Legarda pushes for action on Triple Planetary Crisis as 2025 begins

January 3, 2025

Legarda pushes for action on Triple Planetary Crisis as 2025 begins

PASAY CITY – Senator Loren Legarda calls for concerted and decisive action to tackle the mounting environmental crises facing the Philippines as the new year begins. As part of her 2025 agenda, Legarda reaffirms her long-standing commitment to addressing the Triple Planetary Crisis (TPC), a term encompassing the interconnected environmental challenges of climate change, pollution, and biodiversity loss.

According to Legarda, these crises are deeply interwoven, with each issue worsening the others—climate change accelerates biodiversity loss, pollution harms ecosystems, and the destruction of natural habitats diminishes the planet’s ability to absorb carbon emissions.

Legarda, a staunch advocate for environmental protection, emphasized that the TPC is not a future threat, but a present reality that demands urgent attention. The UNDRR Global Champion for Resilience and Climate Vulnerable Forum Ambassador for Parliaments has repeatedly raised the issue of TPC in her speeches, noting that the interlinkage between climate change, pollution, and biodiversity loss creates a vicious cycle that is particularly devastating for developing countries like the Philippines.

“As we enter 2025, and as I have said before on numerous environmental discussions before, we must recognize that the triple planetary crisis—climate change, pollution, and the loss of biodiversity—is no longer an abstract concern. It is happening now, and it is deeply interconnected with our daily lives and future prospects,” she said.

In particular, Legarda pointed to the alarming levels of plastic pollution in the Philippines, where each Filipino consumes an average of 20 kilograms of plastic annually. Of that, 15.4 kilograms ends up as waste, making the country the leading contributor to ocean plastic waste globally, accounting for a staggering 36% of the total pollution. The country’s poor waste management infrastructure exacerbates the issue, as seen in the increasing amount of hazardous waste produced—over 253,000 tons in 2022 alone. Further, in Metro Manila, over 80% of wastewater is discharged untreated, contributing to widespread health and environmental risks. These are just a few of the stark realities that Legarda believes must be addressed with greater urgency.

In addition, the senator also highlighted the Philippines’ persistent struggle with air pollution. The country ranked 79th out of 134 nations in air quality in 2023.

“The effects of pollution and climate change are visible across the country. From intensified typhoons and flooding in Metro Manila to prolonged droughts in the provinces, these are not isolated incidents, but consequences of our environmental degradation,” she warned. She further stressed the need for comprehensive policy changes that not only address these crises individually but also recognize their interconnected nature.

According to the Convention on Biological Diversity, the Philippines is recognized as one of the world’s 18 mega-biodiverse countries, harboring a significant portion of the planet’s biodiversity. It is home to approximately two-thirds of Earth’s species and about 70% to 80% of global plant and animal varieties. Notably, the country ranks fifth in terms of plant species diversity and accounts for 5% of the world’s flora, highlighting its critical role in global biodiversity conservation.

“Addressing the triple planetary crisis is not an easy task—it is complicated and requires a whole-of-society approach. But it is a challenge that we must take on if we want a sustainable future for the generations to come,” Legarda stressed. She called for stronger collaboration between the government, businesses, and communities, urging Filipinos to be proactive in protecting their environment.

Legarda emphasized that while there are existing laws, more must be done at the national level to strengthen climate resilience and promote sustainability.

“As we welcome 2025, we must resolve to make this year a turning point. The challenges of the triple planetary crisis are immense, but so too is our capacity to make a difference,” Legarda concluded. She urged her fellow Filipinos to work together and take concrete steps toward environmental stewardship, stressing that the future of the planet—and the survival of future generations—rests on their shoulders. (30)

————

Legarda, nanawagan ng sama-samang aksyon laban sa Triple Planetary Crisis sa pagpasok ng 2025

PASAY CITY – Nanawagan si Senator Loren Legarda ng agaran at sama-samang aksyon upang tugunan ang lumalalang mga krisis pangkalikasan na kinahaharap ng Pilipinas ngayong pagsisimula ng taon. Kabilang sa kanyang 2025 agenda, muling pinagtibay ni Legarda ang kanyang matagal nang adbokasiya laban sa Triple Planetary Crisis (TPC), o ang konektadong mga isyu ng Climate Change, polusyon, at pagkasira ng biodiversity sa bansa.

Ayon kay Legarda, ang tatlong krisis na ito ay magkasabay at magkakaugnay—ang climate change ay nagpapabilis ng pagsira ng biodiversity, habang ang polusyon naman ay sumisira sa ecosystems. Dahil naman sa pagkasira ng mga natural habitat ng mga halaman at hayop ay bumababa ng kakayahan ng kalikasan na tumanggap ng carbon emissions na sya namang nagpapalala sa climate change.

Bilang isa sa mga pangunahing tagasulong ng environment protection sa bansa, iginiit ni Legarda na ang TPC ay isang kasalukuyang realidad na nangangailangan ng agarang aksyon.

“Ngayong 2025, at tulad ng madalas kong sabihin mula noon, kailangan na nating tanggapin na ang triple planetary crisis— o ang pagbabago ng klima, polusyon, at pagkawala ng biodiversity— ay problemang malapit sa ating sikmura. Ito ay nangyayari ngayon, sa ating pang araw-araw na buhay, at ito ay lubhang makakaapekto rin sa ating kinabukasan,” ani Legarda.

Binigyang pansin din ni Legarda ang nakababahalang antas ng polusyon sa plastik sa Pilipinas, kung saan ang bawat Pilipino ay gumagamit ng tinatayang 20 kilo ng plastik taon-taon kung saan 15.4 kilo ay nagiging basura. Kabilang din ang Pilipinas sa mga bansang nangungunang kontributor ng polusyon sa dagat, kung saan 36% ng kabuuang basura sa mga karagatan ay nagmumula rito. Higit sa 253,000 tonelada naman ng hazardous waste ang na-produce ng bansa noong 2022. Sa Metro Manila, mahigit 80% naman ng wastewater ang hindi sumasailalim sa treatment, at ito ay nagdudulot ng malawakang panganib sa kalusugan at kalikasan. Ang mga problemang ito ay ilan lamang sa mga kailangang agarang solusyunan ng bansa sa mas mabilis na paraan, ayon kay Legarda.

Dagdag pa ni Legarda, nakababahala din ang patuloy na problema ng polusyon sa hangin kung saan naitala ang Pilipinas sa ika-79 na puwesto sa air-quality noong 2023, kung saan 134 na bansa ang kabilang.

“Ang epekto ng polusyon at pagbabago ng klima ay kitang-kita na sa buong bansa. Mula sa malalakas na bagyo at pagbaha sa Metro Manila, hanggang sa mga matagal na tagtuyot sa mga probinsya, hindi ito mga isolated na insidente kundi mga resulta ng pagkasira ng kalikasan,” babala ni Legarda.

Hinikayat din ng senador ang pangangailangan sa mas malalalim na pagbabago sa polisiya na tututok sa climate change, polusyon, at biodiversity bilang magkakaugnay na isyu.

Ayon sa Convention on Biological Diversity, kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa 18 mega-biodiverse countries sa mundo, na may malaking bahagi ng biodiversity ng planeta. Nasa bansa ang halos two-thirds ng mga species sa mundo at 70% hanggang 80% ng mga halaman at hayop sa buong mundo. Ang bansa ay ika-lima naman sa pagkaka-diversify ng mga species ng halaman at may 5% ng flora ng mundo, kaya’t may malaking papel ang Pilipinas sa global na konserbasyon ng biodiversity.

“Ang pagharap sa triple planetary crisis ay hindi madali—ito ay lubhang napakakumplikado at nangangailangan ng sama-samang aksyon mula sa lahat ng sektor ng lipunan. Ngunit ito ay isang hamon na kailangan nating tanggapin kung nais nating magkaroon ng sustainable future ang ating mga susunod na henerasyon,” ani Legarda.

Nanawagan ang senador ng mas malakas na kooperasyon sa pagitan ng gobyerno, private sector, civil society organizations, mga lokalidad, at hinikayat ang mga Pilipino na maging aktibo sa pagprotekta sa kalikasan.

Ayon kay Legarda, bagamat may mga umiiral na batas, kinakailangan pa ng higit na aksyon sa pambansang antas upang mapalakas ang climate resilience at magsulong ng sustainability sa bansa.

“Habang tayo ay bumabati para sa pagpasok ng 2025, kailangan nating ituring na turning point ang taong ito. Malaki ang hamon ng triple planetary crisis, ngunit ganun din ang ating kakayahan na magbago,” ayon kay Legarda.

Sa huli, hinikayat niya ang publiko na magkaisa at gumawa ng konkretong hakbang patungo sa pangangalaga ng kalikasan at sa kaligtasan ng mga susunod na henerasyon. (30)