Legarda pushes free master’s tuition, merit and accountability reforms for 2.25M government workers

September 8, 2026

With more than 2.25 million personnel keeping government services running across the country, Senator Loren Legarda called for greater investment in the skills of civil servants and stronger systems that reward performance, measure results, and hold public institutions accountable.

As the country marks the 126th Philippine Civil Service Anniversary this September, Legarda said recognition for government workers should be matched by policies that give them better opportunities to improve their skills and make it easier for competent and ethical employees to perform their jobs well.

“Kapag maayos ang trabaho ng isang kawani, ramdam iyan ng tao. Mas mabilis ang transaksyon, mas maayos ang serbisyo, mas malinaw ang sagot ng ahensya, at mas napapakinabangan ang pondo ng bayan. Kaya kung mataas ang pamantayang hinihingi natin sa mga lingkod-bayan, dapat seryoso rin ang gobyerno sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong humusay,” Legarda said.

The Civil Service Commission reported 2,256,693 career and non-career government personnel as of June 2026. This year’s anniversary carries the theme “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”

Legarda, who chairs the Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, has filed measures addressing professional development, merit-based performance, government accountability, and access to public information. Among these is Senate Bill No. 2099, or the Government Employees Free Master’s Degree Tuition Act, which seeks to provide free tuition in state universities and colleges for government employees pursuing master’s degrees. She also filed Senate Bill No. 513, or the Bagong Dugong Lingkod Bayan Act, which seeks to establish a National Public Service College tasked with developing competent and ethical government leaders.

“Maraming kawani ang gustong mag-aral pa at palawakin ang kanilang kakayahan, pero may gastos na kaakibat ang graduate education. Kung ang kaalamang makukuha nila ay magagamit sa paggawa ng mas mahusay na polisiya at serbisyo, dapat lang mamuhunan ang gobyerno sa kanilang pag-aaral,” Legarda said.

Legarda is also pushing for reforms in how government performance is evaluated. Senate Bill No. 1850 seeks to establish and institutionalize a performance measurement system that promotes meritocracy in government. Senate Bill No. 515, or the National Results-Based Governance Act, seeks to strengthen monitoring, evaluation, and the use of evidence across government programs and projects.

“Dapat may saysay ang performance evaluation. Kung mahusay ang trabaho, dapat kinikilala. Kung may programa namang hindi gumagana, dapat makita agad, maitama, at hindi patuloy na pondohan dahil nakasanayan na. Public funds should follow programs that actually work,” Legarda said.

She stressed that measuring performance also requires access to reliable information and stronger safeguards against corruption.

Legarda filed Senate Bill No. 523, or the Tapat na Paglilingkod Act, which seeks to institutionalize a national anti-corruption mainstreaming agenda and strengthen integrity and accountability mechanisms throughout government. Her Senate Bill No. 304, or the Open Government Data Act, meanwhile seeks to require the proactive and regular publication of policy- and operations-relevant government data.

Legarda said these measures reflect the kind of civil service reform she intends to pursue as committee chair, with professional development matched by merit, measurable performance, transparency, and accountability.

“Kahit gaano kaganda ang isang polisiya, kung mahina ang sistema ng pagpapatupad, hindi ito mararamdaman ng tao. Kaya ang pagpapalakas sa ating mga kawani at sa mga institusyong kanilang pinaglilingkuran ay mahalaga upang ang bawat batas, programa, at pondong inilaan ng pamahalaan ay mauwi sa serbisyong tunay na napapakinabangan ng sambayanan,” Legarda concluded. (30)

—————————————————————————-

Legarda isinusulong ang libreng matrikula sa master’s degree, merit-based system at mas matibay na pananagutan para sa 2.25M kawani ng gobyerno

Sa mahigit 2.25 milyong kawani na nagpapatakbo ng mga serbisyo ng pamahalaan sa buong bansa, nanawagan si Senator Loren Legarda ng mas malaking pamumuhunan sa kakayahan ng mga lingkod-bayan at mas matibay na mga sistemang kumikilala sa mahusay na trabaho, sumusukat sa resulta, at nagpapanagot sa mga institusyon ng pamahalaan.

Habang ipinagdiriwang ng bansa ngayong Setyembre ang ika-126 na anibersaryo ng Philippine Civil Service, ipinahayag ni Legarda na ang pagkilala sa mga kawani ng gobyerno ay dapat sabayan ng mga polisiyang nagbibigay sa kanila ng mas maraming pagkakataong paunlarin ang kanilang kakayahan at gawing mas madali para sa mahuhusay at tapat na kawani na magampanan nang maayos ang kanilang trabaho.

“Kapag maayos ang trabaho ng isang kawani, ramdam iyan ng tao. Mas mabilis ang transaksyon, mas maayos ang serbisyo, mas malinaw ang sagot ng ahensya, at mas napapakinabangan ang pondo ng bayan. Kaya kung mataas ang pamantayang hinihingi natin sa mga lingkod-bayan, dapat seryoso rin ang gobyerno sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong humusay,” ipinahayag ni Legarda.

Ayon sa Civil Service Commission, may 2,256,693 career at non-career government personnel noong Hunyo 2026. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”

Si Legarda, na chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, ay naghain ng mga panukalang nakatuon sa propesyonal na pag-unlad, sistemang nakabatay sa husay at performance, pananagutan sa pamahalaan, at mas malawak na access sa pampublikong impormasyon.

Kabilang dito ang Senate Bill No. 2099, o ang Government Employees Free Master’s Degree Tuition Act, na naglalayong magbigay ng libreng matrikula sa mga state universities and colleges para sa mga kawani ng gobyernong kumukuha ng master’s degree. Inihain din niya ang Senate Bill No. 513, o ang Bagong Dugong Lingkod Bayan Act, na naglalayong magtatag ng National Public Service College na mangunguna sa paglinang ng mahuhusay at tapat na mga pinuno sa pamahalaan.

“Maraming kawani ang gustong mag-aral pa at palawakin ang kanilang kakayahan, pero may gastos na kaakibat ang graduate education. Kung ang kaalamang makukuha nila ay magagamit sa paggawa ng mas mahusay na polisiya at serbisyo, dapat lang mamuhunan ang gobyerno sa kanilang pag-aaral,” ipinahayag ni Legarda.

Isinusulong din ni Legarda ang mga reporma sa paraan ng pagsusuri sa performance ng pamahalaan. Layunin ng Senate Bill No. 1850 na magtatag at gawing bahagi ng sistema ng gobyerno ang isang performance measurement system na nagtataguyod ng meritocracy. Samantala, layunin ng Senate Bill No. 515, o ang National Results-Based Governance Act, na palakasin ang monitoring, evaluation, at paggamit ng ebidensya sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

“Dapat may saysay ang performance evaluation. Kung mahusay ang trabaho, dapat kinikilala. Kung may programa namang hindi gumagana, dapat makita agad, maitama, at hindi patuloy na pondohan dahil nakasanayan na. Public funds should follow programs that actually work,” ipinahayag ni Legarda.

Binigyang-diin niya na ang maayos na pagsukat sa performance ay nangangailangan din ng access sa maaasahang impormasyon at mas matibay na mga pananggalang laban sa korapsyon.

Inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 523, o ang Tapat na Paglilingkod Act, na naglalayong gawing bahagi ng sistema ng pamahalaan ang isang pambansang anti-corruption mainstreaming agenda at palakasin ang mga mekanismo para sa integridad at pananagutan sa buong gobyerno. Samantala, layunin ng kanyang Senate Bill No. 304, o ang Open Government Data Act, na obligahin ang mga ahensya na regular at kusang maglabas ng mga datos ng pamahalaan na mahalaga sa paggawa ng polisiya at sa kanilang operasyon.

Ipinahayag ni Legarda na ipinapakita ng mga panukalang ito ang uri ng reporma sa civil service na nais niyang isulong bilang chairperson ng komite, kung saan ang propesyonal na pag-unlad ay sinasabayan ng merit, nasusukat na performance, transparency, at accountability.

“Kahit gaano kaganda ang isang polisiya, kung mahina ang sistema ng pagpapatupad, hindi ito mararamdaman ng tao. Kaya ang pagpapalakas sa ating mga kawani at sa mga institusyong kanilang pinaglilingkuran ay mahalaga upang ang bawat batas, programa, at pondong inilaan ng pamahalaan ay mauwi sa serbisyong tunay na napapakinabangan ng sambayanan,” pagtatapos ni Legarda. (30)