para sa Senadora, ipinapakita ng pagtatapos ng mga BIP fellows na mahalagang katuwang ng mga reporma sa edukasyon ang industriya ng paglalathala. Sa pamamagitan ng mas malawak na suporta sa mga Pilipinong manunulat at publisher, mas maraming aklat, kuwentong Pilipino, at oportunidad sa pagkatuto ang maaaring makarating sa mga pamayanan sa buong bansa. (30)