Legarda pushes for more public parks within reach of Filipino communities
November 12, 2026Senator Loren Legarda is calling for more accessible public parks and green open spaces, particularly in underserved communities where children have limited places to play, residents to exercise, and neighbors to gather. Where such spaces are scarce, shopping malls and privately managed establishments often become alternatives for recreation and social interaction.
According to the Philippine Statistics Authority’s 2020 Census of Population and Housing, only 10,191 of the country’s 42,046 barangays, or 24.24 percent, reported having a public plaza or park for recreation. These figures, however, do not establish whether residents can conveniently reach and use such spaces.
The importance of providing opportunities for recreation and exercise is further underscored by a recent World Health Organization (WHO) study, which ranked the Philippines seventh globally in adolescent physical inactivity. The study found that 40.32 percent of Filipino adolescents aged 11 to 17 did not achieve at least 60 minutes of moderate-to-vigorous physical activity on any day in the previous week, highlighting the value of safe and accessible spaces where young people can be active.
Recognizing the need for more public parks and green spaces, Legarda filed Senate Bill No. 516, or the proposed National Parks Act of 2025, which seeks to establish a Philippine National Public Parks System and strengthen park development, accessibility, and management nationwide.
Complementing this legislative effort, Legarda’s proposed Senate Resolution No. 766 seeks an inquiry into the availability and accessibility of public parks, as well as practical measures to develop more green spaces in underserved communities. Its findings may help identify policy gaps and inform further legislative reforms, including those relevant to the proposed National Parks Act.
“Ang mga parke ay mahalagang bahagi ng ating mga komunidad. Dito nakakapaglaro at nagiging aktibo ang mga bata, nakakapaglakad ang mga nakatatanda, at nagkakaroon ng lugar ang mga pamilya para magsama-sama. Dapat ligtas, malapit, at bukas ang mga espasyong ito para sa ating mga mamamayan,” Legarda said.
The proposed resolution seeks to examine restrictions that may prevent residents from enjoying public parks, including entrance fees, limited operating hours, unsafe access routes, and inadequate maintenance. Addressing these barriers could also provide more opportunities for outdoor recreation and physical activity.
It also explores ways to establish more green spaces through the use of idle government properties, the protection of open spaces reserved in residential subdivisions, and possible local land-allocation standards. Lawful land acquisition options would likewise be studied, taking into account available resources and property rights.
Legarda emphasized the need to examine how existing policies are being implemented, particularly Joint Administrative Order No. 2023-0001, which provides guidelines for the creation, use, and management of public parks and open spaces, alongside government initiatives such as the Green Green Green Program.
“Sa pagpaplano ng ating mga lungsod at bayan, dapat may puwang para sa kalikasan at sa mga taong naninirahan dito. Mahalaga na kasabay ng pag-unlad ay may mga parke at luntiang espasyo kung saan maaaring maglaro, mag-ehersisyo, at magsama-sama ang bawat komunidad,” Legarda concluded.
– – – – – – – – – –
Legarda, isinusulong ang mas maraming pampublikong parke na abot-kamay ng mga Pilipino
Nanawagan si Senator Loren Legarda na maglaan ng mas maraming pampublikong parke at luntiang espasyo, lalo na sa mga komunidad na kulang sa ligtas at malapit na lugar para sa paglalaro ng mga bata, pag-eehersisyo, at pagtitipon ng mga residente.
Ayon kay Legarda, sa kakulangan ng mga ganitong lugar, napipilitan ang maraming Pilipino na pumunta sa mga mall at iba pang pribadong establisimyento para makapaglibang at makapagsama-sama.
Batay sa 2020 Census of Population and Housing ng Philippine Statistics Authority (PSA), 10,191 lamang sa 42,046 barangay sa bansa, o 24.24 porsiyento, ang nag-ulat na may pampublikong plaza o parke para sa libangan. Gayunman, hindi pa ipinapakita ng datos kung gaano kalapit o kadaling puntahan at gamitin ng mga residente ang mga ito.
Lalo pang binibigyang-diin ang pangangailangan sa mga parke ng isang pag-aaral ng World Health Organization (WHO), kung saan pumuwesto ang Pilipinas sa ikapito sa buong mundo pagdating sa kakulangan ng pisikal na aktibidad ng mga kabataan. Natuklasan sa pag-aaral na 40.32 porsiyento ng mga Pilipinong edad 11 hanggang 17 ang hindi nakapagsagawa ng kahit 60 minutong katamtaman hanggang matinding pisikal na aktibidad sa alinmang araw ng nakaraang linggo.
Upang matugunan ito, inihain ni Legarda ang **Senate Bill No. 516, o ang panukalang National Parks Act of 2025**, na naglalayong magtatag ng Philippine National Public Parks System at palakasin ang pagpapaunlad, pamamahala, at akses sa mga pampublikong parke sa buong bansa.
Inihain din ng senador ang **Proposed Senate Resolution No. 766** upang siyasatin kung sapat at madaling mapuntahan ang mga kasalukuyang parke, at kung paano makapagtatayo ng mas maraming luntiang espasyo sa mga komunidad na higit na nangangailangan nito. Ang magiging resulta ng pag-aaral ay maaari ring maging batayan ng mga karagdagang reporma sa batas, kabilang ang panukalang National Parks Act.
“Ang mga parke ay mahalagang bahagi ng ating mga komunidad. Dito nakakapaglaro at nagiging aktibo ang mga bata, nakakapaglakad ang mga nakatatanda, at nagkakaroon ng lugar ang mga pamilya para magsama-sama. Dapat ligtas, malapit, at bukas ang mga espasyong ito para sa ating mga mamamayan,” ayon kay Legarda.
Kabilang sa nais suriin ng senador ang mga hadlang sa paggamit ng mga parke, gaya ng entrance fee, limitadong oras ng pagbubukas, hindi ligtas na mga daanan, at kakulangan sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga pasilidad.
Nais din niyang pag-aralan ang posibilidad na gawing parke ang mga hindi nagagamit na ari-arian ng pamahalaan, pangalagaan ang mga open space na nakalaan sa mga residential subdivision, at magtakda ng mga pamantayan sa paglalaan ng lupa para sa mga pampublikong parke. Kabilang din sa susuriin ang mga legal na paraan ng pagkuha ng lupa, na isinasaalang-alang ang magagamit na pondo at mga karapatan ng may-ari.
Binigyang-diin din ni Legarda ang pangangailangang suriin kung maayos na naipatutupad ang mga kasalukuyang patakaran, partikular ang Joint Administrative Order No. 2023-0001, na nagtatakda ng mga alituntunin sa pagtatayo, paggamit, at pamamahala ng mga pampublikong parke at open space, gayundin ang mga programa ng pamahalaan tulad ng Green Green Green Program.
“Sa pagpaplano ng ating mga lungsod at bayan, dapat may puwang para sa kalikasan at sa mga taong naninirahan dito. Mahalaga na kasabay ng pag-unlad ay may mga parke at luntiang espasyo kung saan maaaring maglaro, mag-ehersisyo, at magsama-sama ang bawat komunidad,” pagtatapos ni Legarda.
