Legarda Pushes for Wider Access to Constitution Through Translation into Philippine Languages

November 13, 2026

Senator Loren Legarda is pushing for the passage of Senate Bill No. 2600, or the proposed Constitutional Translation and Access Act, to make the 1987 Constitution more accessible to Filipinos by ensuring that they can read and understand it in languages familiar to them.

The Constitution itself provides for its promulgation in Filipino and English and its translation into major regional languages, Arabic, and Spanish. Senate Bill No. 2600 seeks to establish a clearer framework for completing outstanding translations while making existing versions more widely available to the public.

“Ang Saligang Batas ay para sa lahat, mayaman man o mahirap, bihasa man sa Ingles o hindi. Dito nakasaad ang ating mga karapatan, mga patakaran ng Estado, mga tungkulin ng pamahalaan, at ang hangganan ng kapangyarihan nito. Paano natin maipagtatanggol ang ating mga karapatan at malalaman kung ginagampanan ng pamahalaan ang mga tungkulin nito kung hindi natin nauunawaan ang Saligang Batas?” Legarda said.

Under the proposed measure, the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) will lead an assessment of existing translations and develop a plan to complete the remaining work. The measure provides for the use of available translations while directing the KWF to identify major regional languages and other languages that may be included in the translation program.

The bill also seeks to ensure that translated versions of the Constitution are made available free of charge through official government websites, with wider distribution of printed copies in public libraries. These translations may also serve as supplementary reading materials in schools, in coordination with the Department of Education (DepEd) and the Commission on Higher Education (CHED), to help students better understand the country’s fundamental law.

Legarda has long supported efforts to preserve and promote Filipino and indigenous languages as part of the country’s cultural heritage and identity. During the 16th and 17th Congresses, she filed similar measures seeking to translate the Constitution into languages more widely understood by Filipinos. She has also supported language preservation initiatives, including Bantayog-Wika and the Atlas and Maps of Philippine Languages.

“Ang ating mga wika ay bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa paglalapit ng Saligang Batas sa mga wikang nauunawaan ng ating mga kababayan, mas nabibigyan natin sila ng pagkakataong makilahok at manindigan bilang mamamayan. Walang dapat maiwan sa pag-unawa sa ating Saligang Batas,” Legarda emphasized. (30)

– – – – – – – –

Legarda, Isinusulong ang Pagsasalin at Mas Malawak na Pagpapalaganap ng Saligang Batas

Isinusulong ni Senador Loren Legarda ang Senate Bill No. 2600, o ang panukalang Constitutional Translation and Access Act, upang mas maraming Pilipino ang makabasa at makaunawa sa 1987 Saligang Batas sa mga wikang pamilyar sa kanila.

Nakasaad sa Saligang Batas ang pagpapahayag nito sa Filipino at Ingles at ang pagsasalin sa mga pangunahing wikang rehiyonal, Arabe, at Espanyol. Layunin ng Senate Bill No. 2600 na magkaroon ng malinaw na plano para sa mga saling hindi pa natatapos at mas maraming paraan upang maabot ng publiko ang mga saling mayroon na.

“Ang Saligang Batas ay para sa lahat, mayaman man o mahirap, bihasa man sa Ingles o hindi. Dito nakasaad ang ating mga karapatan, mga patakaran ng Estado, mga tungkulin ng pamahalaan, at ang hangganan ng kapangyarihan nito. Paano natin maipagtatanggol ang ating mga karapatan at malalaman kung ginagampanan ng pamahalaan ang mga tungkulin nito kung hindi natin nauunawaan ang Saligang Batas?” pahayag ni Legarda.

Sa ilalim ng panukala, pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagtukoy sa mga naisagawa nang pagsasalin at pagbuo ng plano para sa mga natitirang gawain. Gagamitin ang mga umiiral nang salin, habang tutukuyin ng KWF ang mga pangunahing wikang rehiyonal at iba pang wikang maaaring isama sa pagsasalin.

Layunin din ng panukala na maibigay nang libre sa publiko ang mga salin ng Saligang Batas sa mga opisyal na website ng pamahalaan, at mapalawak ang pagkakaroon ng mga kopya nito sa mga pampublikong aklatan. Maaari ring gamitin ang mga salin bilang karagdagang babasahin sa mga paaralan sa tulong ng DepEd at CHED upang mas maraming mag-aaral ang makaunawa sa Saligang Batas.

Matagal nang isinusulong ni Legarda ang paggamit at pagpapayaman ng wikang Filipino at mga katutubong wika bilang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan. Noong ika-16 at ika-17 Kongreso, naghain na rin siya ng mga panukala para sa pagsasalin ng Saligang Batas. Kabilang din sa kanyang mga sinuportahang inisyatiba ang Bantayog-Wika at ang Atlas at Mapa ng mga Wika ng Pilipinas.

“Ang ating mga wika ay bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa paglalapit ng Saligang Batas sa mga wikang nauunawaan ng ating mga kababayan, mas nabibigyan natin sila ng pagkakataong makilahok at manindigan bilang mamamayan. Walang dapat maiwan sa pag-unawa sa ating Saligang Batas,” diin ni Legarda. (30)