Legarda pushes stricter gun safekeeping as another school shooting hits South Cotabato
September 19, 2026Senator Loren Legarda renewed her push for stricter firearm safekeeping and greater accountability of gun owners following another deadly school shooting at Banga National High School in South Cotabato.
The September 18 incident came less than a month after the shooting at Atendeo de Zamboanga University and less than three months after the shooting at San Jose National High School in Tacloban City.
“Hindi maaaring sa bawat pamamaril ay mag-iimbestiga tayo, magluluksa, at pagkatapos ay maghihintay na naman hanggang sa may panibagong paaralang tamaan. Tacloban, Zamboanga, at ngayon South Cotabato. May malinaw nang babala na may mga kahinaan sa ating sistema na kailangang ayusi ng agaran,” Legarda said.
Legarda filed SBN 2472, seeking to strengthen Republic Act No. 10591, or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, by providing clearer and more comprehensive standards on the responsibility and accountability of firearm owners and licensees for the proper safekeeping, storage, and control of their firearms.
The measure takes on renewed urgency following the three school shootings. The June 22 Tacloban shooting reportedly involved a PNP-issued service forearm accessed by a minor relative of the accountable officer, while the August 18 Zamboanga shooting involved a firearm issued to a Bureau of Customs personnel who is the father of the minor involved. On September 18, another shooting occurred at Banga National HIgh School in South Cotabato. Authorities are still investigating the circumstances of the latest attack.
Legarda stressed that the recurring incidents require authorities to look beyond the identity of the shooter and determine how a firearm became accessible in the first place.
“HIndi sapat na malaman lamang kung sino ang namaril. Kailangan nating malaman kung paano nakuha ang baril, paano ito naipasok sa paaralan, kung may mga babalang hindi napansin o hindi naaksyunan, at kung may taong nagpabaya sa responsibilidad niyang ingatan ang armas na ipinagkatiwala sa kanya,” Legarda said.
Under SBN 2472, firearms must be kept in a vault, locked container, or other secure storage facility when not under the owner’s immediate possession and control. Where minors reside or are regularly present, owners must exercise heightened diligence and keep keys, combinations, biometric credentials, and other means of access beyond their reach.
“Kung may baril sa bahay, hindi dapat maging kampante sa pagtatabi nito. Hindi sapat na basta ito itago sa drawer, cabinet, o lugar na inaakalang hindi gagalawin. Ang may-ari ng baril ang may responsibilidad na tiyaking hindi ito maabot o magagamit ng bata o sinumang walang pahintulot. Kapag nagpabaya, dapat may malinaw na pananagutan, “ Legarda said.
For government-issued firearms, the Bill requires issuing agencies to provide compliant vaults, as public officers entrusted with firearms are expected to exercise the highest degree of diligence. Government agencies must also conduct physical inventories and audits of their firearms at least once every six months.
The measure also shortens the period for reporting firearms that are lost, stolen, or accessed without authorization from 30 days to 24 hours from discovery, while expressly prohibiting warrantless house-to-house inspections or entry into private premises without valid consent or lawful process.
“A missing firearm cannot be treated like an ordinary lost item. Thirty days gives too much time for a weapon to change hands or be used in a crime. Reporting must be prompt so authorities can respond immediately and prevent further harm,” Legarda said.
“A firearm carries power over life and death. That is why owning one must carry an equally serious duty of care,” she added.
The four-term Senator further called for school security protocols, and the availability of timely mental health and psychosocial intervention for students.
“Kung may batas ngunit hindi naipatutupad nang maayos, dapat managot ang nagpabaya. Kung may kakulangan sa batas, dapat itong punan ng Kongreso. At kung may babalang nakita ngunit hindi naaksyunan, kailangan nating malaman kung bakit. Hindi sapat na malaman lamang kung sino ang namaril. Kailangan nating malaman kung paano natin hinayaang umabot sa puntong may baril na namang nakapasok sa isang paaralan,” Legarda said.
Legarda stressed that SBN 2472 addresses a specific and preventable risk by making firearm owners and custodians directly responsible for keeping weapons away from unauthorized users, particularly minors.
“Hindi natin maibabalik ang mga buhay na nawala. Ngunit may magagawa tayo upang hindi na madagdagan ang mga pamilyang kailangang pagdaanan ito. Pagkatapos ng Tacloban, Zamboanga, at ngayon South Cotabato, hindi na maaaring sabihing hindi natin nakita ang babala,” Legarda concluded. (30)
—————————————————————————-
Legarda, isinusulong ang mas mahigpit na pag-iingat ng mga armas matapos ang panibagong pamamaril sa paaralan sa South Cotabato
Muling nanawagan si Senator Loren Legarda ng mas mahigpit na pag-iingat sa mga armas at mas malinaw na pananagutan ng mga may-ari nito matapos ang panibagong insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato.
Nangyari ang insidente noong Setyembre 18, wala pang isang buwan matapos ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University at wala pang tatlong buwan mula nang magkaroon din ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
“Hindi maaaring sa bawat pamamaril ay mag-iimbestiga tayo, magluluksa, at pagkatapos ay maghihintay na naman hanggang sa may panibagong paaralang tamaan. Tacloban, Zamboanga, at ngayon South Cotabato. May malinaw nang babala na may mga kahinaan sa ating sistema na kailangang ayusi ng agaran,” pahayag ni Legarda.
Inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 2472 upang palakasin ang Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa pamamagitan ng pagtatakda ng mas malinaw at mas komprehensibong pamantayan sa responsibilidad at pananagutan ng mga may-ari at lisensiyadong humahawak ng armas sa wastong pag-iingat, pagtatago, at pagkontrol sa mga ito.
Lalong naging mahalaga ang panukala kasunod ng tatlong insidente ng pamamaril sa mga paaralan. Sa insidente sa Tacloban noong Hunyo 22, iniulat na isang service firearm na inisyu ng Philippine National Police ang nakuha ng menor de edad na kamag-anak ng opisyal na responsable rito. Sa Zamboanga naman noong Agosto 18, sangkot ang isang armas na inisyu sa isang tauhan ng Bureau of Customs na ama ng menor de edad na sangkot sa insidente. Noong Setyembre 18, isa na namang pamamaril ang naganap sa Banga National High School sa South Cotabato. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga pangyayari sa pinakahuling insidente.
Binigyang-diin ni Legarda na hindi dapat matapos ang imbestigasyon sa pagtukoy lamang kung sino ang namaril. Dapat ding alamin kung paano naging accessible ang armas sa unang pagkakataon.
“HIndi sapat na malaman lamang kung sino ang namaril. Kailangan nating malaman kung paano nakuha ang baril, paano ito naipasok sa paaralan, kung may mga babalang hindi napansin o hindi naaksyunan, at kung may taong nagpabaya sa responsibilidad niyang ingatan ang armas na ipinagkatiwala sa kanya,” ani Legarda.
Sa ilalim ng SBN 2472, kailangang nakalagay ang mga armas sa vault, nakakandadong lalagyan, o iba pang ligtas na storage facility kapag wala ang mga ito sa agarang pag-iingat at kontrol ng may-ari. Kung may mga menor de edad na nakatira o regular na naroroon sa bahay, kailangang magpatupad ang may-ari ng mas mahigpit na pag-iingat at tiyaking hindi maaabot ng mga bata ang mga susi, combination, biometric credentials, at iba pang paraan upang mabuksan o makuha ang armas.
“Kung may baril sa bahay, hindi dapat maging kampante sa pagtatabi nito. Hindi sapat na basta ito itago sa drawer, cabinet, o lugar na inaakalang hindi gagalawin. Ang may-ari ng baril ang may responsibilidad na tiyaking hindi ito maabot o magagamit ng bata o sinumang walang pahintulot. Kapag nagpabaya, dapat may malinaw na pananagutan, “ pahayag ni Legarda.
Para naman sa mga armas na inisyu ng pamahalaan, inaatasan ng panukala ang mga ahensiyang nagbibigay ng mga ito na maglaan ng mga vault na sumusunod sa itinakdang pamantayan, dahil inaasahang pinakamataas na antas ng pag-iingat ang dapat ipakita ng mga pampublikong opisyal na pinagkatiwalaan ng armas. Inaatasan din ang mga ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng pisikal na imbentaryo at audit ng kanilang mga armas nang hindi bababa sa isang beses kada anim na buwan.
Paiikliin din ng panukala mula 30 araw tungo sa 24 oras mula sa pagkakatuklas ang panahon para iulat ang mga armas na nawala, ninakaw, o nakuha nang walang pahintulot. Malinaw din nitong ipinagbabawal ang warrantless house-to-house inspections o pagpasok sa pribadong lugar nang walang wastong pahintulot o legal na proseso.
“A missing firearm cannot be treated like an ordinary lost item. Thirty days gives too much time for a weapon to change hands or be used in a crime. Reporting must be prompt so authorities can respond immediately and prevent further harm,” pahayag ni Legarda.
“A firearm carries power over life and death. That is why owning one must carry an equally serious duty of care,” dagdag niya.
Nanawagan din ang four-term Senator para sa mas maayos na school security protocols at agarang mental health at psychosocial intervention para sa mga mag-aaral.
“Kung may batas ngunit hindi naipatutupad nang maayos, dapat managot ang nagpabaya. Kung may kakulangan sa batas, dapat itong punan ng Kongreso. At kung may babalang nakita ngunit hindi naaksyunan, kailangan nating malaman kung bakit. Hindi sapat na malaman lamang kung sino ang namaril. Kailangan nating malaman kung paano natin hinayaang umabot sa puntong may baril na namang nakapasok sa isang paaralan,” pahayag ni Legarda.
Binigyang-diin ni Legarda na tinutugunan ng SBN 2472 ang isang tiyak at maiiwasang panganib sa pamamagitan ng direktang pagpapanagot sa mga may-ari at tagapag-ingat ng armas upang matiyak na hindi ito mapupunta sa mga taong walang pahintulot na gumamit nito, lalo na sa mga menor de edad.
“Hindi natin maibabalik ang mga buhay na nawala. Ngunit may magagawa tayo upang hindi na madagdagan ang mga pamilyang kailangang pagdaanan ito. Pagkatapos ng Tacloban, Zamboanga, at ngayon South Cotabato, hindi na maaaring sabihing hindi natin nakita ang babala,” pagtatapos ni Legarda. (30)
