Legarda Pushes Innovation Offices in SUCs, Advances Higher Education Reform and Green Initiatives at UP BOR Meeting

September 30, 2025

Senator Loren Legarda called for stronger innovation and reform across state universities and colleges (SUCs) as she joined the 1403rd Meeting of the University of the Philippines (UP) Board of Regents (BOR) at Quezon Hall, UP Diliman.

Legarda sits as a member of the UP BOR by virtue of her position as Chair of the Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, a role that places her directly in higher education policymaking and governance.

At the meeting, one of the agenda items was the establishment of the Office of the Vice Chancellor for Innovation and Enterprise Management (OVCIEM) at UP Los Baños, described as a breakthrough in aligning higher education with research translation, community impact, and enterprise development.

“Creating innovation offices is not just about restructuring academic bureaucracy. It shows that our universities are prepared to lead in turning knowledge into solutions that strengthen communities, harness technology, and protect our environment,” Legarda said.

The OVCIEM will bring together research, entrepreneurship, and technology transfer under one coordinated policy. It will help faculty, researchers, and community partners turn academic work into sustainable, income-generating projects while still following conservation laws.

A long-time climate advocate, Legarda stressed the need to combine efforts like agroforestry, smart monitoring, and social enterprises with strong environmental protections. The four-term Senator also underscored the potential of carbon credit revenues for universities managing forest lands.

“Instead of extracting value through activities that degrade the environment, we can also generate earnings by protecting and rehabilitating our forests through the carbon credit mechanism,” Legarda said. “Singapore has already signed carbon credit agreements with Thailand and Vietnam. Negotiations with the Philippines are underway, and we hope to finalize them before our ASEAN chairmanship next year.”

Beyond innovation initiatives, the meeting also took up significant agenda items that shape the direction of UP and its campuses, underscoring how BOR deliberations set policies that impact quality education, institutional development, and national progress.

Legarda recently filed, Senate Bill No. 1427 or the Higher Education Development and Innovation Act of 2025, which is a strategic modernization initiative that shifts higher education from regulatory oversight to a development-driven system. The measure promotes flexible learning pathways, international collaboration, and introduces a typology-based system with differentiated autonomy, allowing high-performing institutions greater freedom to innovate.

“These reforms are not abstract,” Legarda stressed. “They are about building a higher education system that is modern, coherent, and future-ready, capable of serving our people’s needs while addressing with global challenges.”(30)


Legarda isinulong ang Innovation Offices sa SUCs, reporma sa edukasyon

Nanawagan si Senador Loren Legarda ng mas matibay na inobasyon at reporma sa mga state universities and colleges (SUCs) sa kanyang pagdalo sa ika-1403 na pulong ng University of the Philippines (UP) Board of Regents (BOR) sa Quezon Hall, UP Diliman.

Kasapi si Legarda sa UP BOR sa bisa ng kanyang posisyon bilang Chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, isang tungkuling direktang nakaugnay sa paggawa ng polisiya at pamamahala sa sektor ng mataas na edukasyon.

Isa sa mga pangunahing agenda sa pulong ang pagtatatag ng Office of the Vice Chancellor for Innovation and Enterprise Management (OVCIEM) sa UP Los Baños. Tinaguriang makabago ang hakbang na ito sa pag-uugnay ng edukasyon sa pananaliksik, pakinabang sa komunidad, at pag-unlad ng mga negosyo.

“Ang paglikha ng innovation offices ay hindi lamang pagbabago sa istruktura ng akademya. Ipinapakita nito na handa ang ating mga pamantasan na gawing solusyon ang kaalaman, para palakasin ang mga komunidad, gamitin ang teknolohiya, at pangalagaan ang kalikasan,” pahayag ni Legarda.

Ang OVCIEM ay magsasama-sama ng pananaliksik, entrepreneurship, at technology transfer sa ilalim ng isang koordinadong polisiya. Layunin nitong tulungan ang mga guro, mananaliksik, at katuwang sa komunidad na gawing pangkabuhayan at pangmatagalan ang mga akademikong proyekto, habang sumusunod sa mga batas pangkalikasan.

Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng klima, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan ng pagsasanib ng agroforestry, smart monitoring, at social enterprises sa matibay na proteksyong pangkalikasan. Ipinunto rin ng apat na terminong Senador ang potensyal ng kita mula sa carbon credit para sa mga pamantasang nangangasiwa ng kagubatan.

“Sa halip na kumita mula sa mga gawaing nakasisira sa kalikasan, maaari tayong lumikha ng kita sa pamamagitan ng pangangalaga at rehabilitasyon ng ating mga kagubatan gamit ang carbon credit mechanism,” pahayag ni Legarda. “Nakipagkasundo na ang Singapore sa Thailand at Vietnam ukol dito. Kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang Pilipinas, at inaasahan nating mapagtibay ito bago ang ating pag-upo bilang ASEAN chair sa susunod na taon.”

Bukod sa mga inisyatibong pang-inobasyon, tinalakay rin sa pulong ang mahahalagang agenda na humuhubog sa direksyon ng UP at mga kampus nito, patunay kung paanong ang mga deliberasyon ng BOR ay may direktang epekto sa kalidad ng edukasyon, pag-unlad ng institusyon, at progreso ng bansa.

Kamakailan, inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 1427 o ang Higher Education Development and Innovation Act of 2025, isang makabansang inisyatiba para sa modernisasyon ng sektor ng mataas na edukasyon. Layunin ng panukala na ilipat ang sistema mula sa regulasyon tungo sa pag-unlad, isinusulong ang flexible learning pathways, pandaigdigang kolaborasyon, at isang typology-based system na may differentiated autonomy, kung saan binibigyan ng mas malawak na kalayaan ang mga institusyong may mataas na performance upang makapag-inobasyon.

“Hindi ito mga abstraktong reporma,” diin ni Legarda. “Ito ay tungkol sa pagbuo ng isang sistemang pang-edukasyon na moderno, magkakaugnay, at handa sa hinaharap, isang sistemang tunay na nakatutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan habang humaharap sa mga pandaigdigang hamon.”