Legarda: Protect Aeta rights, lock in Filipino gains before Pax Silica deal is sealed

October 1, 2026

With the detailed agreement for the Pax Silica-linked Clark project still being shaped, Senator Loren Legarda urged the government to proceed cautiously to the next stage and subject any additional long-term commitment to a clear public-interest test, saying headline investment and job projections cannot by themselves establish the net benefit to the Philippines.

Legarda said any final agreement must pass two basic tests: it must deliver clear and measurable gains for Filipinos, and it must fully protect the rights, land, livelihoods, and welfare of Aeta communities and other residents who may be affected by the project.

“Investment, jobs, and technology are opportunities we should examine seriously. But our experience with mining, export zones, and other large projects should have taught us to ask the hard questions at the beginning: How much value stays in the Philippines? Who pays for the infrastructure and resources? Who carries the environmental and social risks? What happens when promised benefits are not delivered? And how will the rights, land, livelihoods, and way of life of Aeta communities and other affected sectors be protected?” Legarda said.

Legarda said the real test is not how large the projected investment appears on paper, but how much lasting value the Philippines and Filipinos actually retain from it, and whether development improves rather than diminishes the lives of communities already living in and around the project area.

Legarda said the ongoing census validation and dialogues being undertaken by BCDA and the National Commission on Indigenous Peoples are necessary first steps, but the final agreement should spell out specific safeguards for Aeta communities and other affected residents. These should address ancestral-domain and land claims, homes and access routes, water sources and livelihoods, cultural and sacred sites, relocation standards if displacement occurs, grievance and remedy mechanisms, and benefit-sharing where applicable.

“Hindi puwedeng ang sukatan lang ng progreso ay kung gaano kalaki ang investment o ilang trabaho ang malilikha. Kung ang kapalit naman ay pagkawala ng lupa, kabuhayan, tubig, kultura, o seguridad ng mga komunidad, hindi iyon tunay na progreso.”

“Hindi sapat na sabihing may kabuhayan o assistance kung may maaapektuhang komunidad. Dapat malinaw kung ano ang plano para sa kanila at ang kabuuang epekto sa kanilang buhay. Dapat ding alam nila ang kanilang mga karapatan bago pa magkaroon ng anumang commitment. Dapat ding direktang konsultahin ang mga apektadong komunidad ng Aeta at isaalang-alang ang kanilang mga pananaw at pangangailangan,” Legarda said.

Legarda stressed that protecting affected communities and securing economic advancement are not competing objectives. A well-designed agreement, she said, should accomplish both.

Legarda added that the Philippines is not starting from zero. The country has participated in the global semiconductor industry for decades and is a major exporter of electronics and semiconductor products. But she stressed that Philippine strengths remain concentrated largely in assembly, testing and packaging, while higher-value capabilities such as chip design and front-end fabrication remain limited.

“Matagal na tayong nasa semiconductor industry at kilala ang Pilipinas bilang exporter ng chips. Pero kailangan din nating maging tapat kung nasaan tayo sa hierarchy ng value chain. Wala tayo sa itaas ng industriyang ito, di tulad ng Taiwan. Pax Silica should help us move upward, into design, engineering, advanced manufacturing, research, and technology development. Dapat may baon tayong mas malalim na kakayahan sa ating ekonomiya pagkatapos ng proyektong ito,” she said.

“This time, success should be defined by what Filipinos actually gain from the agreement: higher-value Filipino jobs, stronger local suppliers, technology and skills transfer, research capacity, domestic value added, and a fair fiscal return. Dapat may malinaw at nasusukat na pakinabang ang bansa, at dapat regular na naiuulat sa publiko kung natutupad ang mga commitment na ito. Hindi tayo dapat pumayag na tayo pa ang malugi sa isang kasunduang gagamit ng sarili nating lupa, resources, at public support,” she added.

Legarda called for the full terms of the proposed framework and subsequent binding agreements to be disclosed before additional long-term commitments are made.

“Halimbawa, kung pangamba natin ang magiging epekto sa kuryente, hindi naman masama na isulat mismo sa kontrata na ang project-specific power, firming, transmission, at iba pang kaugnay na gastos ay sasagutin ng locators at hindi ipapasa sa ordinaryong consumers o sa Treasury. Kung tubig ang concern, dapat may malinaw at published water balance na unang nagpoprotekta sa pangangailangan ng mga komunidad, kabilang ang mga Aeta, at ng agrikultura. Ganito dapat ang approach: bawat malaking concern, may katapat na malinaw, measurable, at enforceable na safeguard,” Legarda said.

“Isa pa, kung kayang magplano at magmobilize ng malaking imprastruktura para matugunan ang pangangailangan sa kuryente at tubig ng proyektong ito, dapat din nating itanong kung paano makikinabang ang mga komunidad at mga lugar na hanggang ngayon ay kulang sa mga serbisyong ito,” Legarda said.

She also called for a public monitoring framework identifying the responsible agencies, baseline conditions, measurable commitments, grievance channels, and regular compliance reports, with direct and meaningful participation by affected Aeta communities and other Indigenous Peoples.

Where the Indigenous Peoples’ Rights Act requires free, prior and informed consent, she said compliance should be completed and documented before the corresponding project activity proceeds.

Legarda, who has authored and championed landmark environmental laws including the Climate Change Act, Ecological Solid Waste Management Act, and Expanded NIPAS Act, stressed that development should not come at the expense of protections the country has spent decades building.

“Ilang dekada nating ipinaglaban at binuo ang mga batas para protektahan ang ating lupa, tubig, kalikasan, Indigenous Peoples, at mga komunidad. Hindi puwedeng dahil may malaking investment na darating ay isusugal na lang natin ang mga proteksiyong iyon,” Legarda said.

“Regulatory maturity means much more than assurances that safeguards will be observed. They must be written into the agreement, measurable, publicly reported, independently monitored, and enforceable. Kung dekada ang hinihinging commitment sa Pilipinas, dapat malinaw din ang pangmatagalang pakinabang para sa Pilipino.”

“Investor capital, jobs, technology transfer, and environmental and community safeguards should be committed upfront. If the Philippines is being asked to make commitments that will last for decades, then the gains for Filipinos and the protections for affected communities must be just as concrete. Before we lock in the obligations, let us lock in the gains and the safeguards,” she added. (30)

– – – – – – – – – – – – – – – –

Legarda: Mga karapatan ng Aeta protektahan, pakinabang ng Pilipino tiyakin bago pagtibayin ang Pax Silica deal

Habang binubuo pa ang mga detalye ng kasunduan para sa proyektong kaugnay ng Pax Silica, hinimok ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na maging maingat sa pag-usad sa susunod na yugto at tiyaking ang anumang karagdagang pangmatagalang commitment ay daraan sa malinaw na pagsusuri batay sa kapakanan ng publiko. Binigyang-diin niya na hindi sapat ang malalaking inaasahang investment at bilang ng trabahong malilikha upang mapatunayan na tunay na makikinabang ang Pilipinas sa proyekto.

Sinabi ni Legarda na dapat pumasa ang anumang kasunduan sa dalawang pangunahing pamantayan: una, dapat itong maghatid ng malinaw at nasusukat na pakinabang para sa mga Pilipino; at ikalawa, dapat nitong lubos na protektahan ang mga karapatan, lupa, kabuhayan, at kapakanan ng mga komunidad ng Aeta at iba pang residenteng maaaring maapektuhan ng proyekto.

“Ang investment, trabaho, at teknolohiya ay mga oportunidad na dapat nating seryosong pag-aralan. Ngunit dapat may natutunan na tayo sa ating karanasan sa pagmimina, export zones, at iba pang malalaking proyekto. Sa simula pa lamang, dapat na nating itanong ang mahahalagang tanong: Gaano kalaking halaga ang mananatili sa Pilipinas? Sino ang sasagot sa gastos sa imprastruktura at mga resources na kakailanganin? Sino ang sasalo sa pangkapaligiran at panglipunang panganib? Ano ang mangyayari kung hindi maibigay ang mga ipinangakong benepisyo? At paano mapoprotektahan ang mga karapatan, lupa, kabuhayan, at paraan ng pamumuhay ng mga komunidad ng Aeta at iba pang maaapektuhang sektor?” ani Legarda.

Ayon kay Legarda, ang tunay na sukatan ay hindi kung gaano kalaki ang projected investment sa papel, kundi kung gaano kalaking pangmatagalang halaga ang aktwal na mapapakinabangan at mananatili sa Pilipinas at sa mga Pilipino, at kung ang kaunlaran ay magpapabuti, sa halip na magpapabigat, sa buhay ng mga komunidad na matagal nang naninirahan sa loob at paligid ng lugar ng proyekto.

Sinabi ni Legarda na mahalagang mga unang hakbang ang isinasagawang census validation at mga dayalogo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Gayunman, dapat malinaw na nakasaad sa kasunduan ang mga tiyak na proteksyon para sa mga komunidad ng Aeta at iba pang maaapektuhang residente. Dapat nitong tugunan ang mga usapin hinggil sa ancestral domain at pag-aangkin sa lupa, mga tahanan at daanan, pinagkukunan ng tubig at kabuhayan, mga pook na may kahalagahang pangkultura at sagrado, mga pamantayan sa relokasyon kung magkakaroon ng displacement, mga mekanismo para sa paghahain at pagresolba ng mga reklamo, at patas na paghahati ng mga benepisyo kung naaangkop.

“Hindi puwedeng ang sukatan lang ng progreso ay kung gaano kalaki ang investment o ilang trabaho ang malilikha. Kung ang kapalit naman ay pagkawala ng lupa, kabuhayan, tubig, kultura, o seguridad ng mga komunidad, hindi iyon tunay na progreso.”

“Hindi sapat na sabihing may kabuhayan o ayuda kung may maaapektuhang komunidad. Dapat malinaw kung ano ang plano para sa kanila at ang kabuuang epekto sa kanilang buhay. Dapat ding alam nila ang kanilang mga karapatan bago pa magkaroon ng anumang pagsang-ayon. Dapat ding direktang konsultahin ang mga apektadong komunidad ng Aeta at isaalang-alang ang kanilang mga pananaw at pangangailangan,” ani Legarda.

Binigyang-diin ni Legarda na hindi magkasalungat ang pagprotekta sa mga maaapektuhang komunidad at pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya. Aniya, dapat parehong maisakatuparan ang mga layuning ito sa pamamagitan ng isang maayos na idinisenyong kasunduan.

Dagdag ni Legarda, hindi nagsisimula sa wala ang Pilipinas. Ilang dekada nang bahagi ang bansa ng pandaigdigang semiconductor industry at isa itong pangunahing exporter ng electronics at semiconductor products. Gayunman, binigyang-diin niyang nananatiling nakatuon ang kalakasan ng Pilipinas sa assembly, testing, at packaging, habang limitado pa rin ang kakayahan ng bansa sa mas mataas na bahagi ng value chain gaya ng chip design at front-end fabrication.

“Matagal na tayong nasa semiconductor industry at kilala ang Pilipinas bilang exporter ng chips. Pero kailangan din nating maging tapat kung nasaan tayo sa hierarchy ng value chain. Wala tayo sa itaas ng industriyang ito, di tulad ng Taiwan. Dapat tulungan tayo ng Pax Silica na umangat tungo sa design, engineering, advanced manufacturing, research, at technology development. Dapat may baon tayong mas malalim na kakayahan sa ating ekonomiya pagkatapos ng proyektong ito,” ani Legarda.

“Sa pagkakataong ito, dapat masukat ang tagumpay batay sa kung ano talaga ang mapapakinabangan ng mga Pilipino mula sa kasunduan: mas mataas na antas ng trabaho para sa mga Pilipino, mas matatag na local suppliers, technology at skills transfer, mas malawak na kapasidad sa pagsasaliksik, mas mataas na halagang idinagdag sa loob ng bansa, at patas na ulat sa buwis. Dapat may malinaw at nasusukat na pakinabang ang bansa, at dapat regular na naiuulat sa publiko kung natutupad ang mga pangakong ito. Hindi tayo dapat pumayag na tayo pa ang malugi sa isang kasunduang gagamit ng sarili nating lupa, kayamanan, at suporta ng publiko,” dagdag niya.

Nanawagan si Legarda na isapubliko ang kabuuang mga probisyon ng panukalang framework at ng mga susunod na binding agreement bago gumawa ng karagdagang pangmatagalang commitment ang bansa.

“Halimbawa, kung pangamba natin ang magiging epekto sa kuryente, hindi naman masama na isulat mismo sa kontrata na ang project-specific power, firming, transmission, at iba pang kaugnay na gastos ay sasagutin ng locators at hindi ipapasa sa ordinaryong consumers o sa Treasury. Kung tubig ang concern, dapat may malinaw at published water balance na unang nagpoprotekta sa pangangailangan ng mga komunidad, kabilang ang mga Aeta, at ng agrikultura. Ganito dapat ang approach: bawat malaking concern, may katapat na malinaw, nasusukat, at maipapatupad na proteksyon,” ani Legarda.

“Isa pa, kung kayang magplano at magmobilize ng malaking imprastruktura para matugunan ang pangangailangan sa kuryente at tubig ng proyektong ito, dapat din nating itanong kung paano makikinabang ang mga komunidad at mga lugar na hanggang ngayon ay kulang sa mga serbisyong ito,” ani Legarda.

Nanawagan din siya para sa isang pampublikong monitoring framework na malinaw na tutukoy sa mga responsableng ahensya, baseline conditions, mga nasusukat na commitment, mga mekanismo para sa paghahain ng reklamo, at regular na compliance reports. Dapat ding magkaroon ng direkta at makabuluhang partisipasyon ang mga maaapektuhang komunidad ng Aeta at iba pang Indigenous Peoples.

Kung kinakailangan sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act ang free, prior and informed consent o FPIC, sinabi niyang dapat itong ganap na maisagawa at maidokumento bago ipatupad ang kaukulang bahagi o aktibidad ng proyekto.

Binigyang-diin ni Legarda, na may-akda at nagsulong ng mahahalagang batas pangkalikasan kabilang ang Climate Change Act, Ecological Solid Waste Management Act, at Expanded NIPAS Act, na hindi dapat isakripisyo sa ngalan ng development ang mga proteksiyong ilang dekadang itinaguyod at binuo ng bansa.

“Ilang dekada nating ipinaglaban at binuo ang mga batas para protektahan ang ating lupa, tubig, kalikasan, Indigenous Peoples, at mga komunidad. Hindi puwedeng dahil may malaking investment na darating ay isusugal na lang natin ang mga proteksiyong iyon,” ani Legarda.

“Ang regulatory maturity ay higit pa sa simpleng pangakong susundin ang mga safeguard. Dapat nakasulat ang mga ito sa kasunduan, nasusukat, regular na iniuulat sa publiko, independiyenteng mino-monitor, at may malinaw na mekanismo upang maipatupad. Kung dekada ang hinihinging commitment sa Pilipinas, dapat malinaw din ang pangmatagalang pakinabang para sa Pilipino.”

“Dapat malinaw na nakapaloob sa simula pa lamang ang investor capital, mga trabaho, technology transfer, at environmental at community safeguards. Kung hinihingan ang Pilipinas ng mga commitment na tatagal nang ilang dekada, dapat kasinglinaw at kasingkongkreto rin ang mga pakinabang para sa mga Pilipino at ang mga proteksiyon para sa mga maaapektuhang komunidad. Bago natin pagtibayin ang mga obligasyon, tiyakin muna natin ang mga pakinabang at mga proteksyon,” dagdag niya. (30)