Legarda: Protect indigenous culture and knowledge, start with respect

October 2, 2026

As the country observes National Indigenous Peoples Month this October, Senator Loren Legarda called for stronger protection of Indigenous Peoples’ culture and traditional knowledge, stressing that growing appreciation for Indigenous clothing, weaving, music, rituals, and other cultural expressions must be accompanied by respect for the communities that created and continue to preserve them.

“Magandang makita na mas maraming Pilipino ang humahanga sa ating mga habi, sining, kuwento, tradisyon, at kaalamang katutubo. Kasabay ng paghanga, mahalagang itanong kung kinikilala ba natin ang mga taong pinagmulan nito, kung may pahintulot ba sila, at kung sila rin ba ang nakikinabang,” Legarda said.

National Indigenous Peoples Month is observed every October pursuant to Presidential Proclamation No. 1906, Series of 2009. According to the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), the Philippines is home to 113 Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples, reflecting the diversity of cultures, knowledge systems, and ways of life across the country.

As Chairperson of the Senate Committee on Culture and the Arts, Legarda has spent nearly three decades advancing cultural preservation and the rights and welfare of Indigenous Peoples. Her work has included support for traditional weaving, cultural masters, and initiatives that bring Indigenous knowledge and artistry to wider public attention.

“Sa halos tatlong dekada kong pakikipag-ugnayan sa ating mga katutubong pamayanan, paulit-ulit kong nakita na ang kultura ay buhay dahil may mga taong nag-iingat nito. Kasama sa paggalang sa kanilang kultura ang pagprotekta sa kanilang karapatan, kabuhayan, kaalaman, at boses sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa kanila,” Legarda said.

Legarda has carried this advocacy into law. She is Author and Co-sponsor of Republic Act No. 10066, or the National Cultural Heritage Act, which strengthened the protection and conservation of the country’s cultural heritage. She is also Author and Principal Sponsor of Republic Act No. 11961, or the Cultural Mapping Law, which strengthened cultural mapping and heritage education to help communities identify, document, and safeguard their heritage.

She also authored Republic Act No. 10908, or the Integrated History Act, which mandates the inclusion of Filipino Muslim and Indigenous Peoples’ history, culture, and identity in the study of Philippine history. Legarda was likewise Principal Sponsor of Republic Act No. 10689, which declared August 9 as National Indigenous Peoples Day.

“May mga pamana tayong nakikita at nahahawakan, pero marami rin ang nasa wika, alaala, awit, ritwal, paghahabi, pagtatanim, at pangangalaga sa kalikasan. Buhay ang mga ito dahil may mga taong patuloy na nagsasalin ng kaalaman mula sa isang henerasyon patungo sa susunod,” she said.

Her advocacy has also linked cultural preservation with livelihood. Legarda is Principal Author and Co-sponsor of Republic Act No. 9242, or the Philippine Tropical Fabrics Law, which promotes the use of Philippine tropical fabrics and supports the development of the local textile and fiber sector.

Beyond legislation, Legarda conceptualized the National Arts and Crafts Fair (NACF) in 2016 as a platform to bring Filipino craftsmanship, Indigenous arts, traditional textiles, and cultural products to wider markets.

“Sa likod ng bawat habi at likhang-kamay ay may taong gumagawa, pamilyang umaasa rito, at kaalamang matagal nang ipinapasa. Kapag pinahahalagahan natin ang produkto, dapat kasama sa pagpapahalaga ang mga taong lumikha at nagpanatili ng tradisyong iyon,” Legarda said.

For Legarda, this is where the distinction between appreciation and exploitation becomes clearer. Appreciation recognizes where a tradition comes from and creates space for the community behind it to participate and benefit. Exploitation begins when Indigenous designs, practices, or knowledge are used, copied, or commercialized while the communities that preserved them are left without recognition, consent, or fair benefit.

“Kapag may ibang nakikinabang sa isang kultura habang naiiwan ang pamayanang nagpanatili nito, may kailangang itama. Ang tunay na pagpapahalaga ay may pagkilala sa pinagmulan, may pahintulot, at may patas na pakinabang para sa mga taong nagdala ng kaalamang iyon sa loob ng maraming salinlahi,” Legarda said.

Building on her enacted cultural laws, Legarda filed Senate Bill No. 1253, or the proposed Traditional Property Rights of Indigenous Peoples Act. The measure seeks to recognize the collective ownership of Indigenous Peoples over their traditional cultural expressions, knowledge, and practices, establish a system for their protection and management, require Free, Prior and Informed Consent, and penalize unauthorized use.

“Kapag ang kaalamang minana sa mga ninuno ay ginamit para sa produkto, negosyo, pananaliksik, o anumang pagkakakitaan, dapat may malinaw na pahintulot at patas na bahagi ang pamayanang pinagmulan nito. Ang respeto sa kultura ay dapat maramdaman din ng mga taong nagpanatili rito,” she said.

The principle also extends to ancestral domains and natural resources. Legarda has filed Senate Bill No. 311, or the proposed Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, which seeks recognition of community-conserved territories and areas of Indigenous Peoples and cultural communities and their role in conserving ecologically important areas through customary laws and Indigenous knowledge systems.

“Maraming katutubong pamayanan ang matagal nang may sariling paraan ng pangangalaga sa kagubatan, tubig, lupa, at likas-yaman. Ang karanasang naipon nila sa loob ng maraming salinlahi ay mahalagang bahagi ng ating tugon sa pagkawala ng biodiversity at pagbabago ng klima,” Legarda said.

Legarda has likewise long supported Schools of Living Traditions, where cultural masters transmit Indigenous knowledge systems, skills, and practices to younger members of their communities, helping ensure that traditions remain rooted in the people who inherited, practiced, and continue to pass them on.

“Ang kultura ay nananatiling buhay dahil may taong nagtuturo at may batang handang matuto. Doon nagpapatuloy ang isang wika, awit, habi, ritwal, at paraan ng pamumuhay. Kaya mahalagang suportahan ang mismong mga pamayanang nagdadala ng kaalamang ito,” she said.

For Legarda, National Indigenous Peoples Month should invite Filipinos to look beyond the beauty and visibility of Indigenous clothing, crafts, performances, and traditions and ask who owns the knowledge behind them, who decides how they may be used, and who ultimately benefits.

“Ngayong National Indigenous Peoples Month, maaari tayong humanga sa ganda at yaman ng ating mga kulturang katutubo. Mas makabuluhan ang pagdiriwang kapag kasabay nito ang pagkilala sa pinagmulan, paggalang sa pahintulot, suporta sa kabuhayan, at pagtiyak na ang mga pamayanan mismo ang may boses sa kinabukasan ng kanilang kultura,” Legarda said.

“Doon nasasagot kung kailan nagiging exploitation ang appreciation. Kapag nawawala ang pagkilala, pahintulot, patas na pakinabang, at boses ng pamayanang pinagmulan ng kultura, nawawala rin ang tunay na paggalang,” she added. (30)

– – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Legarda: Protektahan ang kultura at kaalamang katutubo, magsimula sa paggalang

Kaugnay ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre, nanawagan si Senador Loren Legarda ng mas matibay na proteksiyon para sa kultura at tradisyunal na kaalaman ng mga Katutubong Pamayanan. Binigyang-diin niya na kasabay ng lumalawak na pagkilala sa katutubong kasuotan, paghahabi, musika, ritwal, at iba pang anyo ng kultura, dapat ding igalang ang mga pamayanang lumikha, nag-ingat, at patuloy na nagpapanatili ng mga ito.

“Magandang makita na mas maraming Pilipino ang humahanga sa ating mga habi, sining, kuwento, tradisyon, at kaalamang katutubo. Kasabay ng paghanga, mahalagang itanong kung kinikilala ba natin ang mga taong pinagmulan nito, kung may pahintulot ba sila, at kung sila rin ba ang nakikinabang,” ani Legarda.

Ipinagdiriwang tuwing Oktubre ang National Indigenous Peoples Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1906, Series of 2009. Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), may 113 Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples sa Pilipinas, na sumasalamin sa lawak at yaman ng iba’t ibang kultura, sistema ng kaalaman, at paraan ng pamumuhay sa bansa.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Culture and the Arts, halos tatlong dekada nang isinusulong ni Legarda ang pangangalaga sa kultura at ang mga karapatan at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanan. Kabilang dito ang pagsuporta sa tradisyunal na paghahabi, mga cultural master, at mga programang nagbibigay ng mas malawak na pagkilala sa katutubong kaalaman at sining.

“Sa halos tatlong dekada kong pakikipag-ugnayan sa ating mga katutubong pamayanan, paulit-ulit kong nakita na ang kultura ay buhay dahil may mga taong nag-iingat nito. Kasama sa paggalang sa kanilang kultura ang pagprotekta sa kanilang karapatan, kabuhayan, kaalaman, at boses sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa kanila,” ani Legarda.

Isinulong din ni Legarda sa pamamagitan ng batas ang adbokasiyang ito. Siya ang Author at Co-sponsor ng Republic Act No. 10066 o National Cultural Heritage Act, na nagpalakas sa pangangalaga at konserbasyon ng mga pamanang kultural ng bansa. Siya rin ang Author at Principal Sponsor ng Republic Act No. 11961 o Cultural Mapping Law, na nagpatibay sa cultural mapping at heritage education upang matulungan ang mga pamayanan na matukoy, maidokumento, at mapangalagaan ang sarili nilang pamana.

Siya rin ang may-akda ng Republic Act No. 10908 o Integrated History Act, na nag-aatas na maisama sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas ang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng mga Pilipinong Muslim at Katutubong Pamayanan. Si Legarda rin ang Principal Sponsor ng Republic Act No. 10689, na nagtakda sa Agosto 9 bilang National Indigenous Peoples Day.

“May mga pamana tayong nakikita at nahahawakan, pero marami rin ang nasa wika, alaala, awit, ritwal, paghahabi, pagtatanim, at pangangalaga sa kalikasan. Buhay ang mga ito dahil may mga taong patuloy na nagsasalin ng kaalaman mula sa isang henerasyon patungo sa susunod,” aniya.

Iniugnay rin ni Legarda ang pangangalaga sa kultura sa kabuhayan. Siya ang Principal Author at Co-sponsor ng Republic Act No. 9242 o Philippine Tropical Fabrics Law, na nagtataguyod sa paggamit ng mga telang gawa sa Philippine tropical fibers at sumusuporta sa pagpapaunlad ng lokal na industriya ng tela at hibla.

Bukod sa mga batas, binuo ni Legarda ang konsepto ng National Arts and Crafts Fair (NACF) noong 2016 bilang plataporma upang mas mailapit sa mas malawak na merkado ang gawang Pilipino, katutubong sining, tradisyunal na tela, at iba pang produktong kultural.

“Sa likod ng bawat habi at likhang-kamay ay may taong gumagawa, pamilyang umaasa rito, at kaalamang matagal nang ipinapasa. Kapag pinahahalagahan natin ang produkto, dapat kasama sa pagpapahalaga ang mga taong lumikha at nagpanatili ng tradisyong iyon,” ani Legarda.

Para kay Legarda, dito mas malinaw ang pagkakaiba ng pagpapahalaga at pagsasamantala. Ang tunay na pagpapahalaga ay kumikilala sa pinagmulan ng isang tradisyon at nagbibigay ng puwang sa pamayanang nag-iingat nito upang makilahok at makinabang. Nagiging pagsasamantala ito kapag ginagamit, kinokopya, o pinagkakakitaan ang mga katutubong disenyo, gawain, o kaalaman nang walang pagkilala, pahintulot, o patas na pakinabang para sa mga pamayanang nagpanatili ng mga ito.

“Kapag may ibang nakikinabang sa isang kultura habang naiiwan ang pamayanang nagpanatili nito, may kailangang itama. Ang tunay na pagpapahalaga ay may pagkilala sa pinagmulan, may pahintulot, at may patas na pakinabang para sa mga taong nagdala ng kaalamang iyon sa loob ng maraming salinlahi,” ani Legarda.

Bilang pagpapatuloy ng mga naipasa niyang batas para sa kultura, inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 1253 o ang panukalang Traditional Property Rights of Indigenous Peoples Act. Layunin nitong kilalanin ang kolektibong pagmamay-ari ng mga Katutubong Pamayanan sa kanilang tradisyunal na pagpapahayag ng kultura, kaalaman, at mga nakagawiang praktis; magtatag ng sistema para sa kanilang proteksiyon at pamamahala; at tiyaking kailangan ang Free, Prior and Informed Consent o FPIC bago gamitin ang mga ito. Nagtatakda rin ang panukala ng mga parusa sa hindi awtorisadong paggamit.

“Kapag ang kaalamang minana sa mga ninuno ay ginamit para sa produkto, negosyo, pananaliksik, o anumang pagkakakitaan, dapat may malinaw na pahintulot at patas na bahagi ang pamayanang pinagmulan nito. Ang respeto sa kultura ay dapat maramdaman din ng mga taong nagpanatili rito,” aniya.

Saklaw din ng prinsipyong ito ang mga lupaing ninuno at likas-yaman. Inihain din ni Legarda ang Senate Bill No. 311 o ang panukalang Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, na naglalayong kilalanin ang mga teritoryo at lugar na pinangangalagaan ng mga Katutubong Pamayanan at cultural communities, gayundin ang mahalagang papel nila sa pangangalaga sa mga lugar na may mataas na halagang ekolohikal sa pamamagitan ng kanilang nakaugaliang batas at Indigenous knowledge systems.

“Maraming katutubong pamayanan ang matagal nang may sariling paraan ng pangangalaga sa kagubatan, tubig, lupa, at likas-yaman. Ang karanasang naipon nila sa loob ng maraming salinlahi ay mahalagang bahagi ng ating tugon sa pagkawala ng biodiversity at pagbabago ng klima,” ani Legarda.

Matagal na ring sinusuportahan ni Legarda ang Schools of Living Traditions, kung saan naipapasa ng mga cultural master sa nakababatang kasapi ng kanilang pamayanan ang katutubong kaalaman, kasanayan, at tradisyon. Sa ganitong paraan, nananatiling nakaugat ang mga tradisyon sa mismong mga taong nagmana, nagsasabuhay, at patuloy na nagpapasa ng mga ito sa susunod na henerasyon.

“Ang kultura ay nananatiling buhay dahil may taong nagtuturo at may batang handang matuto. Doon nagpapatuloy ang isang wika, awit, habi, ritwal, at paraan ng pamumuhay. Kaya mahalagang suportahan ang mismong mga pamayanang nagdadala ng kaalamang ito,” aniya.

Para kay Legarda, dapat maging pagkakataon ang National Indigenous Peoples Month upang mas makita ng mga Pilipino ang higit pa sa ganda ng katutubong kasuotan, likhang-kamay, pagtatanghal, at tradisyon. Mahalaga ring itanong kung kanino nagmula ang kaalamang nasa likod ng mga ito, sino ang may karapatang magpasya kung paano ito gagamitin, at sino ang tunay na nakikinabang.

“Ngayong National Indigenous Peoples Month, maaari tayong humanga sa ganda at yaman ng ating mga kulturang katutubo. Mas makabuluhan ang pagdiriwang kapag kasabay nito ang pagkilala sa pinagmulan, paggalang sa pahintulot, suporta sa kabuhayan, at pagtiyak na ang mga pamayanan mismo ang may boses sa kinabukasan ng kanilang kultura,” ani Legarda.

“Doon nasasagot kung kailan nagiging exploitation ang appreciation. Kapag nawawala ang pagkilala, pahintulot, patas na pakinabang, at boses ng pamayanang pinagmulan ng kultura, nawawala rin ang tunay na paggalang,” dagdag niya. (30)